OMEY - 18

204 102 3
                                    

Girl, ito na yung request mong dedication. Para sayo tong chapter na to

****

Pagkababa nila Kashmir at Keith sa sasakyan, nagtaka pa ang dalaga kung bakit hindi naman yata mukhang sementeryo ang tinigilan nila ng binata. Ang inaasahan niya kasing pupuntahang sementeryo dahil iyon ang sabi ni Keith kahapon na may sarili daw sementeryo ang family nito. Pero asan naman kaya iyon? At bakit yata wala naman makitang sementeryo ang dalaga? Tinapunan niya ng nagtatanong na tingin si Keith pero naglakad lang ito papasok sa tila parkeng tinigilan nila.

Huwag niyang sabihing naisipan niya pang mamasyal muna kami?

Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundan na lang si Keith na nauna na sa kanya. Hindi man lang ito nag-abalang hintayin ang dalaga. Binilisan na lang din ni Kashmir ang paglalakad upang magawang makahabol kay Keith. Halos lakad takbo na nga ang ginawa ni Kashmir maabutan lang ang binata na daig pa ang hinahabol ng multo sa bilis nitong maglakad.

Wala pa bang balak tumigil si Keith? Hanggang kailan ba kami maglalakad? Syete naman, nananakit na ang paa ko kalalakad.

Napahinto na lang si Kashmir ng biglng tumigil ang binata sa paglalakad na kung hindi naging maagap sa pagtigil si Kashmir sa pagsunod sa binata for sure bumangga na ang mukha niya sa likod nito. Napatingin siya dito para sana sitahin kung bakit sila biglang tumigil.

May balak pa yatang ialis sa pwesto ang mukha ko nito, kung saka-sakali.

Nababiw ka na talaga ano, Kashmir? Kanina lang tinatanong mo sarili mo kung hanggang kailan balak ni Keith huminto sa paglalakad at ngayong huminto na may tanong ka pa rin. Ano ba talaga teh?

"We're here."

We're here na daw pero saan naman kaya nakahimlay si Kaleb?

Nagpalinga-linga si Kashmir na parang tanga. Napailing na lang ang binata sa ginawa ng dalaga kaya itinuro nito ang isang strakturang nakatayo sa gitna. At ng wala pa ring kakilos kilos sa pagkakatayo si Kashmir ay iginiya na siya ni Keith papalapit doon at saka binuksan ang nagsisilbing gate saka sila tuluyang pumasok.

"Andito si Kaleb. Ikaw na lang ang lumapit. Hihintayin na lang kita sa labas."

Saka siya iniwang mag-isa ni Keith sa loob. Hindi niya na ito nakita ng lingunin ni Kashmir ito. Hindi kasi agad nakapag react ang dalaga ng sabihin nitong nasa loob daw ng pinasukan nila si Kaleb. Nang mahimasmasan agad na hinanap ni Kashmir ang palatandaan kung saan makikita ng dalaga ang dating kasintahan. Nasa gilid lang iyon nakapwesto. Mabagal si Kashmir na naglakad upang lapitan iyon.

Pinangingiliran na ng luha ang dalaga hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa lapida ni Kaleb. At ng tuluyang makapit at makita ng mas malinaw ang pangalang nakasulat sa lapida daig pa ang sinaksak ng paulit-ulit ang dibdib ng dalaga. Mas doble ang sakit na nararamdam niya kaysa kahapon ng malaman niyang wala na sa mundo si Kaleb. Doon niya na hinayaang humulagpos ang lahat ng nararamdaman niya. Ang lahat ng hinanakit niya, ang hindi niya nasabi sa binata ng mga panahong magkasama pa sila.

"Kaleb! Why you didn't tell me?! Why?"

Akala ni Kashmir ubos na ang luha niya sa kaiiyak kahapon at sa buong magdamag niyang pag-iyak. Hindi pa rin pala ubos iyon dahil hanggang ngayon marami pa ring luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. Paulit-ulit niyang itinatanong kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Tinatanong ni Kashmir ang nasa itaas kung bakit hinayaang sapitin ni Kaleb ang bagay na iyon. Bakit ito pa? Napakabait nito. Bakit hindi na lang yung iba, na walang ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ng ibang tao? Ang mga taong salot sa lipunan.

Tigmak ng luha ang mukha ni Kashmir habang nakayakap sa lapida ni Kaleb. Ilang sandali rin ang itinagal ni Kashmir sa ganoong pwesto at sinasambit ng paulit-ulit ang pangalan ni Kaleb. At ng mahimasmasan ng konti, pilit niyang hinahamig ang kanyang sarili. Nang umayos na ang kanyang pakiramdam, alam ni Kashmir na kalmado na rin siya pero naroon pa rin ang hungkag na pakiramdam.

"Alam mo bang iniisip ko na pinaglaruan mo lang ako? Na akala ko ako lang ang napili mong pagtripan na pagkatuwaan dahil nababagot ka lang? Na akala ko hindi mo naman talaga ako mahal? Na akala ko kaya ka biglang nawala ng wala man lang pasabi ay dahil narealize mong hindi ko mapupunan ang pagkabored mo. At dahil mayron kang ibang girlfriend maliban sa akin."

Muling nanubig ang gilid ng mga mata ni Kashmir. Ilang beses siyang pumikit pikit para pigilan ang muling pagpatak niyon. She had to swallow hard to clear the jagged lump in her throat. Sabi nga ni Alexander McCall Smith, it is sometimes easier to be happy if you don't know everything. Mas madali sanang mabuhay kung wala kang alam sa iyong paligid, that way maiiwasan mong masaktan. That truth really hurts. Yeah, indeed. Pero naisip rin ni Kashmir na mas okay na ring nalaman niya ang buong katotohanan kahit gaano pa iyon kasakit tanggapin para hindi na siya nagtatanong kung bakit bigla na lang nawalang parang bula si Kaleb. Nasagot na kasi ang mga katanungan sa kanyang isip.

Sabi nila kapag may nawala sayong isang mahalagang bagay, mayroon daw kapalit iyon ng higit mas pa. Totoo kaya yun? Paano kung tao ang nawala sayo? Ibig bang sabihin lang noon na may darating ding taong papalit kay Kaleb na mas nakakahigit pa kaysa dito?

Hindi alam ni Kashmir kung bakit bigla na lang lumitaw sa kanyang isipan ang imahe ni Keith. Bigla niya tuloy naipilig ng malakas ang kanyang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang ibang tao. Ang landi tuloy ng tingin niya sa sarili niya. Nasa harapan niya lang ang kanyang boyfriend pero iba naman ang nasa isip niya ngayon. Hindi tama ang kanyang ginagawa. Nakagat na lang ni Kashmir ng mariin ang kanyang ibabang labi.

Patawarin mo ako Kaleb. Hindi ko naman talaga intensyon iyon eh. Hindi ko alam basta na lang iyon biglang lumitaw sa isip ko.

Sana kung nasaan ka man ngayon, sana ay maligaya at tahimik ka na. And I'm sorry for doubting your love. If I should have known hindi na sana ako nagkimkim pa ng grudge against you. I just thought.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan upang pawiin ang ano pa mang sasabibin niya sana sa kanyang isipan. Ngayong napakawalan na ni Kashmir ang lahat ng nakatagong galit sa dibdib niya, nakahinga na rin siya sa wakas ng maluwag. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib. Magaan na kasi ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa dati.

I was wrong all along.

Aalis na ako Kaleb. Sa sasusunod na lang ulit. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakadalaw saiyo. Nawa ay gabayan mo sana ako. Salamat sa lahat. Hinding-hindi kita makakalimutan. Mananatili kang buhay dito sa puso ko.

"I love you, still Kaleb"

Tumayo na ang dalaga pagkatapos mag-alay ng huling panalangin. Ang gaan na ng pakiramdam niya ng lumabas siya sa museleo. Agad na hinanap ng dalaga si Keith pero hindi niya ito makita sa paligid. Kailangan niya pa tuloy itong hanapin ngayon. Nagpalakad-lakad si Kashmir kung saan tanaw niya pa rin ang lugar na pinag-iwanan sa kaniya kanina ni Keith baka kasi bumalik na ito para alam niya din kung nakabalik na itong muli.

Napagod na ang dalaga sa paghahanap sa binata kaya ipinasya niya na lang na bumalik sa museleo. Isa pa mataas na rin ang araw, masakit na iyon sa balat. Tinext niya ito kung nadaan na pero naghintay lang siya ng reply nito sa wala.

Hanggang kailan niya ba ako balak na paghintayin dito? Shit! Nagugutom na ako. Hindi pa pala ako nakakahigop man lang ng kape.

Sinubukan niyang tawagan ito pero ring lang iyon ng ring. Gusto ng ihagis ni Kashmir ang kanyang cellphone. Saan ba kasi nag punta ang binata? Malapit ng magtanghalian, kaya naisip ni Kashmir na baka pumunta ito sa mapalit na bayan para bumili ng kanilang makakakain.

Teka nga muna! Umalis? Huwang niyang sabihing iniwan niya talaga ako dito ng mag-isa? My Goodness!

Sa isiping siya lang ang mag-isang naroroon ngayon ay biglang pinanindigan ng balahibo sa katawan si Kashmir. Ngayon niya lang din kasi napagtanto na narito siya sa himlayan ng mga kapamilyang pumanaw na nila Keith. Pilit pinalalakas ni Kashmir ang kanyang loob.

Hindi naman siguro ako pababayaan ni Kaleb na multuhin ng kanilang mga kamag-anak.

Biglang napatayo at napasigaw si Kashmir ng maramdaman niyang may kumaluskos sa kanyang bandang likuran.

"Waaahhhh!!!"

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon