Meet again
PROMISE PAG LAKI KO PAKAKASALAN KITA.BABALIK AKO DITO AT HAHANAPIN KITA LAGI MO YANG TATANDAAN SAV.
Napanaginipan ko na naman ang boses na yon.
it is not clear to me the face of the child in my dream.it is too blurry. the boy who promised me that he would marry me that he would look for me.
all I can remember is that we were four years old back then, that's all I remember even the boy's name I can't remember.
Siguro Dala lang yon ng malikot kong isipan hindi naman siguro totoo yon atsaka masyado pa akong bata doon para sa alaalang yon.
"Sav Naayos kona ang mga gamit mo"
Bungad sa akin ni nanay ng makalabas ako sa kwarto naming mag kakapatid.
Mahirap lang kami at salat sa buhay ako lang din ang nakakapag aral sa aming apat na magkakapatid
Pero hindi yon hadlang para hindi matutong mag sulat at bumasa ang mga kapatid ko.
Kapag araw ng linggo ay tutok akong turuan sila. Siguro nga kung nakakapag aral lang kaming lahat paniguradong magkakaroon ng maraming medalya sa bahay namin dahil hindi mahirap turuan ang mga kapatid ko. Madali lang nilang makuha ang mga itinuturo ko kaya naman hindi ako hirap sa kanila.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko ng makaupo ako sa lamesa para makapag kape.
Mamaya pa namang hapon ang luwas ko pa manila kaya may oras pa para maka bonding ko ang pamilya ko
Kinuha ko ito kaagad at binuksan ang mensahe.
Rish
Hey sis. Im so excited na we were see each other na ulit.. yiiiieee.
Napangiti ako ng mabasa ang message nya. Kung tutuusin sya lang ang kaibigan kong mayaman na hindi maarte at kumikilala ng katulad kong mahihirap.
Hindi ko nga alam kung anong meron sa akin bakit ganon nalang syang mag bigay ng atensyon
Hindi ko makalimutan yung araw na nang hingi ito ng cellphone number ko ' sobrang nagulat ako don pero ng makabawi ay hiyang hiya kong inilabas ang phone na meron ako dahil keypad na 3310 lang iyon at di tape pa ang likod.
Ang akala ko tatawanan at lalaitin nya ako pero hindi yon ang nangyari. Nagulat ako ng kumikinang ang mga mata nito nakatingin.
IYong araw na iyon din ibinigay ang cellphone nya sa akin na kung tutuusin ay nag kakahalagang 58000. Sinadya ko kasing Tiningnan sa Mall ang model ng cellphone na yon at hindi ako makapaniwala na sobrang mahal pala non.
Ang akala pa nga ng iba ay ninakaw ko yung cellphone nato dahil kahit silang may kaya sa buhay ay mahihirapang bumili ng ganitong klase. Hindi ko kailangang mag paliwanag sa kanila basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.
Akala ko magkikita pa kaming ulit nung sumunod na taon dahil na mimis kona sya pero sa tuwing sumasapit ang souls day ay bigo akong bumabalik sa bahay namin dahil wala sila roon sa buhi hindi na sila bumalik pa.
Pero ang pag papasahod naman nila sa akin ay ipinapadala nalang ni ate Lean through PALAWAN.
"MAG IINGAT ka roon anak lagi kang tumawag sa amin ha. Kahit hindi ko gustong umalis ang isa sa inyo at mag kahiwalay tayo ay wala naman akong magagawa dahil malaking uportunidad ang naghihintay sa iyo doon." Nalulungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Niyakap ko saya ng mahigpit at tinapik tapik ang likod nito.
Hapon ng bandang alas dos ng mag tungo kami dito sa terminal ng mga bus. Si nanay lang ang nag hatid sa akin dahil mahal ang pamasahe sa pag sakay ng jeep kung lahat ng kapatid ko ay sasamang maghatid sa akin.
Tulog ang mga ito ng iniwan namin sila pero bago ako umalis kanina ay niyakap ko muna silang lahat at nag paalam
"Nay huwag kang mag alala mag iingat ako at lagi ko kayong tatawagan" pag bibigay ko ng kasiguraduhan sa kanya.
"Maraming salamat talaga sa mag kakapatid na FLORENCE na iyon at napaka laking tulong ang ibinigay nila sa atin."
Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya ng tumawag na nag kunduktor na aalis pa Cavite.
"Ipa abot mo ang pasasalamat ko sa kanila lalo na kay ash. Paki sabi na si Sanya na ang bahalang mag alaga ng bahay nila dito"
Tumango na lamang ako sa kanya at kinuha na ang dalawang bagahi ko.
"Nay mauuna nako mag iingat po kayo ha"
"Ingat karin anak"
Hinintay muna ako ni nanay na makasakay sa bus kumaway pa muna ako sa kanya bago ito umalis
PALA PALA DASMA ! PALA PALA DASMA.
Nang makababa ako kaagad kong hinanap ang itim na kotse na syang mag susundo raw sa akin sabi ni rish. Hindi ko alam kung kasama ito pero nag hahangad ako na nandito rin sya.
Halos tuwelve hours din ang byahe pa puntang Cavite grabi akala ko nga naligaw nako dahil parang ang tagal ng naging byahe ko. Ganoon pala katagal kaya siguro hindi na sila pumunta ulit sa sa BANARAN.
Sa pag linga linga ko ay may nakita akong braso ng babae na kumakaway sa akin siguro sya nato dahil iyon din ang sasakyan na discription na susundo sa akin.
Nag ring ang phone at kaagad ko itong sinagot.
RISH.
Guday ikaw ba yung naka wear green t shirt at may carrying na two black bags?
Me.
Oo! Ikaw din ba yung nakaway na nakasakay sa kotse?
RISH.
YUP. Sis wait mo si tay louie dyan he will pick you up.
Then she hung up.
Five munites ang hinintay ko ng may lumapit sa akin na lalaki na nasa mid 50's sya siguro si tay louie.
"Savanah Magbanua?"
Tumango ako sa kanya ng mag tanong ito. Nakangiti nitong kinuha ang gamit ko at pinasunod ako sa kanya.
Inilagay ni tay louie ang mga bag ko sa compartment ng sasakayan. Hindi pa man ako nakaka pasok ng may isang makisig na lalaki ang lumabas sa pintuan nasa harap ko.
Naka shade itong itim na syang nag paganda ng makinis na mukha nito at nag patangos lalo ng ilong nya. Matangkad ito sa akin na nasa tanya ko ay 5'11 , lalaking lalaki . Ang simple lang ng suot nito pero ang lakas ng dating At higit sa lahat napaka puti nya.
"Excuse me" boritong sabi nito.
Napa pitlag naman ako at mabilis na tumabi para mabuksan ng tuluyan ang pinto ng sasakyan.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sumulyap ito sa akin at saka tumalikod. Binuksan nya yung pinto sa front seat at doon ito umupo.
"SAV! What are you waiting for? Oh come on get inside na"
Bakas ang kasiyahan sa mukha ng magandang babae na nasa loob ng sasakyan. Bahagya pa itong dumungaw sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Kung hindi ko pa narinig ang pag sara ng pintuan ng driver at hindi pa ako matatapos sa pagka lutang ko.
Dali dali akong pumasok sa loob at kaagad namang nilingkis ni rish ang dalawang braso nya sa braso.
"Your so beautiful na talaga"
She grinned. Napangiti ako ng marinig ko salita ng pagiging conyo nya..
After 2 years...
We meet again
--
Tunghayan ang kwento ng buhay ni SAVANAH MAGBANUA
YOU ARE READING
THE PROMISE I HOLD
Genel KurguYung ako ang pinangakuan pero sa iba tinupad. Dapat ko pa rin bang pang hawakan ang pangako niya na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko. Mature contained: need adult guidance.... IROHN FLORENCE......STORY