OMEY - 22

155 88 2
                                    

Chapter 22 - OMEY

Malapit na ang finals kaya dapat lang na nagku-concentrate na si Kashmir sa pagrereview pero hindi niya rin magawa dahil distracted siya. Since ng hindi niya na nakikita si Keith.

Kashmir ano ba?! Magconcentrate ka kung gusto mong manatili sa pagiging DL okay? Kung saan saan na naman lumilipaf yan utak mo. Isip ka ng isip sa kay Keith, eh ang tanong naiisip ka kaya niya? Ni ang sumagi sa masamang panaginip yata hindi ka man lang maalala.

Naiuntog ng dalaga ang kanyang ulo sa kanyang hawak hawak na aklat. Mabuti pa ang atribidang pagkatao niya nakakapag-isip ng matino kaysa sa sarili niyang wala ng ginawa kundi ang isipin ang isang taong hindi niya alam kung nasaan na naman at sadyang hindi sa kanya nagpapakita.

Ganitong ganito ang scenario niya ng mawala rin si Kaleb na parang bula. Ang ipinagkaiba lang sa dalawa, si Kaleb boyfriend niya eh si Keith? Mukhang si Kashmir lang yata ang umaasam na may magandang patutunguhan yung feelings niya sa binata. But sad to say sa isang mapait na pagwawakas ang kinahinatnan ng love story niya. Hindi pa man nagsisimula, natapos na agad.

Magkapatid nga sila. Parehas mapangpaasa.

Teka nga? Bakit, pinaasa ka ba ni Keith ha Kashmir? Gumising ka nga sa kahibangan mo? Ikaw lang itong assuming. Huwag ka ngang gaga! Gising gising din pag may time.

****

"Nakita mo na?"

Mula sa pagkakayuko ni Kashmir sa kanyang pagkain lumipad ang tingin niya kay Ailee. Naguguluhang tinapunan niya ito ng tingin.

"Narinig kong pinag-uusapan siya kanina."

"Sino?"

"Sino pa nga ba? Eh di yung lagi mong iniisip."

"Lagi kong iniisip?"

"Ay friend, naguging slow ka na talaga. May iba ka pa bang iniisip na tao maliban kay Keith?"

"What?! Kinabutan ka nga dyan!"

"Asus! Deny to death pa ang ale. Hindi ka kaya dyan tamaan ng kidlat sa sinadabi mo te?"

Biglang natameme si Kashmir sa sinabi ng kaibigan. Sukol ma sukol na siya nito. Para saan pa at naging mag bestfriend sila kung hindi nila kilala ang isat-isa.

"O ngayon?"

"Hindi ko pa rin naman nakikita. Narinig ko lang na pinag-uusapan ng mga babaeng makakati doon sa may book store."

"Magtatatalon na ba ako sa tuwa niyan dahil narito na siya?"

"Ano ba yan Kash? Hay naku! Hindi kita maarok, kapag wala siya hinahanap hanap mo siya na kahit sa pagtulog pangalan niya ang sinasambit mo."

"Ang O.A mo ah."

"Aning O.A ka diyan. May ebidensiya po ako."

"At ano naman iyon, aber?"

Mabuti na lang nalunok na ni Kashmir ang kinakain niya dahil kung hindi malamang nabulunan na siya. Eh paano ba naman kasi, biglang kinuha ni Ailee ang cellphone nito at ipinakita sa kanya ang video niya habang natutulog at tinatawag ang pangalan ni Keith.

Natatandaan niyang nag sleep over nga pala sa bahay nila si Ailee dahil may tinapos silang project.

Sinubukan niyang agawin ang cellphone kay Ailee pero mabilis lang nitong naibalik iyon sa bag nito. Hindi pa man siya nakakahuma ng tumayo naman ito at umalis ng tumatawa. Naiwan na lang siyang mag-isa sa mesa. Tinapos niya na lang ang kanyang pagkain kaysa sa habulin pa niya ito. Hindi niya na rin naman mahahabol pa, magsasayang lang siya ng lakas.

Kahit na may pangamba si Kashmir na baka may gawing kalokohan ang matalik na kaibigan about doon sa video scandal niya kuno subalit nanaig pa rin ang kanyang tiwala dito na hindi naman ito gagawa ng ikalalagay niya sa alanganin.

****

Alas tres pa lang palabas na ng klase sila Kashmir. Wala kasi ang professor nila sa huling subject para sa araw na yun. Nag attendance lang sila na kinuha ng class president nila saka sila nagkanya-kanyang alis ng mga kaklase nila.

Sayang lang dahil mamaya pa lalabas si Ailee. Wala tuloy kasabay ang dalaga sa pag-uwi. Sabagay bihira na nga naman silang magkasabay pa sa pag-uwi ni Ailee. Lagi kasi itong sinusundo ng boyfriend nitong si Brian. Kahit na inaalok siya ng dalawa, siya na ang kusang tumatanggi. Ano siya doon? Sabit? Huwag na lang. Storbo pa siya sa date ng dalawa. Isa pa, maiinggit lang siyang tiyak sa katamisang ipinapakita nila Ailee at Brian.

Malapit na sa main gate si Kashmir ng maalalang may dapat nga pala siyang daanan sa office ng administrator kaya agad siyang bumalik at tinahak ang papuntang admin's office.

Nagtaka ang dalaga kung anong mayroon ng oras na iyon at maraming girls na nakatambay sa corridor.

Hmp! Mga walang magawa sa buhay. Bakit kaya hindi na lang sila umuwi at ng may mapala pa sila.

Nilagpasan na lang ni Kashmir ang mga kapwa niya ring estudyante na nakatambay sa labas ng office. Gusto lang mapataas ng kilay ng dalaga ng mahagip ng kanyang pandinig ang pinag-uusapan.

"Sure ka ba talagang nandiyan siya ngayon sa loob?"

"Oo nga sabi eh. Ang kulit mo naman!"

"Naniniguro lang naman ako. Baka mamaya pala niyan mali na naman yang nasagap mong balita."

"Excuse me! Hindi ko nasagao yun noh kundi nakita."

Lalake na naman ang topic, I guess.

Dirediretchong pumasok sa loob si Kashmir. Muntik pa siyang matumba sa gulat ng bubuksan niya na rin ang isa pang silid sa loob dahil bumukas din iyon. Kung hindi niya lang naalalang nasa loob siya ng office baka napatili na siya sa gulat.

"Kashmir.."

Mahina lang naman ang pagkakasabi nito sa pangalan niya pero bakit ang lakas ng dating nun sa kanyang pandinig? At bakit kung kailan naman na hindi niya inaasahan na makikita ito saka niya naman nakita? Pinarurusahan ba talaga siya ng nasa langit?

Biglang naudlot ang pagpasok ni Kashmir dahil bukod sa nakaharang na ito sa may pintuan, hindi talaga siya makahuma. Pilit niyang pinapabalik ang diwa niyang natutulog na yatang parang mantika dahil hindi niya na magawang makakilos man lang.

"O Kashmir nandiyan ka na pala. Narito na yung mga kailangan mo."

Kung hindi pa siguro siya napansing dumating ni Miss Melanie baka mas lalo pa siyang manigas sa harapan ni Keith. Nagmumukha na siyang tanga dahil nakamaang lang siya dito.

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap niya na ang binata. Tila naglahong bula ang ilang linggong pangungulila niya sa binata.

Pilit na hinamig ni Kashmir ang sarili at simpleng tango ang binigay niyang pagbati kay Keith. Parang naumid bigla ang kanyang dila dahil hindi niya nagawang magsalita gayong napakaraming tanong ang nasa sulok ng kukute niya.

Nilagpadn niya si Keith at tinungo ang table ni Miss Melanie para kunin ang ilang form. Habang isa-isang nilalagay sa kanyang folder ang mga papel ay pasimpleng sinulyapan ni Kashmir ang gawi ng pinto para muli lang ding madismaya.

Wala na kasi si Keith sa may pinto. Umalis na siguro. May panghihinayang na nadama si Kashmir. Hindi man lang sila nagkausap kahit wala naman silang dapat pag-usapan pa.

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon