CHAPTER FORTY-SEVEN

3.6K 60 16
                                    

[JULIA’S POV]

Mahirap ma-inlove. Kumplikado. Maraming problema. Maraming sacrifices. And I did everything for love. I became a person, a friend, a lover and the worst – a devil. Lahat ng yon ginawa ko para kay Damon. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang pwede kong gawin para lang mahalin niya ako?

Akala ko noon, kami na hanggang sa huli.

Akala ko, totoo ang destiny.

Hindi pala.

O baka naman, sadyang hindi lang siya ang taong nakatadhana para sakin?

Matagal-tagal na rin siyang nanunuluyan dito sa bahay pero hindi ko maramdaman ang presensiya niya. He was physically with me but his mind and heart was with someone else. Kumakain kami ng sabay. Natutulog na unan lang pagitan. Pero bakit ganon? Eto naman yung gusto ko di ba? Pero bakit hindi ako masaya?

Hinaplos ko ang buhok ni Damon habang pinagmamasdan siyang matulog. Ilang taon din ang lumipas mula noong huli kong nagawa ito. Hindi ko tuloy napigilan ang mga luha na naguunahang pumatak mula sa aking mga mata. Ano bang nangyari samin? Masaya naman kami dati ah. Ako. Siya. Kami lang dalawa. Walang ibang tao. Walang iba. At higit sa lahat, walang Kathy Bernardo na gumugulo sa amin. He was mine – all mine. Do you think love is really a sacrifice? Because for me, love is being selfish. Sino bang may gusto na meron kang kahati sa taong mahal mo?

Kung pwede ko nga lang siyang ikulong sa apat na sulok na silid na ito – gagawin ko. Huwag lang siyang mawala sakin.

He’s my everything.

“Hmmm ...” Bahagya siyang umungol. Siguro, naramdaman niya ang kamay ko na humahaplos sa buhok niya. “Kathy ...”

Parang kutsilyo na tumarak sa dibdib ko ang pangalan na iyon. Pati ba naman sa panaginip kaagaw kita Kathy? Hindi mo ba siya pwedeng ipaubaya sakin? Nang buo? Yung hindi ka kahati? Kahit ngayon lang ... please ... ngayon lang.

Dahan-dahan akong yumuko upang abutin ang labi niya. I was dreaming to kiss those lips again. It’s been ages since the last time we kissed and still I can taste the sweetness of his lips.

Nang dumampi ang labi ko sa labi niya ay halos mapaigtad ako sa bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Wala naman kasing naging ibang lalaki sa buhay kundi siya. Mula noong mamulat ako sa reyalidad ng buhay ... sa kanya na umikot ang mundo ko. Naiintindihan niyo naman ako kung bakit ko siya ganito kamahal di ba?

“Hmmm ... Kathy.” Muli niyang sambit.

Nagbingi-bingihan ako.

“Damon ... I’m here. Shhh ...” Awtomatiko iyong lumabas sa bibig ko. Yumakap ang braso niya sa bewang ko. Dahilan para mawalan ako ng balanse at dumagan sa kanya.

“I love you. You know that I love you. Right?”

Sana hindi ka nananaginip Damon. Sana para sa akin talaga ang mga salitang yan. “Y-yes. I love you too.” Idinikit ko ang tenga ko sa puso niya. Dinig na dinig ko ang tibok nito.

Si Kathy ang dahilan kung bakit muling nabuhay ang puso mo di ba?

Being a devil is like being cursed. You can run but you can’t hide. Walang puso ang isang demonyo. Hindi tumitibok. Parang zombie. Yun nga lang, hindi kumakain ng tao ang isang demonyo. Nagdadala lang siya ng kaluluwa ng tao sa impyerno. Sa pagkakaalam ko, isang bagay lang ang pwedeng makapagpabago kay Damon. Iyon ay kung merong taong magsasakripisyo ng sarili niyang kaluluwa ... just to take his place. At iyon ang ginawa ni Kathy. Doon pa lang, talo na ako. How can I sacrifice myself for him when I am already a devil?

Kaya naman napagpasyahan kong humihip ng itim na kandila at humiling dito. Na sana maging isa akong tao. If Kathy will be a devil. Who will be there for Damon? Iyon ang unang bagay na pumasok sa isip ko noong mga oras na iyon. Sa ibang paraan, kaya kong magsakripisyo para sa kanya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon