OMEY - 23

144 87 4
                                    

Chapter 23

Nakalabas na si Kashmir pero ni anino ni Keith hindi niya na makita. Gusto niya na tuloy isiping baka guni-guni niya lang na nakita niya ito kanina sa loob ng office. Ganoon niya na ba ka sobrang namimiss ang binata para mag hallucinate siya kahit katirikan pa ng araw.

Pero tinawag niya ako. Binanggit niya ang pangalan ko kaya imposibleng guni-guni ko lang siya.

Pero bakit nga wala na siya aber? Nalingat ka lang bigla, nawala na siya sa paningin mo.

Nababaliw ka na talaga Kashmir.

Lihim na kinastigo ang sarili. Nagtatalo na naman kasi ang buong sistema ng kanyang pagkatao. Maharil nga siguro ay guni-guni niya lang yung kanina. Napabuntong hininga ng malalim si Kashmir.

Sa sobrang pag-iisip niya kay Keith ni hindi man lang namalayan ni Kashmir na nakarating na pala siya sa may parking lot ng school.

Jeez! I'm so stupid. Wala naman akong sasakyan bakit ba dito ako napadpad.

"I'm glad you're here. Hindi ko na kailangang abangan ka pa sa labas."

Muntik ng mapatili si Kashmir sa sobrang gulat. Sino bang hindi? Wala namang nakitang tao kanina si Kashmir malapit sa kinaroroonan niya maliban sa puro sasakyang nakaparada. Tapos bigla na lang may magsasalita sa likuran niya.

"K-Keith.."

"Yeah, it's me, Keith."

"I.. I k-know."

"I just glad na hindi mo ako naipagkamali kay Kaleb."

Darn! Bakit ba ako kinakabahan? And why on earth am I even stuttering?

Hindi niya na nga naintindihan kung ano yung sinabi ni Keith sa kaba niya. Napaatras ng hakbang si Kashmir ng humakbang palapit si Keith sa kanya. Natatakot ang dalaga na baka marinig ni Keith ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam ni Kashmir tumakbo siya ng napakalayo dahil ang bilis ng tibok ng kanyang puso.


****


Napalunok naman si Keith para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Masakit para sa kanya na makitang parang natatakot sa kanya ang dalaga. Na ayaw nitong lumapit siya dito.

Pinablangko ni Keith ang kanyang mukha. Alam naman ni Keith na hanggang ngayon ang kambal niyang si Kaleb pa rin ang mahal nito. Kaya nga siya lumayo dito para hindi na siya masaktan.

Wala naman talaga sa isip niya ni ang binalak na makita ito kanina. Malay niya bang pupunta rin pala ito sa office ng Admin kanina. Oo nga at may posibilidad na makita niya ito dahil DL ito pero binalewala niya iyon.

At ng makita niya nga ito kanina, gustong gusto niya na itong lapitan. Ang ikulong ang dalaga sa kanyang mga bisig. Sobrang namiss niya ito. Kung hindi lang talaga napigilan ni Keith ang sarili kanina baka nga iyon na ang nagawa niya.

Kaya nga ng tumalikod ito sa kanya dahil tinawag ito kanina, mabilis rin siyang tumalilis paalis. At dito nga sa parking lot siya dumiretcho at nagnilay nilay sa kanyang nararamdaman at sa kanyang mga dapat gawin.

Hindi alam ni Keith kung bakit parang bigla na lang siyang naduduwag ngayon na dati naman very vocal siya sa nararamdaman niya. Na kapag may gusto siya sa babae hindi niya na pinalalagpas. Pero iba ngayon. Bago para sa kanya ang kanyang mga nararamdaman kaya naninibago talaga siya.

"Ahm. I just want to say goodbye."

Tila biglang nabingi si Kashmir sa sinabi ni Keith sa kanya. At muka lang din siyang tanga na inulit lang ang sinabi ng binata sa kanya.

"Goodbye?"

"I'm leaving for New York tomorrow."

"B-bakit?"

"Dahil doon naman talaga ako nakatira. Babalik lang ako. I'm going back home, finally. Pumunta lang naman ako dito para ibigay yung sulat ni Kaleb. Nagawa ko na kaya babalik na ako."

Ayaw magsalita ni Kashmir dahil nangangamba siyang baka mabasag ang kanyang boses. Pumikit pikit si Kashmir para pawiin ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

Oo nga naman. Hindi naman dito ang lugar ni Keith. At wala ring espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa. Kapatid lang ito ni Kaleb. Inutusan lang itong ibigay sa kanya ang sulat. Natagalan lang dahil panay ang iwas niya rito dahil ang akala niya si Kaleb ito.

Kahit nananakit na ang lalamunan ni Kashmir sa kapipigil na kumawala ang isang impit na pag-iyak pinilit pa rin ni Kashmir na panormalin ang kanyang boses.

"Ah ganoon ba? Have a safe way back home then."

"Thanks."

Hindi na talaga kaya pang tagalan ni Kashmir. Baka hindi niya na kayaning makita pang umalis ang binata. Ang sakit na talaga. Parang inuonti-onting tarakan ng punyal ang kanyang puso sa sakit na nadarama niya ngayon.

"Sige, mauuna na ako sayo. May mga tatapusin pa kasi akong term papers. Ingat na lang sa biyahe."

Hindi niya na hinintay pang sumagot si Keith. It's like her heart shattered into a million pieces. Nahihirapan na siyang pigilan ang sarili na kontrolin ang kanyang emosyon. Nag-uunahan ang kanyang mga luhang malaglag.

Nang sa tingin niya wala na siya sa paningin ng binata, saka siya tumakbo palabas ng campus. Swete namang may dumaang taxi at walang laman kaya pinara niya na kang iyon at saka sumakay. Wala siyang hinawa kundi ang lihim na umiyak sa loob ng taxi habang daan.

Wala ng mas sasakit pa sa nadarama niya ngayon. Mas masakit pa noong mawala sa buhay niya si Kaleb. Yung pakiramdam na tila pinagsakluban siya ng langit at ang dilim pa ng kanyang dinadaanan.

Kasalanan ba ni Kashmir na umiibig ulit siya sa pangalawang pagkakataon? At sa kakambal pa ni Kaleb.

Dirediretcho siyang umakyat sa kanyang silid at doon ibinuhos ang kanyang pagdadalamhati.

"Parati na lang ba akong masasaktan? Lahat na lang ba ng mamahalin ko mawawala rin agad? Bakit? Bakit?!"


****


Wala na sa paningin ni Keith si Kashmir pero hindi pa rin niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa. Tila siya napako sa pagkakatayo. Ang bigat ng pakiramdam niya. He doesn't want to leave but he have to. Iyon ang nararapat.

Kaysa sa masaktan ka pa ng sobra. Alam mo namang wala ring patutunguhan. Mahirap kalabanin ang pagmamahal para sa isang patay na Keith.

Lulugo lugong ihinakbang ni Keith ang kanyang mga paa at pumasok sa kanyang sasakyan. Isinubsob ni Keith ang kanyang mukha sa steering wheel at mahigpit na nakahawak doon.

"Damn it!"

Hindi na napigilan pa ni Keith ang sariling paghahampasin ang steering wheel. Kung nakakapagsalita nga lang iyon baka nag reklamo pa ito sa binata.

Ilang sandali pa ang pinalipas ni Keith bago pinasibad ang sasakyan. Sumisirit pa sa tunog gawa ng mga gulong ng sasakyan. Wala ng pakialam ang binata kung may bigla na lang na humarang na mga pulis at kasuhan siya ng over speeding. Halos paliparin niya na kasi ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya.

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon