OMEY - 27

117 67 1
                                    

Sobsob sa pagbabasa ng aklat si Kashmir. This past few days ay iyon at iyon lang ang lagi niyang ginagawa. Gusto niyang laging may ginagawa. Iyong tipong dapat laging abala ang kanyang isip para wala ng puwang pa sa alalahanin niya ang tungkol kay Keith. Sa sobrang sobsob niya sa pag-aaral, ni hindi niya na namamalayan kung anong nasa paligid niya. Basta may vacant time ang dalaga, libro lang ang tanging hawak niya. After class niya naman ay hindi muna siya umuuwi ng bahay dahil sa library naman siya dumidiretcho at doon magbababad ng oras at lulunurin ang sarili sa pag-aaral. Umuuwi lang siya kapag alam niyang pauwi na rin ang kanyang mommy.


Sa mga nakalipas na araw parang iyon na parati ang routine ng dalaga. Gigising sa umaga, papasok sa klase at uuwi ng madilim na. Para siyang isang manikang de susi. Kumikilos ng walang buhay. Kahit si Ailee nagtataka na rin sa kanya. Kung hindi niya pa idahilang nasa honors list siya hindi pa siya nito titigilan sa pagtatanong kung bakit todo siya sa pag-aaral.


Bandang alas singko na ng hapon ng makaramdam ng pagkagutom si Kashmir kaya nagpasya siyang pumuta muna sa canteen para magmeryenda. Doon niya na lang itutuloy ang pagrereview habang kumakain. Dahil sa hapon na kaya iilan na lang ang tao sa loob ng canteen. Mas mainam iyon para sa kanya. Makakapagreview siya ng mabuti.


Napamura ng mahina si Kashmir ng mapansing madilim na sa labas. Dali-dali niyang inayos ang gamit at nagmadaling lumabas ng canteen. Walang idea ang dalaga kung anong oras na ba ng mga sandaling iyon. Iyon ang mahirap kapag walang suot na relo. Kung bakit naman kasi naiwanan niya sa bahay ang kanyang relong pambisig. Alangan namang halungkatin pa niya ang kanyang bag at kunin ang cellphone. Mag-aaksaya lang siya ng oras, eh di ilalakad niya na lang patungong sakayan.


Nakasakay naman agad ang dalaga. Kumportable ng nakaupo ang dalaga sa loob ng FX na sinasakyan niya. Maluwang rin ang daloy ng mga sasakyan. Mabuti na lang kahit rush hour na ay walang traffic. Nakatingin si Kashmir sa labas ng bintana ng FX ng tumigil ang sinasakyan nila dahil sa red light na ang stop light. Inilibot niya na lang ang kanyang paningin sa paligid ng kinahihintuan nilang lugar ng tila may mahagip ang kanyang paningin. Kahit hindi siya sigurado kung sino ang taong iyon, hindi niya na kailangan pang hulaan. Base sa lakas ng tambol ng kanyang dibdib kayang-kaya niyang sabihin kung sino iyon. At kahit nakapikit pa ang dalaga.


Muli niyang ibinalik ang paningin para hanapin kung asan ang bultong nahagip niya. Ayun! Si Keith prenteng nakaupo sa loob ng isang restaurant sa tapat ng hinintuan nila. At hindi ito nag-iisa. Dahil sa kaibayong upuan ay natoon ang isang magandang babaeng kausap nito. Malinaw niya pang natatandaan ang mukhang iyon. Ito iyong babaeng yumapos at humalik kay Keith. Sa tingin ng dalaga ay nag-uusap lang naman ng mga ito. Subalit hindi niya maiwasang hindi gumuhit ang isang mapait na sakit sa kaliwang dibdib niya. Bigla rin nanlabo ang paningin niya dahil sa nangingilid niyang mga luha ng makita niyang nakikipagtawanan si Keith sa babae. Ang saya-saya nilang dalawang samantalang siya napaka-miserable


Biglang inalis ni Kashmir ang kanyang tingin sa loob ng restaurant at tumungo ng mapatingin si Keith sa gawing labas ng kinauupuan nito. Nangamba ang dalagang baka mapansin ng binata ang kanyang presensya. Huwag kang assuming Kashmir. As if naman! Lihim na kinastigo ng dalaga ang kanyang sarili. Oo nga naman. Bakit naman mapapansin siya ni Keith sa ganoong distansya samantalang kitang-kita niya namang busy ito sa kasama nito. At masaya pa. Nagkaroon ng kibig ang kanyang lalamunan kasabay ng pag-alpas ng luhang kanina niya pa pinipigilan.


Okay na naman siya nitong mga nakalipas na araw. Tinanggap niya na at sinanay ang sariling sistema na walang patutunguhan ang kanyang nadarama para sa binata. Pero ngayon, nakita niya lang muli si Keith ang sugat na pilit niyang pinaghihilom ay parang nanariwa ulit sa sakit na kanyang nararamdaman. Para iyong isang sugat na nagnanaknak at binuhusan pa alcohol. How cruel.

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon