[ERICK'S POV]
I felt more powerful and free when I gave up my halo ang wings. Everything seems to be easier than before except from one thing – Kathy.
Hindi ko alam kung paano ko aagawin ang atensiyon niya mula kay Damon. Hindi ko alam kung paano ko kukunin ang loob niya at kung paano ko tuturuan ang puso niya na mahalin ako. Kahit na ako yung palaging nandito para sakanya at kahit na kaya kong ibigay lahat sa kanya ay hindi pa rin niya kayang pahalagahan iyon. Dahil kahit alam kong kahit anumang gawin ko, hangga't nasa paligid si Damon ... hinding-hindi niya ako makikita, hinding-hindi siya magiging sakin.
"Anong ginagawa mo ditto?"
Finally, dumating na din ang taong kanina ko pa hinihintay. I love being a devil, I can just come on go from one place to another without asking permission.
"I'm waiting for you." Saka ko hinimas ang bahaging iyon ng mukha ko. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin yon. "Mukhang hindi kasi ako kailangang magising sa katotohanan."
"Kung si Kathy na naman ang pag-uusapan natin, umalis ka na lang ditto. Wala akong oras para diyan." Aniya.
"Talaga?"
"Hindi na natin siya dapat pag-usapan pa." Hindi makatingin si Damon sa akin ng diretso. Kaya naman bigla akong natawa sa kanya.
"Kaya pala ..."
"Kaya pala ano?"
Unti-unting naglaho ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko alam kung sadyang tanga lang ba si Damon para gumawa ng isang bagay na alam niyang malalaman ko at ng itim na anino.
"Kaya pala pumasok ka sa panaginip niya at inamin mo ang totoong nararamdaman mo."
Natigilan siya sa sinabi ko.
Totoo. Totoo lahat ng panaginip ni Kathy.Totoo lahat ng narinig niya. At totoong kausap niya si Damon. Malas nga lang ni Damon dahil ginising agad si Kathy ng bestfriend niyang si Sthep.
"Ibang klase ka talaga ..." Napapailing ako habang sinasabi iyon. "Anak ka nga talaga ng demonyo."
"That's the least that I can do. And I can do that again whenever I want to."
Wala akong makitang takot o pag-aalinlangan sa mga sinabi niya.
"You are playing with her emotion. That's kind of patethic."
"And why are you affected?" Saka siya tumawa ng malakas. "Nagseselos ka ba?"
"Kailan mo ba siya titigilan? Kapag nasa impyerno na siya?"
Tumigil siya bigla sa pagtawa.
"Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yon?"
"Sa tingin mo rin ba hahayaang kitang hadlangan ang lahat ng pinaghirapan ko?"
Biglang tumahimik ang paligid. Hindi siya kumikibo, ganun din naman ako. Nakatitig ako sa mga mata niya at ganun din siya sakin.
"Tandaan mo Erick, I am still the son of the devil. I am more powerful than you are." Pagbabanta niya sakin.
"Oh c'mon! Nakalimutan mo na ba? Your father was once an angel like me."
Hindi siya nagsalita. Alam na alam niya kung ano ang sinasabi ko.
"Ang gusto ko lang, layuan mo si Kathy. Ipaubaya mo na siya sakin. You already have Julia, ano pa bang gusto mo?"
"Hindi siya laruan na basta mo na lang hihingin sakin Erick. And besides, she's not mine. I'm just protecting her from someone like you."
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
Fantasía"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy
