Before Marriage
From: Rush Dela Vega
To: Dela Vega PA Team; Dela Vega Legal Team; Dela Vega HR Team; Dela Vega Marketing Team; Dela Vega IT Team...
Subject: URGENT!Team,
Why are we being associated to Senator Pineda? As far as I know, the whole corporation and the Dela Vega family is not, in any way, connected to any politicians nor do we have any intention of supporting one.
Please see attached file for your reference.
@Axe fix this ASAP.
Rush Dela Vega
Head, Strategic Planning and Business Development
Dela Vega Corporation[newsfile.zip]
———
From: Axel Blaze D.V. Pangilinan
To: Daena Jade A. Chua
Subject: FW: URGENT!Have you seen the article and the pictures? Please come to my office ASAP.
Regards,
Axe Pangilinan
Head, Public Affairs
Dela Vega Corporation———
From: Daena Jade A. Chua
To: Axel Blaze D.V. Pangilinan
Subject: FW: URGENT!Otw to your office now!
Regards,
Daena Jade A. Chua
HR Director, Dela Vega Corporation———
DAENA was mortified by the sudden turn of events. Pagkatapos ng sakit na naranasan niya sa pagkaka-gusto sa maling tao ay lumabas naman ang "scandal" nila ni Seymour. Hindi pa nga siya nakakabangon ay may panibagong ganap na naman na mas nagpalubog sa dignidad niya.
Base sa write-up—na mula sa isang blog—na s-in-end ni Rush ay ang DV Corp. daw ang "big hidden supporter" ni Senator Pineda. Patunay daw doon ang "relasyon" ng anak nitong si Seymour Pineda sa isang "executive" at "anak ng isang shareholder" sa DV Corp. Obviously, the write-up was talking about Daena.
Sa mga pictures na kalakip ng write-up ay hindi naman kita ang mukha ni Daena. Madali sana nila iyong malulusutan lalo na't hindi naman kilalang personality si Daena. Pero hindi nila alam kung bakit dumami agad ang shares niyon at umabot na ang write-up sa iba't ibang platforms. May iba ring naglabasan at nag-comment na nakita nga nila si Seymour at ang "hindi pa kilalang babae" sa Subic at Tagaytay na totoo ngang pinuntahan nila noon.
Axe worked with the legal department to take-down the write-up and other articles similar to that. Ang masama pa kasi doon ay tila sinasakyan din ng kampo nina Senator Pineda ang issue. Ang hinala ni Axe ay baka daw ang kampo nila ang nagpalabas ng write-up na iyon para lang madikit ang pangalan niya sa DV Corp. Dahil kung hindi man daw makakuha ng suporta ang senador sa DV Corp. ay makakakuha naman daw ito ng suporta sa iba dahil sa article na iyon. In short, ginamit siya ng mga ito.
Hindi man natuloy ang sinabing plano ni Seymour ay nagamit pa rin si Daena ng mga ito. At kahit magngitngit si Daena ngayon ay ang tanging magagawa niya'y hindi magsalita tungkol sa issue hanggang sa malusaw na lang iyon. Gusto niyang sugurin si Seymour o kahit si Senator Pineda sa opisina nito pero mas palalakihin lang niya ang issue.
Sobrang lalim ng ibinagsak ng dignidad niya nitong mga nakaraang araw. Ni hindi siya makaiyak dahil hindi deserve ni Seymour at ng ama nito ang iyak niya. Pero nasasaktan siya. Palagi na lang ba siyang magaganito? Kailan ba mas magiging madali ang buhay niya? Kailan ba mas magiging magaan ang buhay niya? Ilang beses pa ba siya kailangang magkamali para maging maayos ang lahat sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
Dear Future Ex-Husband
RomanceTo: Tyler Fontanilla Subject: I'm sorry Dear Future Ex-Husband, From strangers who formed a pact to friends who could tell each other their deepest secrets to married partners who are now awkward to each other. This hurt. I wish we could turn back...