Chapter Seven

811 65 11
                                    

Before Marriage

"PAANO bang tingin?" natatawang tanong ni Jovelle kay Daena. Ikinu-kwento kasi niya rito kung ano ang nangyari noong sinubukan niyang hingin ang tulong ni Rush para makalaya sila ni Tyler sa kanilang deal.

Daena turned menacing as she tried to mimic Rush's hard, questioning and haughty look when she had almost asked him for help. Take note, naroon pa lang siya sa point na "Can I ask you for a favor?" pero ganoon na agad ang tinging ibinigay sa kanya ni Rush. So, paano pa niya maitutuloy ang iba pa niyang sasabihin.

Tama nga si Tyler. Rush doesn't play pretend games because one, he doesn't have the time and two, he thinks it's beneath him.

"'Tapos...'tapos ano'ng sabi niya sa'yo?" natatawa pa ring tanong ni Jovelle kay Daena.

"Sabi niya, 'well, I don't have all day, Daena. What kind of favor are you asking?'" panggagaya ni Daena sa boses at tono ni Rush noon. "Sa tingin mo, with that look and with that tone, makakapagsalita pa ako?"

Tawang-tawa si Jovelle sa kwento niya. Palibhasa'y hindi dito nangyari iyon. O siguro'y dahil napaparami na rin ang inom nito ng margarita. Nasa isang bar kasi sila ngayon. "So, ano na ang plano n'yo ng jowa mo?" pagkuwa'y tanong nito.

"Hindi ko alam. Pareho kaming may mabigat na rason kung bakit hindi kami basta na lang pwedeng maghiwalay," sabi ni Daena sa kaibigan saka siya uminom ng nasa harapang mainit na kape. "Unless, makahanap ng ibang makakaalyado ang parents ni Tyler na mas mataas ang rank kaysa kay papa. That would be the current CEO and as far as I know, she's backing up Rush. Kaya gano'n na lang ang paghahanap ng mga kaalyado ng parents niya. Nag-research na rin ako tungkol sa ibang members ng board. Yes, may mga anak silang babae but they're not as 'giving' as my father. Sana all."

"Okay. Kelan nga ang CEO election?" tanong ni Jovelle.

"In six months' time. Bakit?" aniya rito.

"At gaano mo ba ka-gusto ang makawala sa arrangement na 'to?" muling tanong ni Jovelle.

"Gustong-gusto," agad na sagot niya rito. "May naiisip ka bang way?"

"Wala. Kino-confirm ko lang talaga na gusto mo. Kasi besh, nakita ko na si Tyler no'ng sinundo kita sa office n'yo, 'di ba? Ano'ng ayaw mo sa kanya? Kasi kung ako ang nasa arrangement na 'yan, baka diretsong simbahan na kami."

"Shunga ka, girl? Nakalimutan mo na bang napilitan lang din si Tyler sa arrangement na 'to? Para hindi na siya i-reto pa ng i-reto ng mama niya sa ibang babae. Besides, I want to fall in love...naturally. Hindi 'yong feeling ko kailangan ko lang ma-in love sa isang tao dahil wala akong choice. Gusto ko 'yong spontaneous ang meeting namin ng makakatuluyan ko at hindi arranged. 'Tsaka parang totropahin type ko lang talaga 'yong si Tyler," paliwanag niya rito.

"Okay? 'Di ba nabanggit mo na 'yong first meeting n'yo ni Tyler eh sa elevator? Hindi pa kayo magkakilala no'n, right? Ano namang first impression mo sa kanya no'ng unang kita mo sa kanya?" sunud-sunod na tanong ni Jovelle.

Napakunot-noo si Daena sa mga tanong nito. Inalala niya ang feeling noong una niyang nakita si Tyler. Naalala niyang nagwapuhan siya kay Tyler pero obvious namang iyon ang maging unang reaksyon ng isang tao pagkakita dito.

If handsome men had saints, he would surely be one of them, naalala din ni Daena na tumakbo ito sa isipan niya noon. Pero dahil iyon ina-appreciate niya lang ang hitsura ni Tyler.

"Gwapo siya. Obviously, 'yon ang una kong impression sa kanya. Gentleman din. Bakit ba ina-analyze mo kung ano ang first impression ko kay Tyler? Eh, kung tulungan mo kaya akong mag-isip ng paraan para matapos na ang arrangement namin?" sabi ni Daena kay Jovelle.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon