Present Day
"SHIIIIIIIIIIIIIIT! Holy shit! Oh my, God! Oh my, God! Oh my, God! No way! No way! No way!" nagpa-panic na sigaw ni Daena nang ma-realize na aksidente niyang nai-send kay Tyler ang in-edit niyang draft email kanina. Ni-recheck niya ang kanyang sent emails at naroon nga ang dapat ay "draft" email lang niya para kay Tyler.
Napatayo agad siya mula sa kamang kinahihigaan kanina. Saka niya sinabutan ang sarili dahil sa katangahang ginawa. Habang ginagawa din iyon ay tumalon siya mula sa kanyang kama at dumiretso sa pinto ng kanyang kwarto. Mabilis siyang lumabas mula roon at tumakbo patungo sa kwarto ni Tyler sa kabilang panig ng floor na iyon.
Pagkarating naman ni Daena sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Tyler ay nag-overthink na naman siya. Which, she has a habit of doing for the past four years. Pinag-isipan niya kung ano ang sasabihin kay Tyler. Saka nagdasal si Daena na sana'y hindi gumagamit ng phone o ng laptop si Tyler ngayon at hindi pa nito nakikita ang email niya.
Please, Lord. Just this once, pagbigyan N'yo po ako. Hindi na po ako iinom ulit, taimtim na dalangin ni Daena bago siya kumatok sa pinto ng kwarto ni Tyler. Pagkatapos kasi nilang kumain ng cake ni Tyler kanina ay halos maubos ni Daena ang isang bote ng wine.
"Tyler?" tawag niya rito. Nang makailang katok na siya at hindi pa rin sumasagot si Tyler mula sa loob ay pumasok na roon si Daena. Alam niyang invasion of privacy iyon pero desperada na siya.
Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo ni Tyler kaya hinala niya'y naliligo ito. Mabilis na ch-in-eck niya ang laptop nito at kahit paano'y nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakapatay iyon. Ang sunod na hinanap ni Daena ay ang business phone ni Tyler at nakahinga din siya ng maluwag nang makitang nasa bedside table lang iyon.
Hinulaan niya ang password ng phone pero hindi iyon katulad noong sa personal phone ni Tyler. Nagamit na kasi niya once ang personal phone ni Tyler kaya alam niya kung ano ang password niyon. Shit, shit, shit!
"Daena?"
Shiiiiiiiiit!
"Tyler, hi," nagpa-panic na bati niya rito. Pero napalunok siya nang makita ang hitsura nito. May rule yata ito na madalas humarap kay Daena na tuwalya lang ang suot dahil iyon na naman ang hitsura nito ngayon. Kaya natukso na naman si Daena na tumitig sa abs nito.
Droplets of water are running down his torso. Hindi mai-deny ni Daena na isa sa pinaka attractive qualities ni Tyler ay ang maganda nitong katawan dahil madalas niya itong makitang hubad.
Ugh! Bwisit, kaya ka nasasabihang masarap eh!
"Daena," muling untag sa kanya ni Tyler.
Tumikhim muna si Daena bago muling magsalita dahil parang nanuyo ang lalamunan niya. Siguro'y dahil sa panic at kaba. "Um, kanina pa ako kumakatok pero 'di ka sumasagot kaya pumasok na ako. Ano, ah...makikitawag lang sana ako kay Roan kasi may sasabihin akong importante sa kanya. About work...Um, importante lang," aligagang sabi niya rito.
"Okay," agad namang pagpayag ni Tyler. Naglakad ito patungo sa dressing room nito habang nagtutuyo ng buhok gamit ang isang hand towel. Natukso na naman si Daena na tumingin sa backside nito. Pati backside nito ang sexy.
Lord, I am sorry. But this is pure torture. Tao po ako na may karupokan din.
"Daena," tawag ni Tyler sa kanya mula sa loob ng dressing room nito. "Alam mo ba ang password ko d'yan?"
BINABASA MO ANG
Dear Future Ex-Husband
RomanceTo: Tyler Fontanilla Subject: I'm sorry Dear Future Ex-Husband, From strangers who formed a pact to friends who could tell each other their deepest secrets to married partners who are now awkward to each other. This hurt. I wish we could turn back...