Alay Sa'yo

35 15 0
                                    

ALAY SA'YO (TULA)

|03•01•2020|

Hindi ko sinasadyang mahulog sa iyo,
Nagyon ako'y nangangarap na saluhin mo.
Imahe mo'y hindi mabura sa isipan ko
Sapagkat nakatira ka na sa puso kong ito.

Ang mga titig mo'y hindi ko kaya,
Ngiti mo sa isipan ko'y hindi nawawala.
Kapag kasama ka, ano'ng ligaya,
Yakap mo'y aking ibig na madama.

Kapag hawak mo ang aking kamay,
Ramdam kong nilalayo mo ako sa lumbay.
Sa madilim na daan ay ikaw ang gabay,
Walang dudang kinumpleto mo ang aking buhay.

Bawat letra sa mga tula ko ay alay sa'yo,
Ang siyang nagbigay kulay sa aking mundo.
Sigaw ng puso ko'y sana iyong dinggin,
Humihiling sa mga tala na sana ako'y mahalin mo rin.

Love Not Given MeaningWhere stories live. Discover now