[KATHY'S POV]
"Then ... can you be a devil for me?"
Para akong biglang nabulunan ng marinig ko ang tanong niyang iyon. Hindi ako nakasagot kaagad.
"Sana hindi lang ako naging demonyo. Siguro mas magiging madali para sayo na sagutin ang mga tanong ko."
"P-paano ka ba naging isang anak ng demonyo, Damon?" I changed the subject.
"Mahabang kwento Kathy ..." Sagot niya sakin.
"I'm willing to listen."
Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti sakin. "Sigurado ka ba?"
Tumango ako.
"May isang babae noon, dalaga at bata pa. Siguro, she was at our age that time when she decided to work as a waitress in a bar. Kailangan niyang gawin yon para mabuhay, para may makain ... para makapag-aral. Pero hindi siya yung tipo ng babae na sumasama o nagpapagamit sa lalaki. Then one night, she had a nightmare. She was being raped and abused by something she couldn't even see. Panaginip lang yon para sa kanya pero totoong ginahasa siya ... ginahasa siya ng isang demonyo." Saglit siyang tumigil para uminom ng beer. "Then she conceived a child. She never planned to abort it. She took care of it for nine months. Pero ipina-ampon din niya ang batang yon pagkatapos niyang ipanganak dahil sa hirap ng buhay."
"I-ibig sabihin ..."
"Yes. Ako ang batang yon Kathy. Hindi ko totoong mga magulang ang mag-asawang nakalibing ditto pero minahal nila ako na parang tunay nilang anak."
Bigla akong nalungkot sa nalaman ko. He had been through a lot and I felt guilty for leaving him behind.
"My parents died in a car accident and so as Julia and her family. An accident caused by my own father." Dugtong pa niya.
"Y-your father?"
"Yes Kathy, my father." Saglit siyang tumigil. "I'm the devil's son."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yon. Hindi lang siya basta isang demonyo, anak siya ng demonyo. Anak siya ng sanhi ng lahat ng mga masasamang bagay ditto sa mundo.
"A-ang sama niya! Ang sama-sama niya!" Hindi ko na napigilan ang galit na yon.
"And that's exactly why I would like to protect you. Coz he wants your soul more than anyone else in this world."
Naiyak ako. Hindi dahil sa galit. Kundi dahil sa takot. I'm not perfect. I make mistakes. But I don't deserve to be in hell.
"B-bakit? Bakit gusto niyang mapunta ako sa impyerno?"
"Kapalit ni Julia."
Lalo akong natakot. Is this what I'll get for loving a devil like him? To be burned in hell? To die?
I can't stop myself from crying. What have I done to deserve this? I just loved him. It's not like I committed the most hideous crime, is it?
"Kung ... kung papayag ba akong maging kapalit ni Julia, magbabago ka? Magiging tao ka ba?"
Pero kung mamamatay man ako, sisiguraduhin kong magiging kapaki-pakinabang ito. I'll be willing to sell my soul to Damon's father in exchange of him being a human.
"No." Matigas niyang sagot sakin.
"Anong pwede kong gawin para ... para hindi ka ... para mawala yan? Para hindi ka maging masama. Para matigil na tong mga kalokohan na to!?"
"Gusto mo talagang malaman?"
Tumango ako.
Sunud-sunod na tango.
Then I saw him smiling. "Damon, ano?"
"Mahalin mo ko."
[KURT'S POV]
"Anong ginagawa mo ditto?" Mahinahong tanong ng itim na anino sakin. Pero kahit ganoo'y nakakakilabot pa rin ito.
"Ano kasi ... ah."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko maramdaman si Damon mula ng umalis siya kasama ang babaeng yon. Wala akong ideya kung nasaan siya.
"PUNYETA!"
Napapikit ako sa takot.
Kasabay ng pagsigaw niyang iyon ay ang paghiyaw ng mga kaluluwang nakakulong sa impyerno – kabilang na roon si Julia. Nangingibabaw ang boses niya na naghuhumiyaw sa sakit na dala ng naglalagablab na apoy. Isipin mo na lang kung gaano kainit ang araw. Doblehin mo iyon ng isang daang beses.
Nanatili akong nakayuko.
"ANO PANG TINATANGA-TANGA MO DIYAN?!"
"A-ano pong gusto niyong gawin ko panginoon?"
Hindi ito sumagot. Animo'y nag-iisip siya ng ibang paraan para hindi muling maulit ang ganitong pagkakataon.
"Panginoon?" Muli kong tawag sa kanya.
"May naisip akong plano ... at natitiyak kong maguguho ang mundong binubuo ngayon ng anak ko."
Saka ito tumawa ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng itim na anino pero isa lang ang sigurado ko ... hindi magugustuha ng Master ang gagawin niyang iyon.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasía"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy