OMEY
Chapter 26
Pasubsob na nahiga si Kashmir sa kanyang kama pagkadating na pagkadating niya sa kanilang bahay. Hindi pa rin maampat ang mga luhang masaganang dumadaloy sa kanyang mga mata. Sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman, mas gugustuhin pa niyang hilingin na sana ay magkaamnesia na lang siya para hindi niya na nararanasan pa ang sakit sa kanyang dibdib. Nasabunutan na nga niya ang kanyang sarili dahil paulit-ulit na nagpiplay sa kanyang isipan ang kanyang nakita kanina sa may parking lot.
Hindi niya dapat ito nararamdaman eh kasi nga hindi naman sila mag-ano ni Keith. At mas malinaw pa sa kristal na wala siyang karapatang magselos. Pero may magagawa pa ba ang dalaga kung mismong ang kanyang pusong pasaway na ang naghuhumiyaw? Ilang beses na ba siyang nasaktan at lumuha dahil lang sa iisang tao? At ni hindi niya man lang kasintahan. Ang laki niya lang talagang hunghang para mag assume na parehas lang ang kanilang nararamdaman ng binata.
Kinabukasan paggising niya ang sakit ng kanyang mga mata. Hindi niya rin iyon maimulat ng maayos dahil ang pakiramdam niya nanliliit ang mga ito. Naligo na agad siya para humanda sa pagpasok sa eskwela kaya lang noong nagbibihis na siya saka niya lang napansin na sobrang namamaga pala ang kanyang mga mata. Kung hindi niya pa nakita sa salamin ang itsura hindi niya pa malalamang namamaga ito kaya pala pakiramdam niya nanliliit ito.
Imbes na pampasok sa eskwela ang damit na isuot niya, pambahay ang ipinalit niya. She decided not to go to school today. Aabsemt na muna siya. Baka kasi magtaka pa ang mga kaklase niya kapag nakitang maga ang kanyang mga mata. Mga intrimitida pa naman sila. At mas lalo naman si Ailee. Oras na makita nitong ganoon ang itsura niya siguradong hindi siya nito tatantanan sa katatanong kung anong dahilan at bakit siya nagkaganoon. At wala siya sa mood para magkwento. She just texted her bestfriend letting her know na hindi siya papasok dahil masama ang kanya pakiramdam.
Muli siyang bumalik sa kanyang kama at nauupo lang sa gilid niyon. Naisip niya na naman yung nangyari kahapon pero nakakapagtakang hindi na siya umiiyak. Nasasaktan pa rin siya sa isiping iyon at naiiyak pa rin talaga siya subalit wala ng mailuha ang kanyang mga mata. Siguro naubos na rin iyon sa sobra niyang pag-iiyak. Napatingin siya sa pinto ng makarinig ng mahihinang katok.
"Kashmir?"
Hindi agad na nakasagot ang dalaga sa pagtawag ng kanyang ina. Nang marinig niya kasi ang boses nito parang biglang nagkaroon ng bara ang kanyang lalamunan. Muli niyang narinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Akala siguro ng kanyang mama ay natutulog pa siya. At kaya ito nandoon para gisingin siya.
"Anak, gising na. Baka mahuli ka sa klase mo. Yung breakfast mo ready na sa mesa. Kumain ka na lang okay? Kailangan ko ng pumasok."
Kahit gustong sumagot ni Kashmir sa kanyang ina pero hindi niya ginawa. Nangangamba siya na baka mabasag ang boses niya at tuluyang maiyak. Kapag nagkataon pati ang kanyang mommy ay mag-alala pa. Okay lang na siya na lang ang magdusa at huwag ng idamay pa ang kanyang mommy sa katangahan ng puso niya. Tama na ang mga kalungkutan nitong naranasan ng mawala ang kanyang daddy. Kaya mas pinili na lang niyang manahimik na lang at tahimik na lumuha. Nang marinig niya ang ugong na sasakyan saka niya lang pinakawalan ang kanina pa pinipigilang impit sa kanyang lalamunan. Akala pa naman ni Kashmir naubos na ang mga luha niya, pero bakit ngayon bumabalong na naman sa kanyabg mga pisngi? Marahas niya iyong pinunasan at saka bumaba.
Kagaya ng bilin kanina ng kanyang mommy bumaba siya pero hindi para ang kumain dahil sa totoo lang wala siyang ganang kumain. Kahit gaano pa kasarap at kabango ang mga pagkaing nakahain sa mesa hindi man lang nahalina ang dalaga para tikman man lang ang mga iyon. Kaysa naman sa itapon niya lang iyon at masayang pa, kinuha niya na lang iyon at dinala sa likod bahay nila at ipinakain sa mga galang pusang nakita ni Kashmir.
Matamang pinagmamasdan ni Kashmir ang mga pusa habang nanginginain. Naisip na lang bigla ng dalaga na mabuti pa ang mga pusa ay walang problema pagdating sa puso. Hindi kagaya niya. Bumalik na lang sa loob ang dalaga ng maramdaman ang malamig na simoy na hangin. Malakas rin iyon. Maharil ay uulan na naman. Pumasok na si Kashmir sa loob ng kanilang bahay at muling nagkulong sa kanyang silid bago pa man tuluyang pumatak ang ulan. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table ng kama niya. Lilibangin na lang niya ang kanyang sarili. May ilang misscall si Ailee at sa isang unregistered number.
Kanino kaya itong number?
Dahil wala namang maisip ang dalaga sa posibleng kung sino man ang may-ari ng hindi niya kilalang number ay ipinagkibit balikat niya na lang iyon at tuluyan ng naglaro sa kanyang cellphone hanggang sa ma-drain ang battery niyon. Hindi pa nakontento ang dalaga kaya lumipat naman siya sa computer at doon nagbabad sa paglalaro. Kailangan ng dalagang maging ukupado ang kanyang pag-iisip para huwag lang sumagi sa isip niya si Keith kahit saglit lang. Nang mapagod sa ilang oras na pagbababad sa computer natulog naman siya. Nakalimutan niya ng i-charge pa ang nadrain na cellphone.
****
Muling sinubukang tawagan ni Keith ang kanina niya pa tinatawagan pero napakunot na lang ang noo niya dahil out of reach na ito ngayon. Kung kanina nagriring pa lang ito, ngayon cannot be reached na daw sabi ng operator.
Sinadya niya bang patayin ang cellphone? Pero imposible naman iyon. Hindi niya naman alam na may isa pa akong number na ginagamit.
Kanina pa niya ito inaabangan. Pero inabot na siya ng ilang oras sa paghihintay at mukhang mamumuti na lang ang kanyang mga mata, hindi niya pa rin ito mahagilap. Nakita nuya naman kanina ang bestfriend nito kaya inaasahan niya ng kasunod lang din nito ng hinahanap niya. Iba ang dumating na tao na sumama dito at hindi iyon ang inaasahan ng binata. Magkaganoon pa man hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makikita niya rin ito. Pero ngayon kailangan niya ng sukuan ang pag-asang iyon dahil hapon na hindi niya pa rin ito nakita. Nakita niya ng may sumundong lalake sa kaibigan ni Kashmir. Hindi yata ito pumasok. Nagtiyaga pa naman siyang maghintay sa dalaga hindi naman pala pumasok.
You stupid Keith! Kung kanina mo pa tiningnan yung klase niya eh di sana kanina mo pa rin nalamang hindi siya pumasok ngayon.
Bumalik na lang siya sa parking lot at sumakay na sa kanyang kotse. Sinubukan niya ulit tawagan ang cellphone ng dalaga pero ganoon pa rin, operator pa rin ang sumasagot sa kanyang mga tawag. Napabuntong hininga na lang ng malalim si Keith. Hindi alam ni Keith kung bakit aligaga siyang makita ang dalaga. Gusto niya itong makausap at pakiramdam niya kailangan niyang magpaliwanag sa nanyari kahapon.
Malay niya ba naman kasing biglang susulpot doon si Janelle. Kung nabigla siyang makita si Kashmir kahapon mas nagulat siya ng may yumakap sa kanya mula sa likuran and the worst thing happened is ng halikan na lang siya nito ng basta-basta. Bigla niya itong naitulak at pagtingin niya wala na si Kashmir sa kinatatayuan nito. Saka naman bumuhos ang malakas na ulan kaya bigla siyang pumasok sa kanyang kotse dahil nag-alala siyang baka nabasa na ito. Hinanap niya ito pero hindi niya ito nakita.
Hindi kaya may sakit siya? Maaaring maulanan ito at kaya hindi nakapasok ay dahil nagkasakit.
Agad na binuhay ni Keith ang makina ng kanyang sasakyan at malumanay na pinaandar at tiyak ang daang tinutungo. Ipinarada ng binata ang kotse sa kabilang kalye sa katapat ng bahay nila Kashmir. Bababa na sana siya ng maisip kung ano naman ang maaaring sasabihin niya sa dalaga kapag tinanong siya kung bakit siya naroon at dinadalaw ito. Kahit pa sabihing dinadalaw niya ito dahil may sakit magtataka pa rin ito lalo na at hindi naman sila close na dalawa.
Napasabunot na lang si Keith. Hindi niya mapagdesisyunan kung bababa at magdudoor bell sa gate nila Kashmir. Heto na naman at dinadaga na naman ang dibdib niya. Kapag ang dalaga kasi ang pinag-uusapan nawawalan na siya ng lakas ng loob. Parang hindi niya na tuloy kilala ang kanyang sarili. Kailan pa ba siya naging torpe? Straight forward siyang tao pero ngayon ewan niya na lang. Hindi na siya sigurado sa bagay na iyon. Ilang sandali pa ang pinalipas ni Keith at nagmasid sa bahay nila Kashmir. Kanina pa siya doon at wala man lang siyang makitang palatandaan na may tao. Wala rin yata ang dalaga sa bahay nila kaya umuwi na lang si Keith na laglag ang mga balikat.

BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Fiksi RemajaSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...