[KATHY'S POV]
"DAMON!"
Ilang metro na ang layo niya mula sa akin ng bumalik ako sa katotohanan. Hindi ko kasi mapigilang hindi maalala ang gabing yon. Yung gabing isinayaw niya ako. Yung JS Prom namin.
"Hintayin mo naman ako! Ang dami ko kayang dala!" Patakbong-lakad ang ginagawa ko maabutan ko lang ang lakad niya. Hindi naman masyadong mabigat yung dala ko, gitara niya lang naman tapos yung bag niya saka miryenda niya na binili namin sa tindahan. Konti lang di ba?
"Sumuko ka na kasi. Hindi naman masamang sumuko." Sabi niya habang diri-diretso pa rin siya sa paglakad.
You can call me crazy or stupid but I volunteered myself to be his Personal Slave. Ayaw niya pero pinagpipilitan ko ang sarili kong magpa-alipin sa kanya ng ganito. I don't know, I just want us to be closer. Closer enough for me to know what happened. After graduation kasi wala na akong narinig na kahit anong balita tungkol sa kanya. Bukod pa dun, bigla siyang nagbago. Hindi na siya kasing active kagaya ng dati. Most of the time, mag-isa siya. Mas madalas ko pa siyang makita sa guidance office kaysa sa classroom. At higit sa lahat, hindi na siya ngumingiti kagaya ng dati. Hindi na, kahit minsan ... kahit konti.
"Sus! Kayang-kaya ko 'to! Ako pa!"
Minsan hindi niya ako kinakausap. Minsan, kagaya nito ... sumasagot siya sa mga sinasabi ko. Pero mas madalas, wala siyang pakialam.
Nang marating namin ang studio kung saan siya madalas tumugtog mag-isa, nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas, I can finally put down all these stuffs and go home.
"Okay, nandito na tayo. Pwede na akong umuwi." Sabi ko kay Damon habang ibinababa ko ang mga gamit niya. Sa totoo lang, napapagod at nahihirapan na rin ako sa mga ginagawa ko. Ang tanga ko ba? Kasi para lang sa mga unanswered questions ko, nagpapakatanga ako kay Damon ng ganito?
"Dito ka lang."
Paalis na sana ako ng marinig ko yon. Bigla akong natigilan. It's been five months simula ng ipagpilitan ko ang sarili ko kay Damon at sa unang pagkakataon, pinigilan niya akong umuwi.
"Dito ka lang. Sabay na tayong umuwi." Muli niyang sabi. Pero nabibingi pa rin ako at hindi makapaniwala. Kung dinalaw man siya ng anghel dela gwardiya niya ngayon, sana naman tumambay na sa tabi niya habangbuhay.
"Hoy! Bingi ka ba? Sabi ko sabay na tayo!" Awtomatiko siyang bumalik sa dati niyang ugali. Yung kapag nagsalita, pasigaw? Hindi naman ako bingi.
"Ako ba?" Tanong ko sabay lingon sa kanya.
Hindi siya sumagot. Itinigil niya ang kung anumang ginagawa niya sa kanyang gitara saka siya dahan-dahang lumapit. Hindi ako nakakibo ng halos ga-hibla na lang yata ang layo niya mula sakin. Tapos, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Are you deaf? Or you're just stupid?"
Tapos inilapit niya ang bibig niya malapit sa tainga ko. Nakaramdam ako ng kuryente ng magdikit ang pisngi naming dalawa. "Sabi ko sabay tayong umuwi." Pabulong niyang sabi. "Oh ano? Naririnig mo na?"
Napalunok muna ako bago ako dahan-dahang tumango. Tumalikod siya sakin at muling binalikan yung gitara. "Maupo ka muna diyan. Magpahinga ka. Kasi mamaya, dadalhin mo ulit lahat ng yan." Pahabol niyang sabi.
We have never been this close before. Kaya hindi ko maiwasang hindi manghina at manginig ang tuhod. Siya lang ang nakakapagparamdam sakin ng ganito. Pwedeng nagbago si Damon pero yung nararamdaman ko para sa kanya, hindi na yata yon magbabago.
Adik sa'yo
Awit sa akin, nilang sawa na saking mga kwentong marathon.
Tungkol sa'yo, at sa ligaya
Na 'yong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw ...
Habang tumutugtog si Damon ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong bumalik sa nakaraan.
"Kanina pa kita napapansin. Parang ayaw mo kasing sumayaw. Lahat kasi ng nag-aya sa'yo tinanggihan mo. Kaya eto, isinayaw kita. Akala ko tatanggihan mo rin ako." Nakangiting sabi niya sakin.
"H-hindi. Hindi kasi ako marunong sumayaw. Nahihiya ako."
Pagkasabi ko noo'y naramdaman kong unti-unting humihigpit ang hawak niya sa baywang ko. "Don't worry. Aalalayan kita sa pagsayaw."
"I'm Kathy." I don't know why I just suddenly introduced myself but I'm glad I did.
"Damon."
"Hoy! Tulala ka na naman." Sabi ni Damon. Dahilan para bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.
"Wag mo nga akong hino-hoy! May pangalan ako, Kathy!"
"Okay Kathy, ayusin mo na mga gamit ko. Gusto ko ng umuwi." Utos niya sakin. Tanging irap na lamang ang naging sagot ko sa kanya. Inayos ko ang mga gamit niya ng mag-isa. Hindi man lang niya ako tinulungan.
"Thank you sa pagtulong ha!" Padabog kong sabi sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng studio.
"Welcome."
Napailing na lang ako. Pwede naman akong sumuko. Pwede ko naman ibaba lahat ng gamit niya. Pwede ko naman siyang iwan. Pwede kong gawin lahat ng gusto ko ... kaso ... ayoko. Kung itatanong niyo sakin kung bakit, malay ko, hindi ko din alam.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Фентезі"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy