OMEY - 3

517 196 26
                                    

Sa isang coffee shop sila Kashmir at Kaleb humantong. Worried daw kasi ito sa kanya kaya sinundan siya nito kanina sa faculty. Kaya ito namang puso ni Kashmir hindi na tumigil sa pag somersault. Pati yata mga hibla ng kanyang buhok sobrang kinikilig.

Sa wakas sa dalawang taon niya sa college, na pansin din siya ni Kaleb. Akala niya talaga hanggang tingin na lang siya rito mula sa malayo. Kaya itinuturing niya na itong first date.

First date? Aba! Gumising ka nga Kashmir! Inaya ka lang mag kape, date na agad. Wag kang assuming te.

Sabi sa kanya ng kontrabidang bahagi ng pagkatao niya.

Shut up! Walang basagan ng trip pwede? Ito na yong chance na matagal ko ng pinakahihintay. Kaya para sakin date na agad to. The mere fact that he asked me na mag kape, considered na date na yon.

Pagtatanggol naman ng isang bahagi niya. She pulled her hair absent mindedly. Mannerism niya na kasing gawin yon kapag naguguluhan siya at hindi magkasundo ang buong pagkatao niya.

"Something wrong?"

Nag-aalalang mukha ni Kaleb ang agad na nabungaran ng mga mata ni Kashmir ng tumingin siya rito.

"Hah? Ahm.. Wala. Ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya rito. Hirap talagang alisin sa sariling sistema ang mga bagay na nakagawin ng gawin.

Nakita niya na tuloy ang pagka-bipolar ko. Turned off na yata ako sa kanya. Wag naman sana.

Hanggang sa pag-uwi ihinatid pa rin siya ni Kaleb. Hindi na nga lang ito tumuloy sa loob para sana makapag-kape dahil may pupuntahan pa raw ito.

Hanggang kinabukasan pagpasok niya sa school pakiramdam ni Kashmir nasa cloud nine pa rin siya. Naramdaman niya ang pag-upo ni Ailee sa katabing upuan kaya nilingon niya ito at nginitian.

"Let me guess, something good happened yesterday kaya naman ganyan ka na lang kung makangiti friend."

Isang ngiti lang ulit ang itinugon niya rito. Hindi niya rin kasi alam sa sarili niya kung bakit ganon na lang ang ikinikilos niya.

"Hay naku Kash. Know what? you're grinning from ear to ear. And I'm not used to it, you know. You look like an idiot."

Hinampas niya ito ng kanyang aklat. Sabihan ba naman siya nitong idiot. Natawa naman ito sa ginawa niya.

"Tseh!"

"Ngiting aso ka kasi. Concerned lang naman ako sayo, baka mapunit na yang bibig mo sa kangingiti. Hindi ka ba nangangawit?"

"Walang basagan okay? And mind you, mas nakakatawa yong ginawa mong pagmi-make up kahapon. At least ako ngiti lang, eh ikaw?"

"Hoy, walang masama sa ginawa ko kahapon noh! Isa pa natural na lang sa babae na mag-ayos at mag paganda."

"Yeah, I know right. Sa sobrang kapal ng make up mo muntik ko ng akalaing isa kang clown."

Pang-iinis niya ni Kashmir kay Ailee. Sinabayan niya pa ng tawa. Mas lalo lang siyang natawa ng makita itong sumimangot.

Ganito na sila ni Ailee simula pagka-bata. Mag class mate na silang dalawa since grade school kaya kahit lagi silang nag aasaran at nagkakapikunan, ayos lang.

Ni minsan hindi pa sila nito nag-away. Ailee is her best friend. Yong mga taong ngayon lang sila nakilala, aakalain na sigurong nag-aaway sila. Pero ang totoo, natural na yon sa kanilang dalawa.

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon