ANG PAGMALIW (TULA)
|04•16•2020|
Totoo ngang nagmamaliw ang ligaya
'Pag nawala ang buhay ng nililiyag,
At ang lahat ng bituin ay nawawala
'Pag malapit nang sumapit ang umaga.
Talaga ngang ang ganda ng isang dilag
Ay kumukupas din 'pag siya na'y matanda,
At ang bilis ng pagsapit ng liwayway
Ay kasingbilis din ng paglisan nito,
Sapagkat hindi lahat sa ating buhay
Ay nananatiling mabuti't totoo.
Darating ang panahon na magdadala
Ng lumbay na magbubura ng pag-asa,
Na kapag wala na'y hanggang alaala
Nalang ang ibinibigay nitong sigla.
YOU ARE READING
Love Not Given Meaning
ПоэзияWhat does it feel to fall in love, be in love, and fall out of love? What does it feel when you like someone, but you don't have the courage to tell them? What does it feel like to discover a feeling so wonderful and beautiful it feels like it becom...