Mabining tinatangay ng hangin ang mahabang buhok ni Kashmir. Nandito siya ngayon sa isang coffe shop. Pumwesto siya sa may terrace. Bukod sa mahangin na, at upang makita na rin niya ang buong paligid. Ilang minuto na siya dito dahil may usapan sila ni Kaleb na magkikita ngayon upang pag-usapang yung activity nilang ginagawa.
Sa buong week na lagi silang nagkikita at nagkasama, there was no hint na may namagitan sa kanila. At least sa part nito. At hindi niya man aminin sa sarili nasasaktan siya sa isiping iyon na balewala lang siya dito. Kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang sarili na kalimutan na ang namagitan sa kanila wala ring saysay. Matigas rin ang puso niya.
"Here's your coffee ma'am"
Napabaling ang kanyang tingin sa crew na nagsalita. Inilapag nito ang kape sa lamesa.
"Thanks."
Matipid na pagpapasalamat niya dito. Napabuntong hininga na lang siya. Pang-dalawang round ng kape niya na to at wala pa ring Kaleb na dumarating.
Bwisit. Kapag naubos ko tong kape na wala ka pa rin, aalis na ako.
Nakatingin siya sa labas while sipping his coffee. Napangiti siya ng mapakla ng magawi ang tingin niya sa magsing-irog na naglalambing sa isat-isa. She used to be like them. She can't help but to admire those couples who are very much in love to each other.
Sana makatagpo rin ako ng kagaya ng mga lalaking ganyan.
Tumayo na siya at umalis ng coffee shop. Mukhang hindi na talaga darating ang gunggong na si Kaleb. Baka mamuti pa mga mata niya sa kahihintay dito. And worst, baka malunod na siya sa kaiinom ng kape.
Nakalabas na siya at nasa sidewalk na ngayon upang bagtasin ang sakayan sa may kanto. Magtataxi na lang siya. Mas mapapalayo pa siya kung jeep pa ang sasakyan niya. Wala na siya sa mood maglakad ng malayo-layo pa.
Patawid na siya ng tawagin siya ni Kaleb. Hindi niya naiwasang sumimangot pagkarinig sa boses nito. Nagkunwari siyang narinig ang pagtawag nito sa kanya. Mas binilisan niya rin ang paglalakad na halos liparin niya na ang sakayan ng taxi. Kaya lang mas mabilis ito kaysa sa kanya na ngayon ay nasa tabi niya na.
Napatigil siya ng higitin nito ang kaliwang braso niya. At tiningnan ito ng masama. Iwinaksi niya ang kamay na nakahawak sa braso niya at balewalang nagpatuloy sa paglalakad. Makakatawid na siya sa kabila ng bigla siyang umangat sa kalsada.
"What the heck!"
Bigla siyang napatili sa pinaghalong kaba at pagkagulat. Sino nga ba naman ang hindi kung bigla ka na lang lumutang sa ere. Tatawa-tawang isinakay siya ni Kaleb sa big bike nito. May gana pa talagang matawa ito gayong nahilo siya sa ginawa nitong pagbuhat sa kanya.
"If I were you, kakapit ako ng maigi kung ayaw mong mahulog."
Hindi pa man nakakabawi sa pagkahilong nararamdaman ng bigla nitong paharurutin ang motor nilang sinasakyan. Wala siyang nagawa kundi ang kumapit na lang ng mahigpit dito. Dahil hindi niya gugustuhing nalaglag at mabalian ng buto.
Ilang minuto din ang ginugol nilang pagtiisan ang pagkahilo bago sila huminto. Inilibot niya ang kanyang paningin upang sipatin kung asan silang lugar naroroon. Hindi siya familiar sa lugar.
Hindi kaya-.
Biglang napababa ng motor si Kashmir sa biglang naisip king bakit siya dinala ni Kaleb sa lugar na hindi niya alam kung nasaang parte ng Pilipinas.
Pero hindi niya naman siguro gagawin iyong iniisip ko. Bakit mukha na siyang palikero wala naman sa itsura niyang mamimilit siya ng isang babae.
Kunot noong napatingin sa kanya si Kaleb. Mukhang nahulaan din nito ang tumatakbo sa kanyang isipan. He just smirked at her.
"Iniisip mo bang may gagawin ako sayong hindi maganda? Don't worry wala akong gagawing masama sayo."
"Mabuti naman kung ganoon. Dahil oras na magkamali ka ng kilos malalagot ka sakin."
Mataray niyang tugon dito. Napamaang na lang si Kashmir ng biglang tumawa ng malakas si Kaleb.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
Kanina pa siya inis dito dahil sa hindi nito pagsipot sa kanilang usapan sa coffee shop. At kung kailan niya naman naisipang umuwi na lang saka naman ito nagpakita. At higit sa lahat, ang ginawa nitong pagbuhat sa sapilitang dinala sa lugar na ito.
"What are you laughing at?!"
Pabulyaw niyang tanong dito ng hindi na makapagtimpi. Nakakainsulto sa kanyang pagkatao na pinagtatawanan soya nito at wala man lang siyang magawa.
"Iniisip mo ba talagang may gagawin ako sayo? Sure, you're pretty but sorry to say this, but you're my type."
Bigla siyang namula sa sinabi nito. Hindi niya alam kung dahil sa pagkapahiya o dahil sa sobrang pagkainis na nararamdaman niya dito. Tumingin na lang siya sa ibang direksyon para matigil na ito.
"Ano bang dahilan at dinala mo pa ako dito Kaleb?"
"Tinatawag kita kanina pero hindi mo ako pinapansin. Kaya ganoon. And I apologize for what I've done a while ago. I know, it's kinda rude."
"So? What now, Kaleb?"
Walang kagana-ganang tanong niya dito.
"Will you quit calling me Kaleb?"
Malamig nitong sabi kay Kashmir. Napabaling tuloy siya dito ng tingin. Kung ayaw nitong tawagin niya ito sa pangalang Kaleb, fine with her.
"First, my name is Keith and not Kaleb. So you better stop calling me Kaleb. It irritates me easily you know."
"Fine."
Naglakad siya at nilagpasan ito.
"Kung iyan lang ang dahilan kaya mo ako dinala dito, hindi ka na sana pa nagpagod pa. Bumalik na tayo."
Kashmir heard him sigh. Parang gusto niya rin tuloy gayahin ito sa pagbuntong-hininga nito kung hindi niya lang napigilan.
He's Keith not Kaleb. Iyan ang isaksak mo sa kukute mo Kashmir. Kaya you better stop thinking about your past with him. Naka-moved on ka na di ba? Oo. I'm over with him. Hinding-hindi na ako mahuhulog sa karisma nito.
Napahinto siya sa paglalakad ng marinig itong magsalita.
"Where do you think you're going?"
"Going home, I guess?"
Nakakalokong tugon niya rito. Humarap rin siya dito at tinaasan ng kilay.
"Look, I brought you here para pag-usapan yung about sa activity natin. And sorry kung super late ako dumating. Just something came up, that's why."
Mukhang balak pa nitong magpaliwanag sa kanya na tila girlfriend siya nitong pinagpapaliwanagan. Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay para patigilin ito. Tumigil naman ito.
"You don't have to explain. I don't give a damn about your escapades or whereabouts."
"Yeah, right."
"So, ano pang tinutunga-tunganga nating dalawa? Magsimula na tayong kung ganoon para marami rin tayong matapos."
Ang sumunod na mga sandali ay iginugol nila sa kanilang activity. Himalang nakalimutan niya ang mga bumabagabag sa kanyang isipan. Hanggang sa mapagdesisyunan nilang huminto na dahil hapon na.
Inihatid siya nito hanggang sa tapat ng kanilang bahay. Inabot na sila na gabi dahil medyo traffic kanina sa daan. Agad niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa kanyang kama. Pakiramdam niya naubos lahat ng lakas niya. Nakatingin lang siya sa ceiling hanggang kainin ang kanyang diwa ng karimlan.
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Novela JuvenilSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...