"Narito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Alalang-alala na sa'yo si Ailee."
Napalingon si Kashmir sa kanyang likuran. Ang seryosong mukha ni Keith ang sumalubong sa kanyang aandap-andap na pag-iisip. Kahit seryoso ang itsura ng binata at nakakunot ang noo ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kagwapuhan nitong taglay. Naipilig ni Kashmir ang kanyang ulo.
Ano ba naman tong iniisip ko. Mukhang nasobrahan na yata sa hangin ang ulo ko.
"Sayang naman ang ganda ng paligid kong hindi ko titingnan 'di ba?"
"I'm glad nagustuhan mo dito. Pero mas okay kung bukas ka na lang mamasyal para makapag-ipon ka ng lakas ngayon. Isa pa hindi ka dapat pumupunta sa ganitong kalayo lalo na at mag-isa ka lang."
"Okay."
Iyon na lang ang nasabi ng dalaga kay Keith. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Siguro dahil sa pagod na rin siyang laging nakikipagtalo sa binata.
Tumayo na si siya para bumalik. Nakamaang na sinundan na lang siya ni Keith. Kahit siguro ang binata hindi rin inaasahan na sa unang pagkakataon nawala siya ng sasabihin. Iyong ganoon siyang kadali na aayon sa sinabi nito.
Nagpapakabait na nga ako sa kanya'di ba?
Agad na niyakap ni Ailee si Kashmir ng makauwi. Gustong matawa ng dalaga sa kanyang bestfriend. Ang O.A lang kasi para namang ganoon siya katagal na nawala sa paningin nito kung makaakto.
Pero agad rin iyon napalitan ng guilty. Kasalanan niya naman kasi. Wala siyang sinabi dito na maglalakad-lakad. Maiisip niya pa ba 'yun kung nabwisit siya kay Keith kaya siya nag-walked out.
"Sorry kung napag-alala kita."
"Saan ka ba galing?"
"Naglakad-lakad lang ako."
"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Hindi ka man lang kasi nag-iwan ng note o 'di kaya nagtext man lang."
"Sorry nakalimutan kong mag-iwan ng note. At 'yung cellphone ko, naiwan ko sa kwarto."
"Ang mabuti pa kumain ka na muna ng meryenda Kashmir."
Sabat ni Bryan. Hindi ito napansin kanina ni Kashmir na naroon din pala ito. Kay Ailee lang kasi siya kanina nakatingin. Kung hindi pa ito magsalita hindi niya pa malalamang nasa paligid lanh din nila ito.
"Thanks na lang pero mas gusto kong magpahinga muna. Sige mauna na ako sainyo."
Hindi na pinansin pa ni Kashmir ang nagtatakang tingin sa kanya ng kaibigan niya at umakyat na siya sa silid na nakalaan sa kanya.

BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Fiksi RemajaSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...