[KATHY'S POV]
“Ano bang pwede kong hilingin sa’yo?”
Sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang itim na kandila.
Maraming tumatakbo sa isip ko … tulad ng :a.) Maging tao si Damon.
b.) Maging tao si Damon.
c.) Maging tao si Damon.
d.) All of the above.
Yun lang naman ang pwede kong hilingin, wala ng iba. Hindi na mahalaga kung tinupad ba nito ang kahilingan ko na mahalin ako ni Damon. Ang mahalaga, hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Yung pagiging tao na lang niya ang kulang. Kasi, anong silbi ng mahal niya ako at mahal ko siya kung darating naman yung araw na mawawala din siya sakin. Dahil hindi lang si Julia ang kaagaw ko sa kanya … maging impyerno, nakikihati din.
Huminga ako ng malalim.
“Magiging masaya ba ako kung magiging tao siya?” Sa palagay ko – hindi.
Paano kung mas mapahamak siya? Hindi ko siya kayang protektahan … hindi ko siya maipagtatanggol. Walang magagawa ang pagmamahal ng isang taong tulad ko sa mga walang pusong demonyo.
Ano bang dapat kong gawin? Should I take this chance to make a wish? O maghihintay na lang ako kung kailan matatapos ang kababalaghan na ito sa buhay ko?
Hinawakan ko ng mahigpit ang kandilang itim.
Pumikit ako.
Tapos muling huminga ng malalim.
Saka ko pinutol ang kandila.
“Hindi kita kailangan … kung ano man ang mangyari sa akin, o kay Damon … then be it." Alam kong hindi kami pababayaan ng nasa itaas. Alam kong nakikita niya ang hirap na pinagdadaanan namin ngayon. Lalung-Lalo na si Damon.
Taimtim akong nagdasal.
“Lord, thank you po … thank you kasi binigyan mo ako ng ganitong experience sa buhay. Thank you kasi dahil dito natuto akong maging matatag. Natuto akong magtiwala at maniwala sa pagmamah. At higit sa lahat, ibinigay niyo sa akin si Damon. Salamat dahil nagtiwala kayo sakin na mababago ko siya. Maraming salamat po.”
Humangin bigla ng malakas. But this time, hindi ako nakaramdam ng takot.
Nanatili akong nakaluhod at nananalangin.
Nanatili akong nakapikit.
“Damon … ikaw ba yan?” Tanong ko sa kawalan ng maramdaman ko ang ihip ng hangin na humaplos sa aking mukha. Napangiti ako. Alam ko, nandito si Damon sa kwarto ko. Alam ko, siya yung pumasok.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I smiled when I saw him standing beside me.
“Damon!” Tumayo ako at niyakap siya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
“Bakit amoy impyerno 'tong kwarto mo?” Tanong niya sakin.
Bahagya akong tumawa. "Kasi yung pinakagwapong demonyo, naligaw sa kwarto ko."
Sumimangot naman siya. "Madami kaming demonyo, sino sa amin?"
Hindi ko na napigilan pang tumawa. He's cute when he's not smiling.
"Syempre, ikaw." I touched the tip of his nose. Saka ako ngumiti sa kanya.
Kumunot ang noo niya lalo sabay tingin sa putol na kandilang hawak-hawak ko.
“Wag mong sabihing … humiling ka na naman?”
“May mahihiling pa ba ako? Eh nandito ka na?”
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasy"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy