CHAPTER ONE

30.1K 331 47
                                    

[KATHY'S POV]

JS Prom – It's one of the most memorable event in life of a High School student. It is when you can wear either a reverent suit or tuxedo or the most beautiful gown, ever. It is when you wish you could be more than perfect not just for the evening but also for someone you would like to spend your last dance with.

"Chum, nakita ko na ang gown na perfect para sa'yo!" Abot-tainga ang ngiti sa akin ng bestfriend kong si Sthep habang hawak-hawak ang isang itim na gown.

Ibinaba ko ang Diary ko at lumapit sa kanya, "Isn't it too much?" Tanong ko sa kanya ng ilapat ko ang gown sa katawan ko habang nakatingin sa malaking salamin. "Halos makita na ang dibdib ko dito Chum eh."

"Wala ka namang dibdib kaya okay lang yan!"

Kung hindi ko lang bestfriend itong kausap ko ngayon baka kanina ko pa pinadugo ang ilong niya.

"Oh wag mo akong tignan ng masama Kathy, nagsasabi lang ako ng totoo. And besides, kanina pa tayo hanap ng hanap ng gown! Nalibot na yata natin ang buong Pilipinas para lang sa gown mo!" Halos pasigaw niyang sabi sakin, pero hindi naman siya galit – nagpapaliwanag lang.

Halos napuntahan na kasi namin lahat ng boutique dito sa lugar namin, pero wala talaga kaming nakitang maganda. Yung iba napagpilian na. Yung iba naman malayo pa sa katotohanan ang itsura. And this is the last boutique in town, life and death situation na 'to kumbaga.

"Hindi ko kayang isuot 'to sa JS Prom Chum!" Sabi ko sa kanya ng isukat ko ang gown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ko kayang isuot 'to sa JS Prom Chum!" Sabi ko sa kanya ng isukat ko ang gown. Hindi naman ito pangit pero hindi ako sanay magsuot ng mga damit na kita ang balikat at dibdib. Kung di niyo kasi naitatanong, tube gown lang naman ito na kulay itim at may mga nakapalamuting mga beads sa laylayan. Simple but elegant. Perfect na sana pero hindi ko kayang suotin ito sa harap ng maraming tao.

Hindi ko na sana ito kukunin kung hindi lumapit sa akin si Sthep at bumulong ng, "Pupusta ako, kapag sinuot mo 'to ... mapapansin ka ni Damon. Walang duda."

As soon as I heard the name, I suddenly convinced myself that I can wear this gown tonight. I can be perfect. I have to. Kailangang mapansin niya ako. Kailangang makilala niya ako. It's been four years since I felt something for Damon. Nagsimula lang lahat ng yon sa pagtitig ko sa kanya mula sa malayo, hanggang sa lagi kong panunuod sa kanya tuwing basketball league pati na ang pagtugtog niya sa mga event sa school. It became deeper and deeper, from infatuation to love. And yes, I'm in love with this guy who doesn't even have an idea I exist.

Nang mabili ko ang gown ay agad na kaming dumiretso ni Sthep sa salon para magpa-make up. We made sure na babagay sa mga damit namin ang magiging ayos namin ngayong gabi.

Halos dalawang oras din ang iginugol ng make-up artist slash hair stylist sa mga mukha at buhok namin. Matagal pero worth it naman. Dahil ng humarap ako sa salamin, nakita ko kung gaano ako kaganda. Pakiramdam ko kamukha ko na si Kathryn Bernardo.

Ilang oras pa ang lumipas at dumating na ang oras na pinakahihintay naming lahat, ang JS Prom. Isa-isang ipinakilala ang mga Lord at Lady ng third at fourth year high school. Nang tawagin ang pangalan ni Damon at Julia, halos humaba ang leeg ko sa pagtanaw sa kanila mula sa kinauupuan ko. Kung gaano kahaba ang ngiti ni Damon habang inaalalayan si Julia sa paglalakad ay siya ring haba at lalim ng kirot na nararamdan ko. How I wish I was her. Ako na lang ang Ms. Campus. Ako na lang ang muse ng basketball team nila Damon. Ako na lang si Julia. Ako na lang yung girlfriend niya.

'Lord, okay lang kahit wala akong makasayaw sa gabing 'to ... basta si Damon lang ang maging last dance ko. Please ...'

Then the song for the first dance started to play. Nagsimula na din sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. May mga lumapit sa akin para yayain akong sumayaw pero tumanggi ako. I need to reserve myself for Damon. Who knows? He might not be my last dance but my first or second or third?

Pero lumipas pa ang oras at lumalim pa ang gabi. Ilang tugtog na ba ang natapos? Hanggang ngayon, nagsasayaw pa rin si Julia at si Damon. 'Wala na yata akong pag-asa.' Nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Thank you all for being awesome tonight! Please enjoy your last dance, goodnight!" Kasunod noon ay tumugtog ang Love of my Life by SouthBorder.

Everybody stood up and danced with their partners. Everybody except me. Napayuko na lang ako. Hindi na yata ako malakas kay Lord kasi hindi niya pinagbigyan ang hiling ko. Pero okay lang, wala din naman akong ginawa para mangyari ang gusto ko.

"Can I have this dance?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Kasabay noon ang pagtibok ng mabilis na mabilis ng puso ko. 'Nananaginip ba ako?' Tanong ko sa sarili ko. 'Kathy, kakaisip mo sa kanya pati konsensiya mo nagpapanggap nang si Damon!'

"Please?"

Then I looked up and my heart just jumped out from my chest. It was him. It was Damon. And this not a dream.

Inilahad niya ang kamay niya upang alalayan ako sa pagtayo. At dahan-dahan, lumakad kami patungo sa gitna ng dance floor. He took my hands and put it on his shoulders then put his hands on my waist. Gusto kong sumigaw sa sobrang saya. God knows how happy I am right now.

But everything in this world has its ending. The night. The love. The faith. The kindness. Humanity. Damon. How I wish I could make the time stop so everything would stay normal. Everything ... even us.  

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon