Finally Friday na. Medyo makakahinga na din si Kashmir kahit papano. Bukas hindi niya na kailangang mag-alala pa kung makikita niya ba si Kaleb. Ang totoo niyan, since that day na maging seatmate niya ito iniwasan niya na ito ng todo-todo. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman kinabukasang wala ito at hanggang ngayon. Isa lang kasi ang ibig sabihin noon, sa isang subject lang sila magiging magkaklase.
Magkaganoon pa man, hindi dapat siya magpaka-kampante. Gagawin niya pa rin ang pag-iwas niya rito. Naisip niya na ring umupo sa ibang upuan next time para wala ng chance na magkatabi pa silang muli sa upuan. Disidido na siyang iwasan ito sa buong semester upang tuluyan niya na itong makalimutan. Total pinatunayan naman na nitong balewala lang siya dito. There was no hint of recognition na may pinagsamahan sila nito, anyway. Ang galing nga ni Kaleb, bilib siya rito. Ganoon kakapal ang pagmumukha nito para ipakita sa kanya na isa lamang siya sa mga naging fling nito.
She sighed. And after a while, she gathered herself up para umuwi na. Natapos din ang buong araw niya at muli ay nagtagumpay siyang hindi makita si Kaleb. Kung laging ganito, eh di, maganda.
Mag-isa siyang naglalakad sa corridor dahil mukhang nakababa na ang mga classmates nila. Napahinto siya ng maramdamang nag-vibrate ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nagtext.
From Ailee:
Hey, Kash! Don't wait up for me okay? May meeting pa kami baka matagalan pa kami dito kasi naman nagdidiskusyon pa kasi yung iba samin dito. Naku! Mga mukhang ewan!
Napangiti naman siya sa text ni Ailee sa kanya. Mukhang nakikini-kinita niya na kasi kung anong itsura nito ng mga sandaling iyon. Malamang na nakabusangot na naman ito at nanghahaba pa ang nguso sa pagkainis. Nagreply naman siya dito ng ok at muli na ring nagpatuloy sa paglalakad.
Napatingala siya sa kalangitan ng makarating siya sa may quadrangle ng school nila. Medyo madilim at mahangin din. Mukhang uulan pa. Buti na lang lagi akong may dalang payong. Sa loob-loob ni Kashmir. Kailangan na niyang bilisan ang kanyang paglalakad dahil nangangamba siyang maabutan ng ulan. Kailangan ding makasakay muna siya bago pa pumatak ang ulan. Kung ayaw niyang makipagbalyan ng katawan sa mga kapwa niya commuters sa pagsakay mamaya kapag umulan upang makasakay lamang.
Hindi pa man niya nagagawang maihakbang kanyang mga paa ng mahagip ng kanyang paningin ang taong iniiwasan niya this past few days. Nakasandal ito sa balustre sa dulo ng hagdan at tila may hinihintay. Nakayuko ito at kinakalikot ang cellphone. Napaismid siya sa maaaring posibleng maging dahilan noon. Hmp! Baka babae ang hinihintay! Pake ko sayo! Mambabae ka hanggat gusto mo. For the hell I care.
Mabilisan niya itong nilagpasan na parang walang nakita. Malalaking hakbang ang ginawa niya makalayo lang ng mabilis dito kahit pa narinig niya itong may tinatawag hindi niya na lang pinansin kahit pa nga ba gustong-gusto niya ng lingunin upang malaman kung sino ang tinatawag nito. Syempre curious din naman siya kung sino ang tinatawag nito. But on the second thought huwag na lang din. Baka kasi mapansin siya nito at isipin pang head over heels in love pa rin siya dito.
No way! Manigas siya! Hinding hindi ko ibibigay ang satisfaction sa kanya na makitang may halaga pa rin siya sakin kahit na kaunti. Hindi ako ganoon katanga para gawin iyon. Para saan pa at naging DL ako kung hindi ko gagamitin iyon? Tanga na lang talaga ako kapag muli pa akong nagpauto dito.
Nakalabas na si Kashmir ng main gate at nag-aabang na ng masasakyan pauwi ng may tumabi sa kanya. Dahil sa pag-aakalang isa ring kagaya niya na naghihintay ng masasakyan, hindi na lang pinansin kung sino man ito.
"Masyado kang mabilis maglakad para sa isang babae."
Napatda siya sa narinig. Iyong bagong dating na tumabi sa kanya ang nagsalita. Sino ba ang kinakausap nito? Ako ba? Pero mukhang imposible naman yata iyon na siya ang kinakausap nito. Hindi niya na lang ito pinansin o ang lingunin man lang hindi niya ginawa. Patuloy lang siya sa pagtingin sa mga dumaraang mga sasakyan.
"Hey!"
Muli niya na namang narinig itong nagsalita. Ang kulit naman ng kulugong ito. Pakialam ko sayo.
"Hey, classmate!"
Ulit nito. But this time mas nilakasan nito ang pagsasalita and he poked her gently. Kaya may idea na si Kashmir na mukhang siya nga talaga ang kinakausap nito. Maliban sa tinawag na rin siya nitong classmate. Baka nga classmate niya talaga. Parang familiar sa kanya ang boses nito. Kung hindi siya nagkakamali, katimbre ng boses nito si Kaleb. Yeah that jerk Kaleb. Pagtutuya niya sa kanyang isip.
Nilingon niya na lang ang kung sinuman ang kulugong lalakeng ito na nagpapapansin sa kanya. Baka kasi kapag hindi na pa pinansin ay ulitin pa nito ang pag poke sa kanya. At kapag ginawa pang muli iyon ng kulugong nasa katabi niya malamang, maupakan niya pa ito sa pagkabwisit. Hindi sila close para bigla na lang siya nitong i-poke.
"Bakit ba?"
Tanong niyang may kasamang pagtataray dito na sana hindi niya na lang talaga ginawa. Agad niyang pinagsisihan kung bakit nagawa niya pang pansinin ito. Ang kulugong nag-poke sa kanya ay walang iba kundi si Kaleb. Oo, masyadong malayo sa katotohanan iyong sinabi niyang kulugo ito dahil ang gwapo nito actually at aminado naman siya sa bagay na iyon. Infact hindi lang ito gwapo sa salitang gwapo kundi sobrang gwapo. Napansin niya ring mas gwumapo pa yata itong lalo sa nagdaang months for not seeing him.
May inis man na nararamdaman ay hindi niya iyon ipinahalata dito. Kahit pa nga ang gusto niyang gawin ng oras na iyon ay hampasin ng kanyang bag ang pagmumukha nito para mabawasan man lang ang kagwapohan nito. At ng sa gayun wala na ring babaeng mahuhumaling dito. But she doubt it kung wala nga talaga. She composed herself at walang anuman tiningnan ito at kinausap.
"Ang sabi ko, bakit?"
"Ahmm.. Kasi--"
Agad na pinutol ni Kashmir ang iba pang sasabihin nito. Wala siyang oras para makipagplastikan dito.
"Kung may sasabihin ka, pwedeng sabihin mo na agad? Nagmamadali ako eh."
Mukhang hindi nito inaasahan ang pagtataray niya dito. Halata namang hindi ito sanay na may kagaya niyang may lakas ng loob na tarayan ito. Aba! Si Kaleb lang naman ito, at heartthrob ng campus nila. At bakit naman hindi niya ito pwedeng tarayan eh, ito lang naman ang sumira sa puso niya. Karapatan niya iyon. Doon man lang makaganti siya.
"What?"
"I'll take you home."
Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig niya o nabingi lang talaga siya? Ihahatid daw siya nito sa bahay. Kapal lang ng mukha. May lakas pa siyang loob na magsabi noon sakin? Ano bang akala nito sa kanya, na after what he done ganoon siya ka willing na basta na lang kalimutan ang ginawa nito ng ganoon-ganoon na lang? Wow!
"Bakit?"
"Ha? Anong bakit?'
"Bakit? We're not close. Just don"t bother."
Agad niya itong tinalikuran at tamang tama namang may paparating na sasakyang medyo maluwang ang sakay, kaya agad na rin siyang sumakay. While Kaleb was still standing there na nakatingin lang sa kanya. After she left him dumbfounded. Serves him right! Iniiwas niya na ang tingin dito. Nakaramdam din siya ng munting kasiyahan sa ginawa niyang pambabalewala niya dito at sa pagtanggi niya sa alok nitong paghatid sa kanya.
'Coz right now, I'm done believing him, loving him, trusting him, and most of all missing him. He don't even know what I'm feeling and he might probably won't even understand. I'm less of a person thanks to him. Nothing in world can match up to this pain he caused me. Tama lang ang ginawa kong pambabalewala sayo. Kulang pa iyon sa ginawa at ipinaramdam mo sakin Kaleb.
Pinahid niya ang munting butil ng luhang tumulo sa kanyang pisngi. Kumurap-kurap din siya ng makailang beses upang pigilan ang luhang nagbabata pa sanang malaglag. Nakakahiya sa mga kasakayan niya. Baka isipin pa ng mga itong nababaliw na siya dahil bigla na lang siyang umiiyak. Mukhang wala namang nakapansin na naiyak siya. Salamat na din kung ganoon nga.
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Teen FictionSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...