Before Marriage
"SABI ko 'di ba 'wag nating effort-an? Bakit nagluto ka pa?" pangangastigo ni Daena kay Tyler pagkarating nila sa condo ng huli. Sinundo siya nito sa airport kanina at dito sila dumiretso pagkatapos.
"Dapat ka kasing effort-an. Never settle for less, Daena," sagot naman sa kanya ni Tyler habang nag-iinit ng mga niluto nitong pagkain sa microwave. Nagluto pa pala ito ng lunch nila bago siya sunduin sa airport. Hindi man aminin ni Daena pero na-touched siya sa ginawa ni Tyler. Kahit iyong mga nakalipas na boyfriend kasi niya ay wala man lang gumawa sa kanya ng ganito. "And relax, I'm not trying to make you fall in love with me," dugtong nito.
"Okay. Mabuti na 'yong malinaw. So, ano'ng niluto mo?" tanong niya rito.
"It's nothing fancy. Pork asado lang, stir-fried veggies and soup," ani Tyler.
"Wow! Alam mo ba na hindi ako magaling magluto. Puro fried foods lang alam kong lutuin," pag-amin niya rito. Hindi alam ni Daena kung bakit pero magaan talaga ang loob niya kay Tyler. Siguro ay dahil iyon sa "deal" nilang dalawa. Dahil may connection sila sa isa't isa. Na magkasabwat sila.
"Gusto mo bang magpa-seminar sa 'kin? Libre lang," sabi ni Tyler. There's playfulness in his voice.
"Oo sana kaso hindi ko talaga hilig ang pagluluto," pag-amin ulit niya rito.
"Anong hilig mo?"
"Uminom," sabi niya sabay tawa. Ngayon niya lang na-realize na ni hilig o hobby ay wala siya dahil naka-depende ang lahat sa kung ano ang gusto ng papa niya. Iyong pagsama-sama lang talaga kay Jovelle na mahilig uminom at mag-party ang nagiging pahinga niya sa buhay kaya iyon na ang na-acquire niyang hilig. "Pero iyong gusto kong gawin talaga, if given the chance and the courage to do it, siguro mag-road trip."
"So, bakit hindi mo gawin?" tanong ni Tyler.
"Ah, medyo hindi kasi ako mahilig sa car rides. At saka, hindi ako nagda-drive. Kung hindi lang nga ako takot masagasaan o maaksidente, gusto kong mag-bike na lang dito sa Manila," pag-amin niya rito.
"Bakit?"
Daena fiddled with the hem of her shirt. Parang hindi yata magandang topic sa first date nila ang tungkol sa trauma niya kaya hindi agad sumagot si Daena. Hanggang sa hindi na niya iyon nasagot pa dahil tumunog ang microwave at nagprisinta na siyang mag-set ng table.
"So, ano'ng gagawin natin after nito?" tanong niya kay Tyler habang kumakain. "By the way, ang sarap mong magluto," puri niya rito.
Natawa ito sa sinabi niya. "Sorry, akala ko ang sabi mo ang sarap ko."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ay, wow! May selective hearing ka? Confident ka?"
"Oo. Totoo kasing masarap ako," pabirong sabi ni Tyler sabay kindat sa kanya. Kung kasing rupok lang siya ni Jovelle ay baka bumigay na siya sa kindat na iyon. Pero hindi, strong siya.
"Grabe, bakit parang kasama ko pa rin si Jovelle ngayon? Ang kalat n'yo pareho," pagsisintir niya rito. Natawa si Tyler.
"Sadly, 'di mo 'ko matitikman," biro pa rin ni Tyler.
"Ay, wow! Feeling mo gusto kitang tikman? Ano'ng 'di kita matitikman? Ayaw kitang tikman! Gano'n 'yon," mariing tanggi niya rito. Natawa na naman ito sa kanya. "Nakakawalang-gana ka."
"Hindi na kita aasarin. Sige na. Kumain ka na," udyok sa kanya ni Tyler. Inirapan niya ito saka siya nagpatuloy kumain.
"So, ano ngang gagawin natin after?" muling tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
Dear Future Ex-Husband
RomansaTo: Tyler Fontanilla Subject: I'm sorry Dear Future Ex-Husband, From strangers who formed a pact to friends who could tell each other their deepest secrets to married partners who are now awkward to each other. This hurt. I wish we could turn back...