[DAMON'S POV]
Maghapong walang malay si Kathy. Pero hindi ako nawala sa tabi niya. Hindi ko siya iniwan. Nakaupo ako sa gilid nang kanyang kama habang hawak ang kanyang kamay.
Hinalikan ko yon – “Hinding-hindi kita bibitawan. Swear to God I won’t.” Pabulong kong sabi.
Bahagya siyang umungol.
Inilapit ko ang sarili ko sa kanya. “Kathy? Gising ka na?”
Dahan-dahan siyang dumilat. Atsaka bahagyang ngumiti sakin. That’sa all I needed to be strong ... to be strong for her. Hanggang ngumingiti si Kathy at habang humihinga ako ... hinding-hindi ako susuko. Hindi ako susuko sa pagmamahal ko sa kanya, sa kumplikadong relasyong meron kami, sa lahat.
As what I’ve said, she’s my everything.
I won’t let my everything just vanished like that.
I’ll fight for her ... I’ll fight with her – till the end.
“Are you hungry? What do you want? How’s your feeling? Are you okay?” Nagpapanik kong tanong sa kanya. Pero ngumiti lang siya sakin ... atsaka dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay. Hinawakan niya ang aking mukha.
“Kiss me.” Anas niya.
I bent down and kissed her. – on her hair, on her forehead, on her nose, on her cheeks and lastly ... on her lips. If this is the only thing that I could give to take away her pain and everything – I would do it – wholeheartedly.
“Ano? Okay ka na?”
She nodded.
I hugged her tight. “I love you ...”
Sinubukan niyang magsalita kahit medyo nahihirapan pa siya, “I ... I love you too.”
Gusto kong magalit sa Diyos kaso hindi ko magawa. Gusto kong magalit sa kanya kasi bakit niya hinayaang maging ganito kami. Simple lang naman ang gusto ko eh – ang gusto namin. Gusto ko lang siyang halikan at yakapin nang ganito. Gusto ko lang siyang makasama. Gusto ko lang mapasaya at mapatawa siya. GUSTO KO LANG MAHALIN SIYA NANG SOBRA-SOBRA ... sobra-sobra tulad nang iba. Pero bakit ganun na lang ka-impossible?
Kung isang pagsubok lang to ... sa tingin ko, walang papasa.
Madami ang susuko.
Madami ang aayaw.
Or the worst, madami ang mawawalan nang gana magmahal. Madami ang matatakot. Kasi sino ba namang tangang tao ang magmamahal nang taong impossible? Yung kasing imposible nang pagsasanib nang langit at impyerno?
WALA.
“N-nasan ako?” Tanong niya.
“Nandito ka sa ospital. Halos dalawang araw ka nang walang malay.”
“S-si Sthep?”
“Pumasok sa school pero babalik daw siya after nang klase niya.”
“M-matagal pa siya?”
Nanibago ako sa tono nang pananalita niya. Why she’s so eager to talk to Sthep? Anong meron? Anong kailangan niyang sabihin? Ano na naman ang tumatakbo sa utak niya?
“Bakit? Anong problema?”
“Nothing – I just want to talk to her.”
“Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nandito na siya.”
“O-okay ...”
Pagkasabi noon ay dahan-dahan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Muli siyang bumalik sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasi"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy