The characters and events in this story are purely fictional and are not to be construed as even remotely inspired by persons and events known and unknown to the author.
All Rights Reserved.
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing or by any information retrival system, without written permission from the author.
Copyright © 2014
****
Chapter 1
Mas binilisan ni Kashmir ang paglalakad ng marinig ang pagtunog ng bell. Hudyat na time na nila. Paliko na siya ng makabangga niya ang kung sino.
"Aray!"
Tumilapon ang dala-dala niyang aklat sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya. Kung hindi lang siguro siya mabilis na nakabawi siguradong pati siya kasama ng tumilapon ng aklat.
Gusto niya na tuloy maniwalang malas ang friday the thirteenth. Kanina kasing pagbaba niya pa lang sa sasakyan muntikan na siyang mahagip ng isang bumahagibis na van. At ito naman ngayon.
Bwisit! Humanda ka sakin kung sino ka man. Ang laki ng daanan hindi mo ako nakita. Naliliitan yata to sakin ah. Nasa gilid na nga ako.
Umayos siya ng pagkakatayo upang ihanda ang pagtataray sa nakabunggo niya.
"Miss, I-I'm sorry. You alright?"
Anak ng, bigla niya na lang yata niyang nalunok ang kanyang dila dahil hindi niya na nagawang makapagsalita pa.
Bakit hindi siya magmumukhang tuod, eh yong crush niya lang naman pala ang nakabunggo niya.
Binabawi ko na yong sinabi ko kaninang malas ang friday the thirteenth.
Biruin niya yon, sa unang dalawang taon niya sa college ngayon lang siya nagkaron ng pagkakataong makaharap ng ganito kalapit sa crush niya.
Infairness ha, mas gwapo siya sa malapitan. Ngiti pa lang ulam na. Ayieehhh!
Gusto niya na tuloy maglulundag sa tuwa kaya lang malaking turn off yon sa lalaki. Kaya kahit sagad hanggang boto na ang nararamdaman niyang kilig nagpaka-demure pa rin siya.
"Miss, ayos ka lang?"
Napakurap si Kashmir ng marinig ulit itong magsalita. Iwinagayway pa nito ang kamay sa tapat ng kanyang mukha para makuha ang atensyon niyang lumipad na yata sa kung saan.
"Ah-hh yes. Ayos lang ako."
Inilahad niya rito ang palad niya upang kunin ang aklat niyang hawak naman nito.
"Huh? Bakit?"
Nakakunot noo nitong tanong sa kanya.
"My book."
Itinuro niya rito ang aklat niyang hawak-hawak nito. Na-realized din naman agad nitong pinulot nga pala nito yon kanina.
"Ahh.. here. Sorry ulit ha."
Napaungol si Kashmir ng makita ang time sa wrist watch niya. Late na siya ng five minutes. Isa lang ang inaalala niya, na baka mauna pa ang professor nila kesa sa kanya.
Isang sulyap ang binigay ni Kashmir dito at isang tangong may matipid na ngiti saka bumira ng alis. Daig niya pa ang nakipaghabolan kay kamatayan sa bilis ng lakad niya.
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Teen FictionSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...