Nagsalubong ang mga kilay ni Keith ng dinaanan lang siya ni Kashmir na parang hangin. Malayo pa lang ito ng ngitian niya. Hindi ito gumanti ng ngiti kaya ang akala niya hindi nito napansin kaya ng tumapat na ito sa kinatatayuan niya binati niya na ito pero kagaya nung pag-ngiti niya kanina hindi rin ito tumugon ni ang tanguan man lang siya bilang pagbati.
Malabo ba ang mga mata niya at hindi niya ako nakita? O baka naman may ear defect siya? Pero imposible naman yun. I know na wala siyang problema sa mata at pandinig.
Matiim ang titig na sinundan niya na lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan na lang itong mawala sa kanyang paningin. Napabaling siya ng tingin kay Tiffany ng kalabitin siya nito. Nakalimutan niya ng kasama niya nga pala ito.
Papunta na sana siya sa library para puntahan si Kashmir. Kanina niya pa ito hinahanap. Pinuntahan niya ito sa classroom nito pero wala ng tao kaya ang sunod niya namang pinuntahan ay ang club na kinabibilangan nito pero kagaya rin ng nauna wala rin ito doon. Sinabi lang ng mga co-member nito na malamang na nasa library ito nagkakampo kung hindi niya mahagilap.
Nakasalubong niya si Tiffany at kinausap siya nito. Hindi niya maiwan ang babae dahil ang dami nitong itinatanong ng kung anu-ano. Natawa na lang siya sa mga hirit nitong pagpaparamdam sa kanya. Ang sabi ni Keith sa sarili niya doon niya na lang aabangan si Kashmir. Nakahinga na sana siya ng maluwag ng makita itong kasama ni Ailee dahil makakaalis na siya sa paningin ni Tiffany. Kaya nga lang hindi siya nito pinansin.
"Keith!"
"Pardon me?"
"Kanina pa ako salita dito ng salita eh. Hindi ka naman nakikinig."
Sabi ni Tiffany kay Keith. Nagpout pa ito as if kaakit-akit siya sa paningin ng binata. Kung alam lang ni Tiffany na kanina pa gustong gusto ni Keith na iwanan ito.
"I'm sorry, may iniisip lang ako."
Anong nangyari doon? Akala ko pa naman okau na kaming dalawa? Hindi niya na ako inaangilan this past few days and now, back to zero again.
"Okay ka lang ba Keith?"
Nakasimangot na tanong ni Tiffany kay Keith. Hindi. Iyon sana ang gustong sabihin ni Keith sa babae pero hindi niya na lang isinatinig pa. Naiirita na si Keith sa kakulitan ni Tiffany. Hindi ba nito napapansin na ito lang din naman ang salita ng salita? Hindi ba nito napapansin na kanina pa so Keith nababagot at napipilitan lang makipag-usap dito.
"Ha? Ahm yeah."
"Like I was saying, are you free tonight?"
She bit her lower lip and looked at him seductively. Keith just smirked at her. Ikiniling ni Keith ang kanyang ulo sa ibang direksyon.
I need to get out of here.
"Sorry Tiffany pero may gagawin kasi ako tonight."
"Is that so? Sayang naman. Eh, how about on Saturday?"
"Ahm.. Hindi rin ako pwede, makikipagkita kami kay ma'am Alicante."
"Ang busy mo naman."
"Yeah. And speaking of pagiging busy I really need to go may gagawin pa ako. Bye."
Daig pa ni Keith ang nakakita ng multo sa bilis ng pagtalikod niya rito. Malalaki rin ang hakbang na ginawa niya sa pangambang mahabol pa siya ni Tiffany. Hindi niya na nga ito hinitay na makatugon pa ito sa pagpapaalam niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makaalis na at makalayo kay Tiffany.
Habang daan iniisip niya pa rin yung ginawang pang-i-snob na ginawa sa kanya ni Kashmir. Alam niya naman na medyo aloof ito sa mga lalaki base na rin sa ginawa niyang pag-uobserba dito. Ang tingin niya pa nga man hater yata ang dalaga. Hindi tuloy alam kung paano ito makakausap. Napasabunot siya sa kanyang buhok.
I'm doomed!
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Teen FictionSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...