Chapter Twelve

621 45 51
                                    

Before Marriage

"WHAT do you need from me?" tanong ni Rush kay Tyler matapos siya nitong lampasuhin sa squash.

            Kung si Tyler sana ang nanalo sa larong iyon ay may hihingin siyang pabor kay Rush. Pero dahil distracted siya ay ito ang nanalo sa kanilang laro. Ang lakas pa ng loob niyang hamunin ito. Who the hell put up the tradition that you need to earn the favor first before asking for it anyway?

            "Kanino ka nagpapa-imbestiga? I need to have someone investigated," hinihingal na amin niya dito.

            Kailangan pa niyang bumalik sa condo niya dahil nandoon pa si Daena. Iniwan niya itong natutulog doon at malamang ay gising na iyon ngayon.

            "Sino ang papa-imbestigahan mo? I don't hire private investigators," sabi ni Rush habang nagpapahid ng pawis gamit ang towel nito.

            "Huh? So, paano mo nakuha lahat ng ebidensya laban do'n sa mga senior execs noon?" curious na tanong niya rito. Lumabas sila ng court at naglakad patungo sa stock room ng gaming equipments nila doon sa basement.

            "I just asked and went to the right people," simpleng paliwanag ni Rush habang ibinabalik ang raketa nito. Muntikan nang mapanganga si Tyler dahil sa sinabi ng pinsan.

            "Seriously? You did all the work?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

            "Yes. It's a complex matter so I have to handle it myself," seryosong saad ni Rush. "Who do you want to be investigated?"

            "Seymour Pineda. Gusto ko lang malaman kung nagbago na siya. Back in high school, he was a bastard with a chip on his shoulder. May lagi siyang nababangga. He's...he's the one Daena likes. So, I have to make sure that he's going to be right for her," medyo alinlangan pang sabi ni Tyler sa pinsan. It's okay to talk like this with Axe but not with Rush. Medyo walang puso kasi ang pinsan niyang ito kaya baka hindi nito maintindihan si Tyler.

            "Hmm. I'll see what I can do. I saw him once at the Silver Palace with some guys. I'll ask around. In the meantime, would you please stop moping around the office like a fool and do your work, right? Alam kong wala kang balak na maging CEO pero hindi mo kailangang umarte ng maayos para makumbinsi ang board na ayaw mo nga. It's affecting the company. How's your relationship with your parents right now? Lola talked with your parents last night. Pinagsabihan niya sila na 'wag ka nang pilitin kung ayaw mo talaga," kwento ni Rush pagkatapos siya nitong "pagalitan".

            Naglakad na sila paakyat sa first level ng ancestral house ng mga Dela Vega dahil kailangan nang umuwi ni Tyler at kailangan nang mag-asikaso ni Rush bago pumasok sa opisina.

            "Honestly, I couldn't care about them anymore," aniya rito. Ramdam ni Tyler ang focus ni Rush sa kanya pagkasabi niya niyon. Tila ba ina-analyze nito ang bawat salita at kilos niya kung makatingin ito sa kanya.

            "If you like her, why aren't you fighting for her?" pagkuwa'y seryosong tanong ni Rush.

            "Because she doesn't like me back," paliwanag niya rito.

            "Did you at least tell her how you feel?" muling tanong ni Rush. Bakit may pakiramdam si Tyler na iniimbestigahan siya nito ngayon?

            "I didn't find the right timing to tell her kasi sinabi na niya sa 'kin na may gusto na siyang iba. Paano pa ako aamin sa kanya, 'di ba?" sagot naman niya rito.

            "You know, I hope you'll find something or someone you'd fight to death for in this lifetime. I really hope so. For your own sake," sabi pa ni Rush.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon