Chapter Three

922 80 69
                                    

"GIRL, parang maiiyak ako," exaggerated na sabi ni Jovelle. Ang pinaka malapit na kaibigan ni Daena. May pagpaypay pa ito ng kamay sa may mata. Ang sarap nitong sapakin.

"Wala pa nga tayong naiinom, iiyak ka na agad?" aniya rito.

Kasalukuyan silang nasa pool lounge ng Silver Palace Hotel sa Cebu. Pagkatapos gumala sa mga hindi pa nila napupuntahang tourist destinations ay doon sila dumiretso para mag-relax. Nagpapababa lang sila ng araw doon dahil plano nilang mag-bar mamayang gabi. Kapag kasama kasi ni Daena si Jovelle ay hindi pwedeng walang inom na mangyayari.

"Kasi, girl, proud lang ako sa 'yo. May taste ka na ngayon sa lalaki. Sa wakas!" sigaw ni Jovelle. Sa ingay nito'y nakuha nito ang atensyon ng ibang guests doon sa may pool lounge. Hinampas ni Daena sa braso si Jovelle para sawayin ito. Nakakahiya kasi sa ibang guests doon.

Parang gusto na tuloy niyang pagsisihan na ngayon niya ikinwento dito ang tungkol sa "deal" nila ni Tyler. Dapat pala'y kapag patulog na lang niya sinabi dito ang tungkol doon. O hindi kaya'y ipinagpabukas na lang sana niya. Pagkasabi kasi niya kay Jovelle na magpe-pretend sila ni Tyler na magka-relasyon ay agad nitong hinanap sa lahat ng social networking sites si Tyler.

Pero wala naman siyang ibang mapagsabihan nang pangyayaring iyon sa kanyang buhay dahil wala na siyang ibang kapatid at si Jovelle lang ang taong pinagkakatiwalaan niya sa buong buhay niya. Kaya ito lang ang mapagsasabihan niya ng tungkol sa plano nila ni Tyler.

"Ang pogi ng jowa mo, girl! Parang ang sarap! Tingnan mo 'tong picture niya sa may pool o," sabi ni Jovelle na may halong kilig. Ipinakita nito kay Daena ang picture ni Tyler na shirtless. Kitang-kita doon ang toned nitong dibdib, naka-flex na biceps dahil nasa akto ito sa pagba-brush ng buhok pataas nang kunin ang picture na iyon.

Ah, so that's what's underneath his clothes. Nice, sa isip-isip ni Daena. Dahil marunong talaga siyang mag-appreciate ng magagandang bagay. O tao. Pagkuwa'y inalis niya ang tingin sa picture at bumaling sa mga taong naliligo sa pool. Wala man lang bang may gano'n kagandang katawan kay Tyler dito?

"Kung may drool emoji lang sa Instagram at Facebook, sigurado akong aabutin 'to ng million reacts," sabi pa ni Jovelle. Nang sulyapan ito ni Daena ay nakita niyang nag-i-scroll pa rin ito sa profile ni Tyler sa Instagram.

"Tantanan mo na nga 'yang profile ni Tyler. 'Di mo ba naintindihan ang sinabi ko? Plano lang naming mag-pretend na magkarelasyon para i-pacify ang parents namin. Iyon lang," mariing sabi ni Daena sa kaibigan.

"Bakit 'di n'yo na lang ituloy? Bagay naman kayo. Na-imagine ko na kayo together at sa tingin ko, may chemistry naman kayo," sabi ni Jovelle.

"Hindi ako naghahanap ng boyfriend ngayon, okay?" aniya rito.

"Eh, may dumating. Kahit na pretend-pretend lang 'yan, sa harap ng ibang tao, mag-jowa pa rin kayo. Boyfriend mo pa rin siya," giit ni Jovelle.

"Sabihin na nating tama ka. Fake boyfriend ko nga siya. Boyfriend, fine. Pero wala akong feelings para sa kanya at gano'n din siya sa 'kin. Kaya nga siya nakipag-deal sa 'kin para tumigil na ang mother niya sa pagre-reto sa kanya ng mga babae, 'di ba? Maggagamitan lang kami kaya 'wag mo nang bigyan ng iba pang kulay 'yong relasyon namin, okay?" mariing sabi niya rito.

"Maggagamitan lang din naman kayo, bakit hindi n'yo na isagad?" suhestyon ni Jovelle. Pagkuwa'y tumawa ito ng malakas nang ma-realize kung ano ang sinabi nito. Hinampas na naman ito ni Daena sa braso. "Girl, imagine-in mo na mayayakap ka ng biceps at dibdib na 'to," sabi pa ni Jovelle. Ipinakita na naman nito sa kanya ang pool picture ni Tyler.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon