Chapter Thirteen

630 51 49
                                    

Before Marriage

"THANK you?" nag-aalangan pang sabi ni Daena kina Axe at Rush. Bigla-bigla na lang kasing nagpunta sa opisina niya ang dalawa para magdala ng pagkain kinabukasan. "Ano'ng meron? Bakit may pakain kayo?"

            "Balita kasi namin malungkot ka. So, we're here to cheer you up," sabi ni Axe sa kanya. Siguro ay katanggap-tanggap pa iyon mula kay Axe, pero kay Rush? Parang hindi dahil nakabusangot ang mukha nito pagkaupo sa visitor's chair niya. May sinabi siguro sa mga ito si Tyler kaya nandito ang dalawa ngayon.

            Baka may kinalaman iyon sa nangyari kay Tita Carmen kahapon. Nagkaroon ng psychogenic seizure ang mama ni Tyler kaya ito nawalan ng malay at isinugod sa ospital. Kaya pala nasabi ni Tyler noon na may pagka-"drama queen" ang mama nito. Iyon pala ang ibig sabihin ni Tyler.

            Pinagsabihan naman ni Daena si Tyler na hindi nito dapat tinatawag na "drama queen" ang ina tuwing nagkakaroon ng seizures dahil hindi naman iyon sinasadya ng mama nito. According to the doctors, psychogenic seizures are manifestitations of psychological distress. At na-trigger ng mga sinabi ni Daena noon ang seizure ni Tita Carmen. Kaya nagi-guilty siya ngayon.

            "Thank you pero hindi n'yo naman na 'yon kailangang gawin. I'm fine," pag-a-assure ni Daena kina Axe at Rush. The latter breathed out an exasperated sigh.

            "So? What's really your problem? It wouldn't solve itself if you'd always deny that you have a problem," seryosong sabi ni Rush.

            "Alam mo sana 'di ka na lang sumama sa 'kin dito kung ganyan ka," sita ni Axe kay Rush pagkatapos. "We're supposed to cheer her up, not stress her out."

            "Hindi ba mas matutulungan natin siya kung alam natin kung ano ang problema niya?" sagot naman ni Rush dito. May point naman ito.

            "You don't need to concern yourselves about me though," awat ni Daena sa mga ito. Nakakahiya sa mga ito. "Kung anuman ang sinabi sa inyo ni Tyler, 'wag na kayong mag-alala. It's our problem."

            "Hmm. Is this about Seymour Pineda?" pagkuwa'y tanong ni Rush. Nagkwento ba talaga si Tyler nang tungkol sa problema nila sa mga ito?

            "The druggie?" tanong naman ni Axe na ikinagulat ni Daena.

            Are we talking about the same Seymour Pineda? "Ha? Ano'ng 'druggie'? Si Seymour?" paniniguro niya sa mga ito.

            "Yeah. Iyong anak ni Senator Pineda. Classmate 'yon ni Tyler no'ng high school. 'Di niya ba nasabi sa 'yo?" sabi ni Axe.

            Nalaglag ang puso ni Daena. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Pero inisip niya rin na baka dati pa iyon. Parang wala namang indication na nalululong sa drugs ngayon si Seymour. Baka nagbago na ito. Hindi naman kasi iyon ang pagkakakilala niya sa lalaki.

            "Anyways, pasaway na 'yon no'ng high school pa lang. Habulin ng mga babae at habulin din ng gulo. I recently heard rumors na marami siyang pinagkakautangan dahil sa drugs. I'm not sure if it's true though. Pero magagaling talaga 'yong PR people ni Senator Pineda kasi naba-buy out nila lagi tabloids about kay Seymour. Kaya walang napa-publish eh. Bakit? Ano'ng kinalaman niya sa inyo ni Tyler? Ginugulo niya ba kayo?" sunud-sunod na tanong ni Axe kay Daena.

            Hindi na siya makahinga ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay gumuho na ang mundo niya. Kaya ba biglang nagbago ang isip ni Tyler? Kaya rin ba nasabi ng papa niya na hindi niya lubusang kilala si Seymour? And did Seymour really lie to her? Or just like her, he just omitted that fact?

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon