Chapter Ten

694 60 45
                                    

Before Marriage

"OH? Himala ah! Bakit nandito ka ngayon? Wala kang date?" tanong ni Axe kay Tyler pagkarating niya sa ancestral house ng mga Dela Vega kung saan nakatira sina Lola Vicky, Rush at Law.

"Kelan ka kaya mawawala dito?" balik-tanong naman ni Tyler sa pinsan. Pero alam naman ni Tyler ang sagot doon. Kapag hindi na siguro doon nakatira si Roan.

Maling-mali na si Axe pa ang una niyang naka-encounter dito dahil inis siya ngayon at hindi niya pa maintindihan kung bakit.

Siguro ay dahil iyon sa nalaman niya. Na kasama ni Daena si Seymour ngayon at mukhang nag-e-enjoy ito sa presensiya ng lalaki dahil hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Siguro'y nadagdagan din ang inis niya dahil hindi sinabi ni Daena sa kanya ang address ni Rafi para sana masundo niya ito roon. Because Seymour's totally bad news. There was a lot of bad incidents involving him before and Tyler wanted to protect Daena from him. But she's not letting him.

Siguro'y mas lalo ring nainis si Tyler dahil alam niyang wala siyang karapatang utusan si Daena na lumayo kay Seymour dahil hindi naman totoo ang relasyon nilang dalawa. But heck, they're friends. They have a relationship enough for him to be protective of her. To look out for her. Pero siyempre, na kay Daena pa rin ang huling desisyon. And it seems that her decision was to give Seymour a chance to get close to her. Anong magagawa niya roon?

"Fuck," bulalas niya pagkaupo niya sa may kitchen island kung saan din nakaupo si Axe ngayon.

"O, bakit?" tanong agad ni Axe.

"'Asan si lola? Si Rush?" paasik na tanong niya rito.

"May kinukuha lang sina lola at Roan sa pantry. Si Rush ay nasa office niya as usual. Albert's with Cassie. Iyong tatlong ugok ay nasa training nila ngayon. Binisita ko sila kanina isa-isa. It was fun. Try mo rin mamaya. I heard Travis will be in-charge of washing the dishes later. Chance mo nang makitang nagdurusa 'yong mala-demonyo mong kapatid," mahabang litanya ni Axe. Ito talaga iyong tipo na hindi mo na kailangang tanungin kung ano ang paliwanag niya dahil kusa na itong magpapaliwanag o magkukwento.

"Sa tingin mo talaga magdurusa si Travis do'n? Si Roth kamo ang magdurusa. Kabahan ka na para sa kapatid mo," sabi naman ni Tyler dito. Travis will always find a way to get out of any problematic situations. Law, too. But Roth will always feel responsible for them. He's good like that. Kaya kung hindi man gawin nina Travis at Law ang duties ng mga ito sa Silver Palace ay siguradong si Roth ang sasalo sa gawain ng mga ito.

Sa Silver Palace nagtatrabaho tuwing weekends sina Travis, Law at Roth. Parte iyon ng kanilang training bago pumasok sa mismong Dela Vega Corporation. Silang tatlo nina Axe at Rush ay dumaan din sa ganoon simula high school. Noong time nila ay sa mall naman sila nagtrabaho bilang cashier, promodizer at customer service representative. Actually, lahat ng mga kamag-anak nila na gustong pumasok sa DVC ay kailangang dumaan sa ganoong training. It was their tradition.

Iyon ay para magkaroon sila ng totoong understanding kung paano gumagalaw ang business nila simula sa baba. Pero minsan ay naiisip niyang parang trip lang talaga ng mga nakakatanda sa kanila na pahirapan sila.

"Napakabait talaga naming mga Pangilinan. Keep up naman kayo," pagyayabang ni Axe. Lagi naman itong basted.

"Keep up ka rin kaya kay Roan," pang-aasar niya rito. Pero hindi pa rin siya natutuwa.

"Hindi mo na ako kailangang paalalahanan. 'Di dapat minamadali 'yong gano'ng pang matagalan. Bakit ba ang init ng ulo mo? Nag-away ba kayo ni Daye?" pagkuwa'y tanong ni Axe.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon