Chapter Nineteen

731 53 50
                                    

[Trigger warning: 'Wag masyadong seryosohin si Daena. Para 'di kayo masyadong mainis. LOL]

---

Present Day

INABALA ni Daena ang kanyang sarili sa panonood ng New Amsterdam habang nakikipag-"date" si Tyler kay Amelie. Matagal na niyang nasimulan ang series na iyon pero ngayon lang ulit niya maitutuloy panoorin dahil naging hectic ang schedule niya noon. She loves watching medical dramas because it's compelling, touching and educational. Marami siyang natutunan sa kapapanood niya ng medical dramas.

            Daena became fascinated with doctors after watching them on TV. Kaya hindi nakapagtataka kung gusto ring makipagrelasyon ni Tyler sa isa. Ang kaso lang ay mas busy pa ang mga doctor kaysa sa isang normal na tao, so their relationship would really be challenging. But if it's Tyler, she thought that maybe they could do it.

            Tyler's the most thoughtful, sensible and wonderful person she had ever met. Of course, she would root for his happiness. At dahil nandoon na siya sa episode na nagka-issue sa kanyang mga pasyente si Dr. Iggy ay napa-research tuloy si Daena.

            Ni-research niya kung forbidden pa ba ang maaaring relasyon ni Tyler kay Amelie dahil sa patient-doctor relationship code of ethics. Sa pagkakaalam niya'y dalawang taon na ang nakalilipas nang matapos ang therapy ni Tyler kay Amelie. Base sa mga nabasa niya, may mga nagsasabing okay lang na magkaroon ng relasyon ang isang doctor sa dati nitong pasyente as long as hindi na nito iyon pasyente. Pero mas marami ang nabasa niyang articles na nagsasabing unethical pa rin daw iyon. Siguro naman ay aware sila pareho sa code of ethics, hindi ba? Lalo na si Amelie.

            But then, Tyler didn't even confirm if they really have a relationship with each other. Daena just assumed for herself. Ang sabi kasi ni Travis ay bibisitahin at magka-"catch up" ito kay "Amelie". First name basis sila. Doesn't that warrant a special connection with each other?

            Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang kanyang phone—si Law ang tumatawag.

            "O, bakit, Landon Wilson?" agad na tanong niya pagkasagot niya sa tawag ng kapatid ni Rush. Bakit pakiramdam niya'y may hihingin na naman itong pabor sa kanya? Noong nakaraang linggo kasi'y may hiningi itong pabor sa kanya na kinailangan niyang ipakiusap pa sa ibang tao. Okay lang naman sa kanya iyon, basta hindi lang siya isama ng mga ito sa kung anong pustahan.

            Tumawa muna ito sa kabilang linya bago siya sagutin. "Babayaran ko na 'yong favor na hiningi ko sa 'yo noon. So, ano'ng gusto mong hingin sa 'kin? Paano ako makakabawi? Driving lessons you want? Or if you're still afraid, may binili akong bagong driving simulator, gusto mong 'yon muna ang i-try?"

            Law, Travis, Roth and even Axe had tried to teach Daena how to drive before. Pero hindi pa rin niya magawang mag-drive. Natatakot pa rin siyang humawak ng manibela dahil naaalala pa rin niya ang nangyaring aksidente nila noon ng kuya niya. She tried seeking for help. She had seen a doctor but the trauma was still there.

            She's still the problem. But she's really thankful for the people supporting her even until now.

            "Anong simulator? 'Yong pang-game?" curious na tanong ni Daena. But her heart skipped a beat when he mentioned driving. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin niya nao-overcome ang trauma sa muling pagda-drive.

            "Yeah. Katatapos ko lang i-set up dito sa bahay. If you're up for it, I'll ask Travis to pick you up. Nasa bahay ka ba?"

            Inisip muna ni Daena kung gusto ba niyang lumabas ng bahay o ipagpapatuloy na lang niya ang panonood. But she thought that staying at home alone would lead her to overthinking so she might as well unwind. "Nand'yan ba si Lola Vic?" tanong muna niya bago pumayag. Baka kasi kapag nakita na naman siya ng matriarch ng mga Dela Vega ay magtanong na naman ito kung kailan nila planong magkaanak ni Tyler.

Dear Future Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon