Chapter 9

81 5 13
                                    

     Naiwan nga sa room of doom sina Toru at Allen. Kinuha ni Allen ang kanyang laptop at notebook at niyakap ito. "Pasensya ka na kay Mom" sabi ni Toru. "Ayos lang. Ang hyper po pala ni Ma'am" comment naman ni Allen. "Haha. Oo. Bumaba na tayo baka kung ano na isipin nila" hudyat ni Toru. "Un" sagot ni Allen. Nauna naglalakad ang dalaga papunta sa pinto, hindi sinasadya natapilok s'ya dahil may unan na nasa sahig na nilalakaran "Kyah!". Napapikit si Allen at inaantay ang impact pero wala sya naramdaman na sakit.

     Narinig ni Allen ang mga kataga "I got you...". Kaya iminulat nya ang kanyang mga mata. Ang kanyang boss nakayakap sa kanyang bewang dahilan kung bakit hindi sya nasaktan. Napalingon si Allen sa kanyang likod nakangiti si Toru sa kanya "Uhm... Salamat po Sir". Inalis na ni Toru ang pagkakayakap sa dalaga "Mag-iingat ka at bakit tinawag mo na naman ako na Sir?". Mabilis naman nag sorry si Allen "Sorry po. Hindi na uulit". Nakita ni Allen na nag smirk ang kanyang boss kaya natameme sya "Wala na finish na" bulong n'ya sa isip. Napansin naman ni Toru na namumula ang pisngi ng kanyang secretary "Let's go" hudyat ni Toru. Nauna sya lumabas ng pinto ngayon. Naiwan naman si Allen "Nakakaloka si Sir.. Ene be" sabi nya sa isip habang pinipigilan kiligin.

     Tinawag sya ni Toru at sinabi na sumunod na sya. Bumalik naman sa ulirat si Allen, nilock ang room at bumaba na din ng hagdan. Nakita ni Allen na nag-uusap usap ang group kung paano magkakasya sa hapag kainan. "Sabi sa inyo doll house bahay ni Chibi eh" comment ni Sakuragi nainis naman si Olivia naramdaman ni Seki at Allen na may gagawin ang kaibigan kaya nilapitan nila agad ito "Hwag, Oli!". Inalis naman ni Olivia ang kamay nina Allen at Seki na nakahawak sa magkabilang braso n'ya "H'wag n'yo din ako pigilan. Sumosobra na 'tong manok na panabong na 'to". Lumapit si Olivia kay Sakuragi at susuntukin "Hindi mo ako abot. Nyahaha" sabi naman ni Sakuragi. "Ginagalit talaga n'ya si Oli" chorus ng boys. Hindi naman inexpect ng lahat na susuntukin ni Olivia ang sikmura ni Sakuragi "Hindi kita abot oo pero abot ko tyan mo. Akala mo hindi kita uurungan aah. Pasalamat ka hindi ko nilakasan ng todo baka hindi ka maka-kain".

     Naramdaman ni Sakuragi na malakas sumuntok si Olivia "Masakit. Sanay naman ako pero malakas sya sumuntok para sa babae" bulong nya sa isip. "Wala nga ako naramdaman eh" comment ni Sakuragi. Inis na inis naman si Olivia at susuntukin na naman ang kaharap nya. Nakita naman ng boys na hinawakan ni Sakuragi ang ulo ni Olivia gamit ang kanyang kanang kamay at naka extend ang braso kaya na prevent nito ang pagsuntok ng dalaga. Nanunuod lang ang adults na naka upo sa sofa "Nyahahaha. Bulilit. Oh, ano ka ngayon chibi ismol ka kasi eh. Kayang kaya kita".

     Lumapit naman si Jin at Takenori. Inalis ni Jin ang kamay ni Sakuragi sa ulo ni Olivia "Sumosobra ka na Sakuragi" wika ni Jin. Sinuntok ni Takenori ang ulo ng kaibigan "Mag sorry ka kay Olivia". Tumingin naman ang boys at sina Allen at Seki kina Olivia at Jin. Inaayos ni Jin ang buhok ni Olivia "Ayos ka lang ba Oli?". Nag nod si Olivia "Salamat Jin-san, Takenori-san". Naramdaman ni Sakuragi na nakatingin si Mitsui at Miyagi sa kanya at sinasabi ng mata na "Mag-sorry ka. Mali ginawa mo". Nag nod naman si Sakuragi "Oli.." untag nya. Hindi naman sya pinansin ni Olivia, umismid ang dalaga at dumeretso sa kusina. Sinundan naman ito ni Hoshi. Alam ni Hoshi na senstive ang anak anakan sa kanyang height at ayaw minamaliit.

     "Okay..." comment naman ni Akira. Huminga naman ng malalim sina Allen at Seki. Nagsalita si Allen "Seki, baka pwede gamitin dining nyo para yung iba doon makapag-dinner". Nag nod naman si Seki "Okay. Sino po ang kakain sa bahay namin para maihanda ko po mga plates?". Si Ren na nagsalita "Kami na lang iha. Kung ayos lang. Dito na lang kayo mga bagets kasi oldies na kami Haha". Nainis naman si Sana kaya itinama ni Ren "I mean, ako. Hindi ka nga tumatanda, Love". Kilig na kilig naman si Sana "Forgiven ka na. Hihi". Nagtawanan naman ang lahat. Ni-lead ni Seki ang mga Hanagata, Atty. Kyo at ang kanyang Tito Hoshi papunta sa dining area ng kabilang bahay. Dumaan sila sa connecting sala. Nilapitan naman ni Allen si Olivia, may dala ito na tray na may laman na tatlong malaking mangkok para sa mga ulam "Oli, saan ka uupo?". "Kina Tito Hoshi ako sasabay mag dinner. Naka-hain na ang pagkain ninyo. Kumain na kayo Ali". Nag nod naman si Allen at may malungkot na ngiti at hinayaan na makapunta sa kabilang bahay.

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon