Chapter Five

695 64 49
                                    

Before Marriage

I WAS so wrong, naisip ni Daena nang makita niya si Axe Pangilinan at agad siya nitong tinawag na "cousin-in-law". Mabuti na lang at sila pa lang ang naroon sa boardroom-sina Daena, Axe, Tyler at Rush. Mabuti at lumabas muna si Cherry para kumuha ng snacks and drinks na ise-set up sa boardroom.

            "Hello, Sir. I'm hoping you could keep that a secret," kiming pakiusap niya rito. Saka siya sumulyap kay Tyler na halos patayin na sa sama ng tingin si Sir Axe.

            "Fine. But don't call me 'Sir'. Call me by my name instead," sabi ni Sir Axe.

            "I don't think that's appropriate-"

            "Well, you're calling him 'Tyler' but you don't think that's inappropriate," sabi naman ni Sir Axe sabay turo kay Tyler. Hindi agad nakasagot doon si Daena.

            "She's not calling you a jerk even if you deserve it," salo naman sa kanya ni Tyler.

            "Aww, wittle Wyler's saving his wittle giwfwend?" ganti dito ni Sir Axe.

            Muntik nang matawa si Daena dahil sa banter ng dalawang magpinsan pero pinigilan niya ang sarili. Sa kanilang lahat kasi roo'y siya ang dapat na magpakita ng professionalism dahil siya ang HR Director.

            "Careful, gentlemen. I might write you both a report for displaying incivility. Just in case you're forgetting, I'm the HR Director here, remember?" singit niya sa halip sa mga ito pero siyempre, biro lang iyon. Pareho niyang tinaasan ng kilay ang mga ito. "First warning, hmm?" banta pa niya sa mga ito.

            Siyempre, alam naman ni Daena na biruan lang ang lahat sa pagitan ng magpinsan. Pero dapat ngayon pa lang din ay ipakita na niya ang kanyang "power" sa mga ito. Kailangan niyang ipakitang hindi siya nai-intimidate sa mga ito.

            "Good job, Ms. Chua. You just saved me from having a headache," sabi naman ni Mr. Dela Vega. Noon lang ito nag-angat ng tingin sa kanila dahil kanina pa ito mukhang engrossed sa binabasang mga papeles.

            Na-brief na siya ni Cherry kanina na hindi pinapayagan ni Mr. Dela Vega ang first name basis kapag baguhan ka pa lang sa kompanya. Rush Dela Vega has his own set of standards and rules. He's what made Daena nervous on the day she came up for an interview. His intimidating aura, scrutinizing gaze and overall cold vibe will make you run away from him. Kaya itinuturing ni Daena na victory ang makapasa siya sa interview nito.

             "Pakiulit nga 'yong sinabi mo, Rush. Parang 'di ko masyadong malunok. Did you just say 'good job'?" tila hindi makapaniwalang sabi ni Sir Axe. Pagkuwa'y tumingin ito kina Daena at Tyler para makumpirmang sinabi nga ni Rush ang mga katagang iyon. Kapwa naman sila tumango ni Tyler.

            Ganoon ba katipid mamigay ng papuri ang isang Rush Dela Vega?

            "Anyways, it's a pleasure to finally meet you, Daena. Should you need any help, don't hesitate to call or find me, okay? Ako lang matino dito. Wala kang mapapala sa dalawang 'yan," sabi ni Sir Axe sabay turo kina Tyler at Mr. Dela Vega. "'Yang si Rush, work, work, work, no life. Santong bato 'yan. 'Yang si Tyler naman, 'wag kang pakasiguro. Mukhang santo lang 'yan sa bait pero pailalim 'yang tumira. Guard your heart," banta ni Sir Axe.

            "Sounds like he's trying to steal your girl, Tyler," sabi naman ni Mr. Dela Vega. Nagbabasa pa rin ito ng hawak na mga papel. It's a feat how he could engage himself in a conversation while reading.

            Tyler smirked at that. "'Di niya kaya. Si Roan nga 'di niya kayang pasagutin eh," sagot naman ni Tyler.

            "Excuse me. May understanding na kami ni Roan 'no," malakas na sabi ni Sir Axe.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon