CHAPTER THIRTY-THREE

15.7K 302 169
                                    

[DAMON’S POV]

Damn that girl!

Sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ang kamay kong hinawakan niya.

Ano ba yung sinasabi niyang devil star? And she’s talking to me like she knew me well?

Wala akong masyadong maalala pero sigurado ako sa sarili ko na hindi ko talaga siya kilala. Pero bakit ganoon na lang niya ako tawagin sa pangalan ko? Bakit wala siyang pakundangan kung lumapit sakin?

Ang weird.

“Hi Damon …” Bati ng mga babaeng nakakasalubong ko.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung paano at bakit nila ako kilala. Bakit wala akong maalala? Bakit pakiramdam ko, halos kalahati ng buhay ko ang nawala sakin?

“Damon …”

Sa lahat ng taong tumawag sa pangalan ko ngayong araw na ‘to. Si Erick lang ang kilala ko. Well, Kurt said that he’s my cousin. We were cousins. But I don’t remember how we’re related. Nagka-amnesia ba ako?

“Good to see you.” Anito habang nakangiti sa akin.

May kakaiba sa mga ngiti niyang iyon. Mga ngiti na hindi ko dapat pagkatiwalaan. Pero kanina ako dapat magtiwala kung wala naman akong ibang maalala kundi sila Erick lang?

“Y-yeah. Good to see you too.” Napilitan kong sagot sa kanya.

“Sana hindi ka masyadong manibago sa mga tao dito. Wag mo na lang silang intindihan.” Sabay tapik niya sa balikat ko. “May lumapit ba sa’yo na babae kanina?”

“Marami. Pero may isang babae kanina na kakaiba sa kanilang lahat. She suddenly grabbed my wrist and started talking about something … something like a devil star?”

“Don’t mind her. She’s crazy.”

“DAMON!” Biglang umalingawgaw ang pangalan ko sa hallway ng school. Isang babaeng saksakan ng pangit ang patakbong lumakad palapit sa akin. Galit na galit ito na para bang gusto akong patayin sa mga tingin pa lang niya sa akin.

Walang anu-ano’y bigla niya akong sinampal.

“Ang kapal ng mukha mong umasta na parang wala lang sa’yo ang bestfriend ko! Ano?! Magpapanggap kang wala kang naaalala para kalimutan na naman siya? Sira ulo ka talaga, ano? No wonder kung bakit nasabi ni Kathy na demonyo ka kasi yang ugali mo … demonyo talaga!”

Tapos humarap naman siya kay Erick.

“At isa ka pa! Kailan pa kayo naging close nitong taong ‘to?! Ha?!” Sabay duro niya sakin habang kinakausap niya si Erick. “Di ba mortal enemy kayo?! Bakit ngayon kung makalapit ka kay Damon daig niyo pa ang magkapatid?!”

Hindi makasagot si Erick. O sadyang ayaw lang niyang sumagot sa tanong ng babae?

Nagpalipat-lipat ang babae ng tingin sa amin. “Mga walanghiya kayo! Pinaglaruan niyo lang yung feelings ng bestfriend ko! Simula ngayon ah … AYOKO NANG MAKIKITANG LALAPIT KAYO SAKANYA!”

Biglang umalis ang babae pero maraming katanungan ang naiwan sa isip ko.

Sinong bestfriend? Sino ang tinutukoy niya?

Mortal kaming magkaaway ni Erick? Bakit?

Dahil saan?

At anong demonyo?

Sino?

Nagkatinginan kami ni Erick.

“Dapat talaga binabawas-bawasan ng school admin ang mga baliw dito sa university na ‘to. Nakakabulabog ng tao.”

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon