Imbes na sundan ni Kashmir ang magkasintang Ailee at Bry sa sala ay dito siya dumireto sa green house sa may likod bahay. Nahihiya pa rin kasi siya sa naabutan ng magkasintahan. Hindi naman siya guilty pero nakakahiya pa rin.
Inakala pa yata nila Ailee na may ginagawa kaming kababalaghang dalawa ni Keith kanina. Kainis! Bakit ba kasi may pahawak-hawak pa ito sa pisnging nalalaman?
Pero hindi man maamin ng dalaga na kaniyang sarili na may gumapang na kilig sa buong pagkatao niya. Bawat himaymay na lang yata ng kamalayan niya ay kinilig. Napangiti na lang si Kashmir. Kung wala lang ibang makakarinig sa kaniya baka kanina pa siya nagtatalon at nagtitili sa kilig.
Pero sa ngayon makukuntento na lang muna siyang pigilan ang kilig na umaalipin sa kaniyang kamalayan.
Ang harot mo ateng. Kunwari ka pang naiinis kay Keith eh kilig hanggang buto ka naman diyan.
Wala kang pake mind! Haha! Eh sa kinikilig ako eh at saka feel kong magpabebe.
Sarap lang batukan ng sarili niya. Malamang kung nasa harap niya ngayon si Ailee baka nga nabatukan na siya nito. Baka nga hindi lang batok ang abutin niya sa kaibigan kung nagkataon. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga ng maalala niyang nakita niya itong may kahalikang babae kaya kung anuman ang kilig na umaalipin sa kaniya ay agad niya rin iyong pinatay.
Mapait na napangiti na lang siya. May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin makukuha. Kahit nga iyong iba pinaghirapan pa nilang makamit in the end nauuwi pa rin sa wala kahit gaano pa nila iyon pinagpaguran.
Ang sabi nga sa salawikain Kashmir, "Kung hindi ukol, hindi bubukol."
So kailangan ko munang magpabukol ganoon?
Ay h'wag kang tanga pwede? Bawal ang maging tanga sa panahon ngayon kung ayaw mong maiwang luhaan na naman.
Napasimangot si Kashmir sa katwiran ng kaniyang isip. Sabagay may punto rin naman talaga ito. Sa panahon ngayon, hindi na lang puro puso ang dapat gamitin niya. Ano pang silbi ng kukute niya kung isasantabi niya na lang iyon at hindi gagamitin sa lohikal na paraan.
"She is frowning again."
Muntik pang mahulog sa pagkakaupo sa bangkong kahoy si Kashmir ng maronig ang nagsalita sa likuran niya.
"Nakakatatlo ka na ah! Papatayin mo ba talaga ako?!"
"Okay, sorry... again."
"Pwede h'wag kang kabute?"
"What?"
"At kung pwede rin h'wag kang bingi. Linis-linis din ng tainga kapag may time. Uso iyon at walang bayad."
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Novela JuvenilSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...