Chapter Twenty

1.8K 76 64
                                    

INIS na pinatay ni Daena ang tumutunog niyang alarm dahil antok na antok pa siya. Ikatlong alarm na niya iyon na pinatay niya dahil hindi pa siya handang magising. Pero five-thirty na ng umaga kaya kailangan na niyang bumangon. May eight o'clock meeting siya kaya hindi dapat siya ma-late ngayon.

            Muntikan nang makalimutan ni Daena na hindi siya nag-iisa sa kama ngayon kung hindi pa niya naramdaman ang kamay ni Tyler sa kanyang beywang. She was forced to wake up when she felt him clutch her body to his side. She faced Tyler in all his morning glory—gorgeous face, sleepy smile, abs, and wood—Shit! What did I just feel?

            Bumilis ang tibok ng puso niya dahil doon. Nothing happened between them last night except for a few kisses and well, they slept together in her room. They both decided to take it slow since they have all the time in the world. Wala na silang time constraints ngayon at napakasarap isipin niyon.

            "Should we both call in sick today?" Tyler whispered to her in a raspy voice.

            Natawa siya pero bahagya niya itong itinulak palayo. "Gago, may series of meetings ako ngayong araw. 'Yong mga na-resched kong meeting dahil sa kasal nina Rush at Mavis," sabi niya rito.

            Muli siyang hinapit ni Tyler at hinalikan sa may leeg. "What do you want for breakfast?"

            "Magka-kape lang ako. As usual. Sa office na ako usually nagbe-breakfast to avoid being late. Alam mong mabagal akong kumilos sa umaga," paliwanag niya dito. Tila nag-isip naman si Tyler.

            "Hm. Pwede mo namang i-propose na gawing nine-to-six na ang office hours n'yo just like ours," ani Tyler. He nuzzled her neck more.

            "Hm, ii-include ko 'yan sa survey next time," sabi ni Daena saka mabigat ang loob na bumangon mula sa kanyang kama at lumayo kay Tyler. "I need to get ready."

            Bumangon na rin si Tyler at hinalikan siya sa noo bago ito lumabas ng kanyang kwarto. He blessed her again with all his morning glory and her heart raced in adoration for his body. Gusto ulit ni Daena na mahiga sila at matulog na lang buong araw pero may mga responsibilidad sila sa buhay na dapat harapin.

            Mahiga at matulog lang ba talaga ang nais? kastigo ng isang bahagi ng isipan niya.

            Siyempre...hindi, kinikilig na amin niya sa sarili.

            Mabigat man sa loob ay nag-asikaso na sa pagpasok si Daena. Mabagal siyang kumilos tuwing umaga kaya maaga talaga siyang naga-alarm. Pagkatapos niyang mag-light exercise ay naligo na siya, nagbihis at nag-apply ng skincare. Nag-book na rin siya ng kanyang sasakyan dahil male-late si Tyler sa trabaho kung magpapahatid siya dito at babalik ito para mag-asikaso naman sa pagpasok. Unless, sasabay na rin ito sa kanya pagpasok.

            Pagbaba ni Daena mula sa kanyang kwarto ay una niyang naamoy ang ginagawang toast at kape ni Tyler bago niya ito nakitang nakasuot ng workout clothes sa kitchen area. "Nag-book ka na ba ng sasakyan mo?" tanong nito pagkakita sa kanya habang abala pa rin sa pagluluto.

            "Yep," nakangiting sabi niya rito. Umupo siya sa kitchen stool na naroon at pinanood ito sa ginagawa. Ang sarap sa feeling ngayong hindi na niya kailangang maging maingat sa harap nito at malaya na siyang tingnan ito.

            Tanga mo kasi noon, girl. Umarte ka pa, sabi niya sa sarili.

            "Cancel it. I'll go with you. May malapit na gym naman sa DVC so do'n na lang ako magwo-workout at maliligo. Para maihatid kita," sabi ni Tyler.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon