OMEY - 30
Maagang pinalabas ng klase sila Kashmir dahil may dadaluhan pa raw na seminar ang professor nila kaya nagmamadali itong umalis. Bago bumaba tinext na ng dalaga si Ailee na doon niya na lang sa tambayan nilang dalawa niya ito hihintayin. Dumaan muna sa canteen si Kashmir at bumili ng makakain. Tanging kape lang kasi ang laman ng kanyang sikmura mula pa kaninang umaga dahil nagmamadali siyang pumasok. Anong oras na ba ngayon? Past ten in the morning na. Tamang tama lang ang binili niyang chicken sandwich.
Agad na pasalampak na umupo ang dalaga pagkarating niya sa tamabayan nilang magkaibigan. First year pa lang sila noon ni Ailee ng magustuhan nilang parehas na doon parating maglalagi kung wala naman silang ginagawa. Bukod kasi sa tahimik at bihira lang na may mga kagaya nilang studyanteng napapadpad doon ay malilim pa at mahangin. Nakakapag-aral pa silang dalawa. Hindi na nila kailangan pang pumasok sa library para makapagreview maliba na lang kung kailangan na talaga nilang may research at kailangan nila ng mga aklat.
Kinakain na ni Kashmir ang nabiling sandwich sa canteen habang nagbabasa-basa ng aklat. Iyon na kasi ang nakagawian ng dalaga sa tuwing hinihintay niya si Ailee. Kaysa naman sa masayang ang oras niya sapaghihintay sa kaibiga, eh 'di magbabasa na lang siya. Wala naman siyang mapapala kung tutunganga lang siya. Sayang naman ang oras na itatanga niya.
Naubos na't lahat ni Kashmir ang kanyang kinakaing sandwich ay wala pa rin si Ailee. Naiinip na ang dalaga sa kahihintay sa kaibigan. Inabot ni Kashmir ang bottled mineral water katabi ng kanyang bag para uminom. She groaned when she saw the bottle was empty. Ni hindi niya man namalayang wala na iyong laman.
Ano ba yan! Hanggang anong oras ba ako paghihintayin dito ni Ailee? Ano bang nangyari sa babaeng iyon? Dapat nandito na siya ngayo eh.
Kinuha na lang ng dalaga ang kanyang cellphone sa loob ng bag niya at tinext ang kaibigan. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bumili muna ng makakain kahit sandwich lang sa canteen bago siya nagkampo sa tambayan nilang magkaibigan kung hindi baka kanina pa tumirik ang mga mata niya sa gutom. Labinglimang minuto pa ang matuling lumipas ng sa wakas ay matanawan na rin ni Kashmir na paparating si Ailee. Napataas ang kanyang kilay ng makita itong may bitbit na dalawang paper bag. Kahit hindi pa ito tuluyang nakakalapit, kayang sabihin ni Kashmir na pagkain ang dala-dala nito.
Aba! May dalang pangsuhol ang bruha. Alam niyang kanina pa ako naghihintay dito at hindi pa naglalunch man lang.
"Hi Kash!"
"Buti naman at naisipan mo pang siputin ako dito. Akala ko pa naman mamumuti na ang aking mga mata sa kahihintay sa'yo dito."
"Grabe ka Kash. Pwede ko bang gawin iyon sa'yo? Nah! Nunca!"
"Ay, ewan ko sa'yo. Lumabas ka?"
"Hindi ah."
"Eh ano yang dala mo? Saan mo nabili yan? Don't tell me na sa canteen. Mayroon na pala niyan sa canteen?"
"Luka-luka! Syempre hindi noh! Wala naman nito sa canteen eh"
"Bakit ka nga mayroon niyan?"
"Ahm, ano--. Kasi si ano--."
"Galing ba yan sa jowa mo?"
"Oo."
Tila nahihiya pang umamin kay Kashmir ang kaibigan niya. Dahil hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid sa mga mata. Napangiti na lang siya. Mabuti naman at mukhang nagkaayos na silang dalawa. Masaya siya para sa kaibigan. Kaya pala mukhang masaya ang aura nito ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Teen FictionSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...