CHAPTER SIXTEEN

18K 228 141
                                    

[ERICK'S POV]

Simula ng muntikang maaksidente si Kathy ay hindi lumipas ang araw na hindi ko siya inihahatid sa boarding house niya. I want to make sure that she was safe. Sinisigurado ko na hindi siya magagalusan o masasaktan - tulad ng pagligtas ko sa kanya.

Yes, I'm the one who saved her from that reckless jeepney driver. Ako ang humila sa kanya mula sa muntikan niyang kamatayan. Ako ang humawak sa braso niya. Ako ang may gawa ng mga pasang yon.

Pero hindi ako ang unang taong pumasok sa isip niya na gagawa ng bagay na yon. Hindi ako, na isang anghel, ang inakala niyang nagligtas sa kanya.

And it hurts to think na si Daniel ang taong yon.

Why would a devil save her?

Minsan gusto ko ng aminin kay Kathy na nandito ako para bantayan at protektahan siya. I'm her guardian angel. But I can't. Kasi sa oras na malaman niya ang totoong ako, I will fail in my mission and I need to go back.

I want to stay.

I want to protect her ... forever.

Kahit impossibleng maging akin siya ... kahit impossible ang lahat ng gusto ko. Dahil kapag sumuko na si Damon at natapos na ang lahat ng 'to, unti-unti ko na ding kailangang magpaalam sa kanya.

I dialed Kathy's phone number habang naglalakad ako palabras ng village.

"Hello?" Sagot niya mula sa kabilang linya.

"Namiss ko kaagad yung prinsesa ko."

Narinig kong tumawa siya.

"Baliw ka ... hindi ako prinsesa."

"Okay ka na ba talaga? Wala ng sumasakit sa'yo?" Pag-aalala ko pa rin sa kanya.

"Wala na. Okay na ako. Pero yung mga pasa ko, hindi pa rin nawawala." Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya. "Gusto ko talagang malaman kung sino ang nagligtas sa akin. Gusto ko siyang pasalamatan."

Almost everyday bukambibig niya ang bagay na yon. Pero hindi ko naman siya masisisi kasi kahit naman sino ang nasa lagay niya, aalamin kung sino ang nagligtas sa kanya at nagbigay ng pangalawang buhay. Hindi ko nga lang pwedeng sabihin na ako yon.

"Baka niligtas ka ng Guardian Angel mo." Birong-totoo kong sabi sa kanya.

"Sana nga totoo ang guardian angel."

Medyo nasaktan ako sa sinabi niyang yon. Naniniwala siyang merong demonyo pero hindi siya makapaniwalang mayroon katulad ko.

"Hayaan mo na nga yon ... kung totoo man na mayroong nagligtas sa'yo, kahit sino pa siya, ang mahalaga ligtas ka."

"Thank you talaga Erick. Thank you dahil nandiyan ka palagi para sakin."

Napangiti ako sa sinabi niyang yon. "I'll see you tomorrow."

"Okay."

Then she ended the call.

Habang naglalakad ako ay unti-unting bumalik ang pangyayaring yon sa isip ko.

Nakita ko si Damon noon, akmang tatakbo siya para iligtas si Kathy. Pero dahil mas malapit ako, ako ang yumakap at humila sa kanya. But I know it wouldn't be enough to save her life. We could be both in danger kung hindi itinulak ni Damon ang jeep, dahilan para bumaliktad iyon.

Maraming nasaktan sa aksidente. Pero walang galos kahit isa si Kathy.

Kaya naman ang tanong ko sa sarili ko, sino ba talaga sa amin ni Damon ang mas dapat pasalamatan ni Kathy? Ako na humila sa kanya? O si Damon na nagtulak sa jeep?

[KATHY'S POV]

Gustung-gusto ko talagang malaman kung sino ang nagligtas sakin. Gusto kong makilala ang taong nagbigay ng pangalawang buhay sakin.

Alam ko, meron.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung mga kamay niya na humawak sakin.

I know Damon did it. I know he saved me from death. Pero bakit hindi niya kayang sabihin o aminin sakin yon? Dahil ba demonyo siya at ang kagaya niya, hindi normal na magligtas ng isang tao?

Tumunog ang phone ko.

Chum calling ...

Sinagot ko yon.

"Chum, okay ka na ba? Sorry ha, hindi kita nasasamahan this past few days. Alam mo na, nagpapaka-estudyante ako."

Tumawa ako. "Okay lang ako. Inaalalayan naman ako ni Erick. Actually, kakaalis lang niya."

"Ihhhh ... kilig!"

"Baliw ... hindi nga nanliligaw yung tao sakin." Sabi ko sa kanya.

"Ano ba, wag ka ngang atat! Ang mahalaga, unti-unti ng nawawala si Damon sa sistema mo."

There she goes again.

"Chum, alam kong mahal mo ako at concern ka sakin. Pero gusto kong magpaka-totoo sa'yo. Alam kong hindi perfect si Damon at siya na yata ang pinakamasamang lalaki para sa'yo. But we have seen the best and the worst of him. Minahal ko pareho ang side niyang yon. Hindi yon ganoon kadaling mawala pero pinipilit ko. Sana naman wag mo akong madaliin. At sana maintindihan mo ako."

Natahimik siya. "Hindi ko alam kung ano si Erick sa buhay ko at ayaw ko siyang masaktan. Ayaw din kitang masaktan. Kasi alam ko na kayong dalawa na lang ang nagpapahalaga sakin."

"I-I'm sorry chum. Ayaw ko lang kasi na may gumagago sa'yo. Ayoko din ng nasasaktan ka."

"I know."

Ang swerte-swerte ko, laging nandiyan ang mga taong mahalaga at nagpapahalaga sakin.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon