TPIH 9 the end for stupidity

20 10 1
                                    


"I'll pick you up" he said and ended the call.

Excited akong maka pasok. Ito na yung araw na pinaka hihintay ko.

May narinig akong katok sa pinto mula sa labas kaya naman mabilis kong inayos ang sarili ko at tumungo sa doon

"Oh easy di halatang excited ka" . Naka ngiting mukha nito ang bumangad sakin pagka labas ko ng pinto.

"Ikaw talaga sabi ko sayo wag mona akong susunduin eh, isang iskinita lang ang pagitan ng university dito"

"I insist. Atsaka ayokong tumunganga don."

Sabagay kung pag hihintayin ko sya ay tutunganga nga lang sya doon.

NANG makarating kami ng YEU ay hindi talaga ako makapaniwala na ang ganda ng school nato kahit dalawang beses nako nakapunta.

"Hey Sav. Nandun na sila. Let's go?"

Tumango ako dito at sabay sabay na kaming naglakad pa pasok sa University.

Sa hindi kalayuan ay nakikita Ko ang mga mapang asar na ngiti ng mga kaibigan namin.

"Uyy Natividad ano yan ha! Bakit magkasama kayo?"

Ngiti lang ibinigay na sagot ni Eman sa mga high school batch mate nito.

Oo batchmate nila irohn at irish ang mga ito. At naging kaibigan kona din pagkatpos ng Birthday ng kambal. Mas lalo ko ding naging close itong si Eman dahil napaka bait nito.

"Nakita ko nga na magkasama sila kanina papasok dont tell me sinundo ka pa ni Eman"

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa paniningkit ng mata nito. bakit ba ang iisue nila

"Mga ma pang hinala hahaha." diko na mapigilan ang matawa

"Uyy hindi mapipigilan yan no lalo na't matandang ermitanyo tong si Natividad" -Leo

"Gasti nag bibinata na si father Eman. king ina talaga bicol lang pala ang babasag sa pagiging Pare nyan. Hahah" -jasper

"Tangina uy wala naman akong sinabi na mag papari ako ha." Dispensa nito sabay sapak sa braso ni jasper.

"I feel sorry na talaga Eman. Hindi kasi talaga ako nainlove sayo eh" -pang aalaska pa nitong si Irish.

Umiwas at namula ang mukha ni Eman kaya mas lalo itong inasar irish.

"Ang sabihin nyo nanliligaw na yan kay sav tingnan mo sinund--"

Naputol yung sasabihin ni irish ng may mag salita mula sa likuran nya.

"Mukhang nagkaka siyahan kayo ah. Anong meron"

Naka akbay ito kay ariana ng makalapit sa amin kaya pala wala sya kanina dahil sinundo nya pala ang girlfriend nya.

"Ito kasing si Eman pre may pasundo sundo ng arte. Mukhang may pinopormahan" - ani jasper at tumingin sa akin.

"Naks. Sino naman ang swerteng babae na yan?" Kinikilig na tanong ni Ariana.

"Si Sav. May pag sundo pang naganap. Haha naka move on na sa sis twin mo tol." - Leo

Ang kaninang ngiti sa mukha ni Irohn ay biglang napawi at blanko itong tumingin sa akin.

"Really ? Wow mas better yon para kilala na agad namin diba. Right Rish." -ariana

"Yeah. Boto naman ako sa kanila if ever happens"

Masasaya ang mga mukha nila pero kabaligtaran sa lalaking masama ang tingin sakin ngayon.

Oh? Anong tinitingin tingin mo dyan? Hmpp.

"Let's go irish. Mag hahanap pa tayo ng rooms natin."

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakahalata pero may iba sa tono ng pagsasalita nito at nag walk pa.

"Anong nangyari don?" -Leo

Lahat kaming naiwan ay iisa ang kibit balikat lang ang sagot.

Ng kunin namin sa office yung mga sched at subject namin ay agad namin itong pinuntahan

"Tol destiny na talaga yata kayo. Biruin mo parehas pa kayong Medtech ang kinuha magkasama pa sa buong sem. Hanep" -Leo

"Huwag ka lang mag sawa sa pag mumukha ng hayop na yan ha?"-jasper

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa sinabi nitong si jasper. Ang lakas talaga nyang mangtrip.

Parehas na Business Ad ang kinuha nilang Lima at magka klase din sila samantalang dalawa naman kaming Medtech nitong si Eman.

Siguro kaya kami nag kasundo kaagad dahil parehas kami ng passion sa buhay.

Medyo malayo ang Med Building kumpara sa Business Ad kaya kami ang inuna nilang samahan mag hanap dahil kami lang ni Eman ang na iiba.

Nang matukoy na namin ang aming room ay kami naman ang sumama ni Eman sa kanila para makita kung saan ang room nila.

Puro lang naman greeting ang nangyari sa buong klas namin hanggang mag lunch.

Nagkita kita kami sa Cafetria ng University. Sabay sabay kaming pito na mag La Lunch. Pare pareho kasi kami ng Vacant hour kaya naman hindi pwedeng hindi kami magkakasabay.

Sa mga sumunod na araw ay ay nanging busy na kaming lahat. pero hindi mawawala ang bonding time namin sa oras na Lunch time.

Ngayong uwian ay hindi kami sasabay dahil may 2 subjects pa kami Eman na natitira.

"Tol una kami. Kita kits bukas"- nag fist bomp pa si Eman sa mga kaibigan namin at tumango sa mga babae.

"Hey Eman. Una na kame. Take care of Sav ha. Sis ko yan"

"Kahit hindi mona ako pag sabihan Rish"

"Uuuyyyyy nakanang!" -Leo

"Ayy nako tumagil na nga kayo. Sige na darating si Prof." - natatawa kong tinaboy sila. Hindi na kasi matapos ang asaran nila sa aminh dalawa.

"Bye rish. Una na kami" -ariana

Tumango ako sa kanila at kumaway bago kami talikuran. Pero yung Irohn kanina pa nya akong hindi tinatapunan ng tingin. Haysss.

sa loob ng isang Linggo ay hindi ako nito pinapansin. Kahit sa Cafeteria ay ganoon ito hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin.

Pero siguro mas okay narin to ng hindi na maulit ang katangahan na nangyauari sa aming dalawa.

I think this is the end for stupidity between the two of us

THE PROMISE I HOLDWhere stories live. Discover now