"Damn it!" Marahas kong inilapag ang phone ko sa ibabaw nang mesa. Ilang beses ko nang inulit na iguhit si Kathy pero hindi ko pa rin makuha ng tama.
Lagi na lang mali. Lagi na lang may kulang. Lagi na lang may sobra.
Magaling naman akong gumuhit pero bakit di ko maipinta nang maayos ang mukha niya?
Pumikit ako saglit. Iginuhit ko sa isip ko ang mukha ni Kathy. Ang maamo niyang mukha. Ang malamlam niyang mga mata, matangos niyang ilong at maliliit na labi. Nagawa ko sa utak ko pero bakit hindi maiguhit nang kamay ko?
Muli kong kinuha ang phone ko at pinagmasdan ang larawan na iginuhit ko. It looks like her but it's not her. It's not the Kathy that I was thinking of.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Sketched by yours truly 😊)
Thru ARTRAGE
Napailing ako habang pinagmamasdan ko iyon. It was the seventh time that I tried to draw her face but still, I couldn't get it right. Ayaw sumunod nang kamay ko sa iniisip ko.
"Damon ..."
I immediately closed the application. Saka ako lumingon kay Julia. Nakangiti siya habang papalapit sa akin. May dala-dala siyang inumin. Simula kasi nung nawala si Kathy alak na lang ang nakakakapagpapikit sa mga mata ko. And even Julia couldn't stop me from drinking.
"Eto na yung beer mo. Dinala ko na dito para di ka na bumaba pa." Aniya.
"Thanks." Saka ako matipid na ngumiti.
"Anong ginagawa mo?"
"Wala lang. Nagbbrowse lang sa phone ko. Baka sakali mapagod ako at makatulog." Pagsisinungaling ko.
"Malapit na ang kasal natin. Sana naman wag kang uminom the night before the wedding."
Naupo siya sa tabi ko.
"S-Sige." Labas sa ilong kong pag sang-ayon sa kanya. Hindi ko kayang ipangako na hindi ako magpapakalunod sa alak bago kami ikasal. Kailangan kasing maging manhid ang puso at katawan ko bago ko magawang umoo sa kanya sa simbahan.
"Alam kong hanggang ngayon, si Kathy pa rin ang mahal mo. At alam kong umaasa ka pa rin na babalik siya."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko kayang pabulaanan ang isang bagay na kong alam nang lahat na totoo.
"But I'm willing to wait Damon. Sana magtulungan tayo para magwork out yung marriage natin. At sana tulungan mo rin akong tulungan ka para makalimutan siya."