Keep safe and warm sa mga binabagyo ni Lando. Ingat guys!
*****
OMEY - 30
Tulad nga ng naipangako ni Kashmir kay Ailee na magpapaalam siya sa kanyang mommy para makasama siya dito, ay iyon ang kanyang ginawa pagkarating pa lang ng kanyang mommy galing sa opisina ay nagsabi na agad ang dalaga. Luckily pinayagan naman siya ng kanyang mommy.
Hindi alam ni Kashmir kung bakit pumayag agad ang kanyang mommy ng wala man lang tanung-tanong pa sa kanya. Usually kasi kapag malayo ang pupuntahan niya at siguradong mag-uover night sa pupuntahan ay ay dinaig pa nito ang isang investigator sa dami ng itinatanong. Kaya nagtataka lang talaga siya dahil hindi nito ginawa.
Baka nauna ng nakapagpaalam kay mommy si Ailee. Tinawagan pa siguro ng loka si mommy para hindi na ako makatanggi pa.
Maagang natulog ang dalaga para hindi siya tamaring tumayo sa higaan niya bukas. Bukod sa nag-set na rin siya ng alarm para siguradong hindi siya abutin ng pagtirik ng araw bukas.
Ang nag-iingay na cellphone ang nagpagising kay Kashmir imbes na ang tunog ng alarm clock na nasa bed side table niya. Pupungas-pungas na kinapa ng dalaga ang cellphone na katabi lang din ng alarm clock para sagutin ang kung sino mang nangbubulahaw ng kanyang pagtulog.
Bago sagutin ni Kashmir ang tawag sumulyap muna siya sa orasan para tingnan kung anong oras na ba. Gustong mapamura ni Kashmir ng makita niya doon kung anong oras pa lang. Talaga namang mabubulyawan ng dalaga ang tumatawag.
"Hello!"
Sagot ni Kashmir sa medyo paos na boses dahil na nga rin sa bagong gising siya kaya ganoon ang kanyang boses. Ni hindi na nga siya nag-abalang tingnan ang caller kung sino. Basta niya na lang iyon sinagot.
"Hi Kash! Good morning!"
"Shit, Ailee! Anong maganda sa umaga?!"
"Aray! Pwede hinaan mo yang boses mo Kash? Hindi naman ako bingi. Ang aga-aga high blood ka na agad."
"At sinong hindi maaltapresyon sayo ha aber?"
"Aba! Bakit? Anong kasalanan ko?"
"Hindi mo alam? At talagang itinatanong mo pa yan?!"
"Ay grabe ka naman Kash! Ano ba kasi yun?"
Napapikit na lang si Kashmir para kalmahin ang sarili. Baka atakehin pa siya ng 'di oras ng high blood. Ang bata niya pa para magkasakit ng ganun.
"Anong oras pa lang ba ngayon Ailee?"
"Ha? Ah, alas tres."
"See. Alam mo naman pa lang alas tres pa lang ngayon. Alam mo bang dapat na nahihimbing pa ako sa pagtulog ko hanggang ngayon."
"Asus! Para hindi ka ma-late ng gising. Kaya kung ako sayo diyan, tumayo ka na at mag-inat-inat ka po. Para naman mabanat na yang mga buto mo sa katawan."
Napaungol na lang si Kashmir. Kapag ganito kasi, tiyak na wala ng laban pa ang dalaga. Daig pa kasi nito ang isang nanay kung manermon sa kanya. Napailing na lang siya.
"Oh sige na po lola, ibababa ko na tong cellphone para makapag-exercise na ako."
Natatawa naman sa kabilang linya ang kanyang kaibigan. In-off na ni Kashmir ang cellphone at inayos ang kanyang kama bago dumiretcho sa loob ng banyo para maligo. Sa totoo lang inaantok pa ang dalaga kaya kakailanganin niya ang malamig na shower para tuluyang magising ang kanyang diwa.
BINABASA MO ANG
Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]
Teen FictionSinabi ni Kashmir sa sarili niyang buburahin niya sa kaniyang sistema si Kaleb. Dahil para sa kaniya, ang isang taong nanakit sa damdamin ng iba ay walang kwenta at hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras. So she did. Pero bakit ng muli niya iton...