[KATHY'S POV]
"Kathy ... natatakot ka ba sa multo? O naniniwala ka ba sa kanila?"
Tanong ni Sthep sakin habang nagbibihis kami sa locker room. Katatapos lang kasi naming mag-PE.
"Hmmm ... hindi. Hindi ako natatakot sa multo o sa dilim o sa kahit ano."
"Talaga? Wala kang kinatatakutan?"
"Uhm, meron naman." Nakangiti kong sagot sa kanya habang inaayos ang gamit ko.
"Ano naman yon?"
"Simple lang, natatakot akong tuluyang mapunta si Damon kay Julia."
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Sthep sa sinabi kong yon.
"P-pero Kath ... matagal ng sila. Di ba?"
"Hindi naman habangbuhay si Julia ang mamahalin niya eh ..."
Napakunot noo si Sthep.
Takang-taka.
"Paano mo naman nasabi?"
"Naniniwala ka ba sa Bloody Mary? O sa paghiling sa demonyo kapalit ng kaluluwa mo?" Sabi ko sa kanya.
"Nakakatakot naman yan!"
"Sabi ko sa'yo wala akong kinakatakutan ..."
"Oh anong konek nun sa mga demonyo at bloody mary na yan?"
Bahagya akong ngumiti.
"Handa kong isanla ang sarili ko sa diablo para lang mahalin ako ni Damon at maging akin siya habang buhay."
"Siraulo ka!"
"Alam mo, seryoso ako. Actually, gusto ko siyang subukan."
"May sa demonyo ka talagang babae ka ..."
"Hindi Sthep ... handa akong maging demonyo para lang mapunta sakin ang taong mahal ko. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang kinatatakutan ko. Ayoko siyang mawala. Ayoko siyang mapunta sa iba. Kung hindi lang din siya magiging akin ... hindi din siya pakikinabangan ng iba."
Hindi ko alam kung paano iyon biglang bumalik sa isip ko. Akala ko, yung kagabi na ang pinakadesperadang pangyayaring naganap sa buhay ko. Hindi pala.
Siguro, masyado pa akong bata noon para maintindihan ang mga bagay na kagaya nito. Hindi ko pa alam kung anong mga nasasabi ko. Ni hindi ko pinagiisipan.
Ngayon, masasabi kong marami na akong kinatatakutan. Isa na roon ang mawala si Damon sa buhay ko. Natatakot akong tuluyan na siyang maging kagaya ng tatay niya. Natatakot akong makalimutan niya kung paano magmahal, masaktan, ngumiti at magpahalaga.
"Kathy ..." Nakangiting bati sakin ni Damon. "Hindi ba masakit ang ulo mo?"
"Medyo masakit." Sagot ko sa kanya.
Bigla siyang may iniabot sakin na panyo. Napakunut-noo ako habang nakatingin sa panyong hawak-hawak ko. "Ano 'to?"
"Uhm, panyo?"
"Oo nga, alam kong panyo 'to. Pero para saan?"
"Para sa sakit ng ulo mo." Nakangiti niyang sabi bago niya ako iniwang mag-isa sa lobby.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasi"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy
