Hindi pa man nangangalahati ang sulat na binabasa ni Kashmir nanginginig na ang mga kamay niya. Kanina pa rin siya panay lunok upang mapigilan ang luhang nagbabantang malaglag sa kanyang mga mata. Nandun na kagatin niya na ang pang-ibabang labi upang hindi umalpas ang munting hikbi.
Ang sabi niya kanina sa sarili kung anuman ang laman ng sulat na inabot sa kanya ni Keith hindi niya na lang siseryosohin kahit pa nga niloloko niya lang ang kanyang sarili. Dahil the moment Keith hand her a letter may kabang bumunggo na dibdib niya kahit hindi niya alam kung para saan. Iyon pala ay para dito ang kabang nararamdaman niya.
Wala man lang siyang ni katiting na paghihinalang may sakit pala si Kaleb. Wala naman kasi sa itsura nito. Wala naman pala itong masamang intensyon sa kanya. Ang akala niya pinaglaruan lang siya nito. Na ginawa lang siyang pampalipas oras sa mga time na nababagot na ito sa buhay. All along sinasarili lang pala nito ang sakit na pinagdaraanan. Ni hindi man lang sinabi nito sa kanya ang about sa sakit nito. Sana nabigyan pa siya nito ng pagkakataong maipakita rito ang pagmamahal niya. Ang pag-aalaga rito.
Hindi man lang siya nito nabigyan ng chance na alagaan ito. Nasayang lang ang mga panahon na ibinuhos niya sa pagluha at pagmumukmok. At higit sa lahat ay ang kinimkim niyang galit para sa binata. Na kung nalaman niya lang sana ng mas maaga ang lahat hindi na sana nangyari pa. The mere fact na halos isumpa niya na ito.
Bakit? Bakit mo itinago sakin ang lahat ng ito Kaleb? Don't you trust me? Don't you trust my love for you? Inisip mo bang kapag nalaman ko ang totoo mong kalagayan ay iiwan na lang kita basta-basta? You're so unfair! Hindi mo lang binigyan ng chance ang worth ko bilang girlfriend mo. Ano pa at naging girlfriend mo ako? Ganun ba kababaw ang tingin mo sakin?
Saka lang napansin ng dalaga na umiiyak na pala siya ng makitang nabasa ang hawak niyang papel. Kung kanina pigil na pigil siya sa emosyon niya, ngayon naman tila bukal iyon na nabuksan. Hindi niya na alintana kung nasa tabi niya lang si Keith at nakikita ang tahimik niyang pag-iyak. Hindi nga siya nag-abalang punasan ang luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.
Ang sikip ng dibdib niya na kung hindi niya iyon pakakawalan baka sumabog na ito. Hindi niya na nga nagawang tapusin man lang ang kabuuan ng liham. Para sa dalaga sapat na ang mga nabasa niya at nalaman. Hindi siya ipinagpalit ni Kaleb sa iba at mas lalong hindi siya nito niloko o pinaglaruan, iyon lang naman ang mahalaga sa kanya.
Nakita niya na lang ang panyo sa kanyang harapan ang iniaabot ni Keith. Kahit nagluluksa ang kanyang puso sa mga nalaman, hindi niya pa rin magawang salubungin ang tingin ni Keith. Nahihiya siya sa mga kagaspan at kalamigang ipinakita dito. Ngayon niya naiintindihan kung bakit iba ang ugali at mga kilos nito sa dating Kaleb na nakilala at naging boyfriend niya. Iba si Kaleb at iba rin ito. Marahil nga ay iisa lang ang tinataglay ng mga mukha nito pero hanggang dun nalang iyon dahil pagdating sa personalities ng dalawa magkaibang-magkaiba ang mga ito.
"Sa-s-saan siya nakahimlay? I want to see him."
Sa nanginginig pa ring boses at kasabay ng pag-iyak ay nagawang itanong iyon ni Kashmir kay Keith. Magiging maayos din ang lahat, iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Kashmir sa kanyang sarili. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ni Keith. Tama ng ang kanyang pag-iyak lang ang nakita nito. Ayaw niyang makita siya nito sa napakahinang sitwasyon. Gusto niyang makita nitong matatag siya.

BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Roman pour AdolescentsSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...