[DAMON'S POV]
I've never been rejected, ngayon lang. Nakakatawa. In just a snap, bumaliktad ang mundo naming dalawa ni Kathy. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya – noon. At kung nagawa kong balewalain siya noon, bakit hindi ko ulit gawin yon ngayon?
"Damn! I want to see her!" Halos mabasag ang boteng hawak ko sa lakas ng pagkakalapag ko sa mesa.
Yes, I admit it. I can now define love from hatred. Apathy no longer exist in my vocabulary. Maybe Erick was right, I can't bring someone back from the dead. And Kathy made me realize that even a devil can love and be loved.
"Hindi ko kaya ..." Dinampot ko ang jacket ko saka ako nagmadaling lumabas ng mansiyon. "Bahala na."
Sumakay ako ng kotse saka pinaharurot it.
"Damon?"
Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang babaeng nakangiti habang nakatitig sakin.
"How are you?" Bati niya.
I ignored her. Iniwasan ko siya ng tingin. Hindi dahil ayaw ko siyang kausapin, kundi dahil hindi ko naman siya kilala.
"D-dito ka pala nag-aaral?" Patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Hindi mo ba ako natatandaan? Ako to, si Kathy! Yung last dance mo nung JS Prom!"
Hindi rin naman siya masyadong makulit di ba? Wala ba siyang sariling mundo?
"Wala akong pakialam." Sagot ko sakanya.
Baka sang pagkabigla sa mukha niya. Ang buong akala ko titigil na siya sa pangungulit sakin ... pero nagkamali ako. She asked me the question that no one has ever dared to ask me before.
"Kumusta si Julia?"
Uminit bigla ang ulo ko. Kung lalaki lang siya, kanina pa siya bumulagta sa harap ko.
"Pwede bang umalis ka na? Nakakairita ka eh."
Natigilan ang babae.
"Ikaw ba talaga yan ... Damon?"
Hindi ko alam kung manhid ba siya o sadyang tanga lang. Hindi ba niya makita at maramdaman na ayoko siyang kausap?
"Ano nga ulit pangalan mo?"
"Kathy." Tipid niyang sagot.
"So Kathy, hindi kita kilala. Kaya wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Kaya kung pwede lang, umalis ka na?" Pinilit kong maging mahinahon kahit na kanina ko pa siya gustong ipagtulakan palayo.
"Alam mo, ang weird mo."
Hindi ako kumibo. Naisip ko na kung patuloy akong sasagot sa mga sinasabi niya mas lalo siyang magkakaroon ng dahilan para kausapin ako.
"Pasalamat ka, gwapo ka pa rin!" Saka niya ako tuluyang iniwan.
'Freak.' Nasabi ko na lang sa sarili ko.
I thought after that incident, titigilan na niya ako. Pero nagkamali ako. Almost everyday nakikita ko siya. Walang araw na lumipas na hindi ko nagkukrus ang landas namin. Kung nasaan ako, nandun din siya.
Then one day, she suddenly asked me if she can be my slave. Nakakatawa at the same time nakakagago rin.
"No." Tipid kong sagot sa kanya.
"Sa ayaw at sa gusto mo, I'll be your personal slave."
"Bahala ka."
[KATHY'S POV]
Isang linggo na ang nakakalipas.
Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Damon. Kahit na ako yung may gustong lumayo siya, ako pa rin yung nasasaktan. Lihim ko pa rin siyang tinitignan mula sa malayo. Lihim ko pa ring ibinubulong sa hangin na sana okay lang siya.
"Bakit parang antok na antok ka?" Tanong ni Sthep sakin.
"Hindi ko nga alam eh. Hindi ako nakakatulog ng maayos lately." Matamlay ko namang sagot sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo tigilan mo na ang pag-iisip sa taong yon."
"Hindi ko naman siya iniisip Chum. Naiisip ko siya pero hindi ganun sa iniisip mo."
"Ang gulo mo!" Sabay hampas niya sa braso ko.
"Hindi siya ang dahilan ng sleeping disorder ko." Sabi ko sa kanya. "Lately kasi, lagi na lang akong nagigising ng madaling araw."
"Hindi ka naman naiihi? Or something? Basta bigla ka na lang nagigising?"
"Oo. Basta bigla na lang. Walang reason."
Nagulat ako sa naging reaksiyon ni Sthep. Nanlaki kasi bigla ang mga mata niya.
"Naku Chum, may ipapabasa ako sa'yo!" May kinuha siyang isang magazine sa loob ng bag niya. "Ito oh, basahin mo."
"Bakit naman may Reader's Digest ka sa bag?" Pagtataka ko.
"Ihhh, basta! Binili ko yan kanina bago sumakay ng LRT."
Binuklat niya ang page ng magazine kung saan makikita ang article na gusto niyang ipabasa sakin.
"Did you know that when you wake up around 2-3am without any reason. There's an 80% chance that someone is staring at you?"
- Reader's Digest
"Ayoko niyan!" Bigla kong naisampal sa mukha ni Sthep ang magazine.
"Aray ko naman ha ..." Sabay kuha ni Sthep sa magazine. Ibinalik niya yon sa loob ng bag niya. "Minumulto ka yata dun sa boarding house niyo eh. Baka gabi-gabi kang dinadalaw."
"No Chum, it's actually scarier than that."
Sunud-sunod ang kabog ng dibdib ko. It's not impossible for him to do that. He's a devil. He can do anything.
Iniisip ko pa lang na malaya siyang nakakapasok sa kwarto ko at pinagmamasdan ako habang natutulog, sobrang natatakot na ko.
"Anong ibig mong sabihin Chum?"
"W-wala."
Natapos na ang klase ko pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pinag-usapan namin Sthep kanina. Hindi pa rin ako mapakali.
Paglabas ko ng classroom ay nakita ko kaagad si Erick.
"Ano ang ginagawa mo ditto?" Tanong ko sakanya.
"Wala naman. Pakiramdam ko kasi kailangan mo ng kausap." Sagot niya sakin.
Hindi ko na naitago ang kanina pang bumabagabag sa isip ko. "Natatakot ako Erick."
"Bakit? May ginawa na naman bang hindi maganda si Damon sa'yo?" Bakas sa mukha ni Erick ang labis na pag-aalala.
"Wala. Hindi pa rin kami nag-uusap. Pero kasi simula noong gabing yon hindi na ako nakakatulog ng maayos. Bigla akong nagigising ng walang dahilan. Pakiramdam ko may taong nagmamasid sakin habang natutulog ako."
Hindi ko alam kung bakit siya napangiti.
"Pakiramdam mo lang yon."
Hindi ako kumibo. I know that Erick was just trying to help me ignore things na may kinalaman kay Damon. At alam ko rin na kinukumbinsi lang niya ako na wala lang yon.
"Ganito na lang, kapag nagising ka ... tawagan mo 'ko. Okay?"
Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya niyang pinisil iyon.
"C'mon! Cheer up!" Then he smiled at me again.
"Salamat ... Salamat kasi nandiyan ka rin para sakin." Ngumiti rin ako sa kanya.
Kahit paano'y nabawasan ang kaba at pag-aalala ko.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasy"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy