Ang Minumutyang Bulawan

112 21 19
                                    

ANG MINUMUTYANG BULAWAN (TULA)

|04•15•2020|

Ang ngalan mo'y 'di na maparam sa aking isip
Na kasama ang matatamis mong mga ngiti.
Ikaw ang aking bulawang kaakit-akit,
At sa mundong ito'y ikaw ay marani.

Bikas mo palang ay nakapag-aakit na,
Kaya't ikaw ang tinatanaw ko tuwina.
Sa palagay ko nga'y ika'y may dalang balani
Na kusa mong inilaan para lang sa sakin.

Ang ganap na pagtagpo ng ating mga mundo
Ay marahil nakasulat na sa mga lusero.
Kaya ang mga sagwil sa pagitan natin
Ay huwag nalang natin bigyan ng pansin.

Ikaw lang ang aking minumutya ng tunay,
Ikaw na rin ang aking tanglaw laban sa dilim,
'Pagkat ang puso kong alay sayo'y dalisay,
At ang pag-ibig ko sayo'y 'di ko ililihim.

Love Not Given MeaningWhere stories live. Discover now