Chapter Eighteen

571 42 58
                                    

[Trigger warning: 'Wag masyadong seryosohin si Daena. Para 'di kayo masyadong mainis. LOL Intermission muna tayo sa POV ni Tyler bago magtuloy-tuloy.]

---

After Marriage – Tyler's POV

First year of marriage...

TYLER purposefully woke up at the crack of dawn just to catch his wife in the morning. Kahit papungas-pungas pa ang mata'y lumabas siya sa kanyang kwarto at sinulyapan ang nakasarang pinto ng kwarto ni Daena. May naririnig na siyang kaluskos doon kaya sigurado siyang nag-aasikaso na ito para pumasok.

            Bumaba si Tyler sa kitchen area, nagbukas ng ref at kumuha ng mga ingredients ng gagawin niyang breakfast para sa kanyang asawa doon. He was usually away for work. Kaya hindi niya ito masyadong naaalagaan. Their communication was also limited to sending each other emails or texts. Kapag kasi sinusubukan niyang tumawag dito'y hindi nito iyon sinasagot.

            He knew that it would take a while for Daena to move on from everything that had happened. Tyler vowed that he will be with her until the end, supporting her, caring for her, loving her if she would allow him to. Pero sa ngayon ay magkakasya na muna siyang alalayan ito sa buhay.

            Nang marinig niya ang mga palapit na yabag ni Daena ay humarap agad dito si Tyler. Agad rin siyang naghanda ng ngiti sa labi at sinadya niyang mag-pajama bottoms lang, baka sakaling mapansin siya ngayon.

            "Oh, shit!" Daena exclaimed when she saw him. Mabilis ang naging pagtalikod nito pagkakita sa kanya. Halatang gusto talaga nitong iwasan siya.

            But that didn't faze Tyler. "'Morning," nakangiting bati ni Tyler sa asawa. "Any request for breakfast?"

            "Magkakape lang ako. Thanks though," paiwas na sagot nito. In fact, nakasuot na ito ng corporate attire kaya alam ni Tyler na kahit mag-offer siyang ihatid ito'y hindi kakayanin ng oras niya. Kailangan din siyempre niyang mag-asikaso para pumasok. "Bakit ang aga mo yata ngayon? Would you run?"

            "Nah. I'll run later. Alam ko kasing maaga ka laging pumasok," makahulugang sagot ni Tyler dito.

            Hindi agad nakasagot sa kanya si Daena. Sa halip ay dumiretso ito sa kanilang counter kung nasaan ang coffee maker at nagsimulang pumili ng flavor ng kape na iinumin ngayong araw mula sa iba't ibang selection nila ng coffee capsules. "Marami kasi akong hinaharap na meeting ngayon dahil sa mga nag-resign mula nang maging CEO si Rush. Marami kaming dapat i-process na papers kaya umaaga talaga ako ng pasok," paliwanag ni Daena.

            "Hm."

            Wanting to help her make her coffee, lumapit dito si Tyler. He purposefully reached for the coffee maker plug across her back to turn it on. He also purposefully grazed his arm on hers and smiled when he saw her blush a little.

            "I'm going to make toasts. Can you please make me coffee?" aniya rito saka siya pumili ng espresso flavor sa kanilang coffee selection at iniabot dito.

            Tinanggap naman iyon ni Daena. Thankfully. "Okay. Pero 'wag mo na akong igawa ng toasts, please. Nago-order naman ako ng food online pagkarating ko sa office. Baka dumating na 'yong b-in-ook kong sasakyan eh. Gawin ko lang 'tong mga kape natin."

            "No problem. Idadaan ko na lang sa office mo mamaya para may snack ka—"

            "You don't have to, Tyler. You don't have to care for me. 'Di ba kasama naman sa agreement natin that we could live our lives separately? Kahit magkasama tayo sa bahay. You can do anything you want without minding me, Tyler. You deserve that," sabi ni Daena habang isinasalang ang kapeng napili nito.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon