Before Marriage
"ALAM mo, Jovelle, tangina ka eh," mariing sabi ni Daena sa kaibigan habang pinupukol ito ng masamang tingin. Kasalukuyan silang nasa room na naka-prepare para kay Daena. Gusto niyang mag-relax ngayong weekend dahil stressed na stressed siya sa trabaho pero mas lalo pa yata siyang mai-stress sa staycation na ito.
Hindi kasi sinabi ni Jovelle kay Daena na pag-aari pala ni Rafi ang Airbnb house na b-in-ook nito. Mali. Wala pala itong na-book na Airbnb house dahil nga kay Rafi ang bahay na ito sa Tagaytay. At talagang walang balak si Jovelle na bigyan siya ng heads up na may iba silang makakasama sa bonding time sana nilang ito dahil nagulat na lang si Daena pagbukas niya ng bahay at naroon sina Rafi at Seymour.
"Pagbigyan mo na 'ko. Last ko na talaga 'to kay Rafi. Promise!" pakiusap ni Jovelle. She even have the audacity to cross on her heart and do the promise sign.
Napahalukipkip siya dahil sa sinabi nito. With how boy crazy her friend is, parang hindi kapani-paniwala ang sinasabi nito. "O, bakit last na? Akala ko ba gustong-gusto mo siya? Akala ko ba siya lang exception mo sa 'no rich boys' policy mo?" pangangastigo ni Daena sa kaibigan.
Personal rule kasi ni Jovelle na hindi makipag-date sa mga mayayamang lalaki dahil sa masamang experience nito noong college sila. May mayaman itong naging boyfriend at sa buong durasyon ng relasyon nila ay parang pag-aari ng lalaki si Jovelle. It wasn't a healthy relationship. Simula noon ay hindi na nag-entertain ng mayayamang lalaki si Jovelle. Kaya nga nagulat si Daena nang malaman niyang 'super rich' pala si Rafi pero interesado pa rin ang kaibigan niya dito.
"Iba siya eh. I think. Pero parang hindi siya gusto nina Papa. Kaya last ko na 'to. 'Wag ka nang kumontra. Ibigay mo na 'to sa 'kin, please," pakiusap ulit ni Jovelle.
"Kelan mo siya pinakilala kina Daddy Pol?" tanong niya rito. Dahil ibig sabihin niyon ay gusto talaga ni Jovelle si Rafi. Enough para ipakilala nito ang lalaki sa pamilya.
"Last week lang. 'Di ko na naikwento sa 'yo kasi busy ka eh," ani Jovelle.
"Hmm. Sana sinabi mo sa 'kin na 'di na tayo tuloy ngayon. Okay lang naman sa 'kin na mag-last moments kayo ni Rafi. Sinama n'yo pa kami ni Seymour eh 'di istorbo pa kami. Sana um-oo na lang ako kay Tyler," sabi naman niya dito.
Si Jovelle naman ang napataas ang kilay ngayon. "Bakit? Ano dapat ang plano n'yo ni Tyler ngayon?"
"Hindi ko alam. Pero tinanong niya ako kung may gagawin ako ngayon. We could have watched a movie at his condo na lang sana. Or he could cook and I'll eat hi—"
Jovelle faked a gasp. Naiikot agad ni Daena ang kanyang mga mata sa reaksyon ng kaibigan dahil alam niya kung ano na naman ang tumatakbo sa isipan nito. After all, si Jovelle lang naman ang nag-i-impluwensiya sa kanya na mag-isip ng mga...makakalat na bagay.
"You'll eat him?" pang-aasar ni Jovelle.
"Ewan ko sa 'yo, girl. Anyway, masarap kasi siya—"
"Masarap siya? So, natikman mo na pala, hmm? Mukha naman, girl. 'Di ba sabi ko sa 'yo! Pero akala ko ba purely platonic lang ang relationship n'yo? Ngayon ba hindi na? Ang productive naman ng two weeks mo kahit busy ka. Iba talaga 'pag magkasama sa work ang mag-jowa," singit na naman ni Jovelle sa litanya ni Daena.
"Alam mo, bwisit ka talaga," pairap na sabi niya rito. "Close friends na kami ni Tyler. I trust him," simpleng paliwanag niya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Dear Future Ex-Husband
RomanceTo: Tyler Fontanilla Subject: I'm sorry Dear Future Ex-Husband, From strangers who formed a pact to friends who could tell each other their deepest secrets to married partners who are now awkward to each other. This hurt. I wish we could turn back...