Nabigyan na ang lahat ng exceptional employees ng kani-kanilang award. Si Ren ang President ng HPE ang nagbigay ng closing speech "On behalf of the whole HPE, I would like to say thank you to all of the employees for their hard work. Kayo ang asset ng company kaya congratulations for your hard work. Salamat sa Diyos at tapos na ang program ng umulan. Sa mga malalayo ang bahay you can stay here, at bukas na kayo umuwi for your safety. Good night everyone... Coordinate it with your supervisors para ma accommodate natin ang lahat bago kayo umuwi. Before I end, all employees regardless of what your rank, check your online banking tomorrow at 9:30 am. Bye!". Nag sigawanan naman ang lahat ng empleyado "THANK YOU SIR REN!!".
Ang mga employees na gusto magpalipas ng gabi sa resort ay kinausap agad ang kani kanilang supervisor. Tumayo na sina Allen mula sa pagkakaupo, tinungan nila ni Seki na makatayo ang kaibigan na si Olivia. Lumapit naman si Kiyota kay Seki, "Seki... okay lang ihatid kita sa inyo". Tumingin si Seki kay Allen, nag nod ito "Sige. Thank you Kiyota", pinipigilan ni Seki na kiligin. Tinanong naman ng boys kung sino ang sasabay kung kanino. Kasama ni Sendoh si Marco, nagsalita ang binata kung maaari nya ihatid si Olivia at Autumn, umiling naman ang dalaga "Pasensya na pero I decline.. Mahirap na, malaman ni Adah-san, baka kung ano isipin ng asawa mo" paliwanag ni Olivia. May malungkot na ngiti naman si Marco. Hinawakan ni Sendoh ang balikat ng subordinate nya.
Ihahatid ni Toru si Allen sa kanila. Si Kiyota naman ay niyaya mag date ngayon gabi si Seki, in which pumayag ang dalaga. "Congrats Kiyota" bulong ni Fukuda at Sakuragi. Niyaya naman ni Seki si Olivia na sumabay sa kanila ni Kiyota, "No Beb, moment nyo.. Mag commute na lang kami ni Autumn" paliwanag ni Olivia. Nag alala naman si Jin "Anong oras na ng gabi Oli. Delikado. Ihatid na kita sa inyo" pag offer ni Jin. "Pumayag ka na Oli" wika ni Allen. Nag nod naman ang dalaga "Salamat Jin-san" at inayos ang pagbuhat sa anak. Nakita ni Sakuragi na nahihirapan si Olivia buhatin ang anak "Chibi parang hirap na hirap ka buhatin si Autumn". Tumawa naman ang dalaga, "True naman.. Lumalaki na si Autumn, maliit ako kaya aminado ako mahirap na sya kargahin". Bubuhatin na sana ni Sakuragi ang bata ng pigilan sya ni Ikegami, nakita ng lahat na si Jin ang kumuha kay Autumn mula sa braso ni Olivia. Pinisil naman agad ng dalaga ang mga braso nya, "Thank you". Lumapit si Toru kay Olivia at may binulong dito, nag nod naman ang dalaga "Ako bahala" sagot nya.
Nagpaalam saglit ang boys ng tawagin sila ng kanilang mga magulang, nilapitan nila ito. Nagkatuwaan naman ang girls ay inaasar si Seki dahil excited ito sa date nila ni Kiyota. Si Allen naman ay tinatago ang lungkot na naramdaman, nag aalala sya dahil hindi maalis sa isip nya na galit ang boyfriend nya na si Toru sa kanya. Allen then release an exasperated breathe ng makita kung sino ang papalapit sa kanila.
"Lookie, lookie, lookie... If ain't cookie" bati ni Chiaka kasama ang kaibigan nya na si Denise at Elise
"My name ain't cookie, I'm Allen, Boo..." sagot ni Allen
"Enough of this crap" mataray na sagot ni Chiaka
"Wow, hiya naman ako sayo, ikaw kaya nag umpisa" comment ni Seki
"Huwag mo pagsalitaan si Chiaka ng ganyan" pagtatanggol ni Denise
"Kaya nga" pag sang ayon ni Elise
"Aba may backup ka pa" comment ni Olivia
"Hindi nyo ba ako kilala, ako si Chiaka Watanabe. Sabagay, hindi na ako magtataka mga low class lang naman kayo" pagpapakilala ni Chiaka, nagtawanan naman ang kaibigan nya
"I congratulate pa naman sana kita Chiaka sa award mo, pero pinatunayan mo na hindi ka deserving" sagot ni Allen sa parinig ni Chiaka
"Sabihin mo Allen inggit ka lang kay Chiaka" pagbintang ni Elise
"Ano, ulitin mo nga itong friend ko maiingit kay Chiaka? Hello, tanggalin nga yung letter 'i' sa pangalan nya mas bagay CHAKA... CHAKA PATI UGALI" palaban na sagot ni Seki
"Insecure lang kayo. Hindi ko alam ano nakita sa inyo ni Ms. Kiyo at mabait sya sa inyo lalo ka na Allen pero mag ingat ka, mas bagay kay Chiaka ang position mo" may pagbabanta sa boses ni Denise
"Kahit tinatakot nyo ko, I'm not affected. I know I am more competent that you will ever be" tugon ni Allen sa pang aaway sa kanya
"Listen here Allen Daisuke, I don't like you, you are playing goody two shoes, bait baitan school of acting. Tandaan mo paalisin kita sa job position mo, dahil mas deserving si Chiaka Watanabe I have everything, beauty & fame" pag threaten ni Chiaka
"Pero brain wala, wrong grammar ka sis" asar ni Seki
"Isama mo na common sense" dagdag ni Allen
"Hahaha, Beb hindi mo sinabi na kamag anak mo 'tong si Chiaka, same kayo ng surname" comment ni Seki
"Excuse me, Darling... Wala ako kamag anak na panget... You know why?" na offend na sagot ni Olivia
"Bakit?" tanong ni Denise at Elise
"Pinapatay sa pamilya namin ang panget. At sa case mo Chiaka, double kill ang gagawin namin sayo dahil masama na nga ugali mo, masama pa itsura mo. Pasalamat ka hindi kita kamag anak, mas pasalamat ako dahil wala ako kamag anak na tulad mo. Subukan mo pa ulit pagbantaan ang kaibigan namin manghihiram ka na ng mukha sa magaspang na sahig" matapang na sagot ni Olivia at lumapit kay Chiaka, umatras naman ang dalaga maging ang mga kaibigan nya "Ang lakas ng loob mo ang liit mo naman" pag taunt ni Chiaka. "Hindi binibigay ni Lord ang lahat, pero kahit maliit ako maganda ako. Eh ikaw maganda ka ba? Hmmm". Na offend naman si Chiaka sa sinabi ng kaibigan ng kaaway nya, "Let's go girls" at tumalikod ito. "Hmmp" sagot ng tagasunod ni Chiaka at sinundan ang leader nila.
Pagkaalis ng tatlo, nagkatinginan sina Seki, Olivia at Allen "Apir!!" sabay sabay na sabi nila at nagtawanan. "Grabe Beb, inaaway ka ba nila every workday?" tanong ni Seki. Umiling si Allen "Nag paparinig sila sa akin kapag dumadaan ako sa station nila pero ngayon lang nila ako kinonfront. Thank you girls pinagtanggol nyo ako". "Wala yun, basta ikaw" sagot ni Seki. "Grabe ka din Oli, palavarn ka talaga. Haha seriously pinapatay mga panget?" comment ni Allen. Nag nod naman si Oliva "Mga beb kilala nyo si Mama allergic yung sa panget di'ba.. And duh, si Ako lang naman ang proof na beauty runs in our family" nag hairflip ang dalaga at nag wink "Ligwak lang tayo sa height department". "Hahahah" natawa na lang si Allen at Seki. Ang hindi alam ng girls narinig sila ng boss ni Allen and mga kaibigan nito.
"Wow, palaban pala kayo girls" compliment ni Miyagi
"Hindi kami papayag na kaawain ang beb namin" paliwanag ni Seki
"Tomo" pag sang ayon ni Olivia
"Oli, maldita ka pala" may astonishment naman sa boses ni Ikegami
"Correction, Maldita with a heart" pagtama ni Olivia
"Hahahaa. Witty mo Oli" compliment ni Jin
Sumang ayon naman ang ibang boys "Now I know kung saan nagmana ng sass si Allen" comment ni Toru. Tumawa naman ng alanganin si Allen "Hehe... Sir, sisisantehin nyo po ba ako?" kinakabahan sya. "No.. outside office naman na insident, pero bakit hindi mo sa akin sinabi na pinaparinggan ka ng group ni Chiaka?" tanong ni Toru. "Ayaw ko lang po na isipin nila na dahil secretary ako ng Vice President may weight yung position at work ko" paliwanag ni Allen. Napahinga ng malalim si Toru, si Fujima ang nag voice out ng concern nya "Toru, ang bait masyado ng secretary mo". Nag nod naman ang binata.
Nagpaalam na ang lahat sa isa't isa. Kasama sa sasakyan ni Jin sina Olivia, Autumn, Ikegami, Koshino at Fukuda. Magkakalapit ang bahay nila. Si Seki at Kiyota naman ay umalis na rin. Si Toru at Allen ay nagpunta sa sasakyan ng binata. Pinaandar na ni Toru ang sasakyan, malakas ang ulan kaya banayad lang sya mag drive.
"Toru... baby, galit ka ba sa akin?" nag aalala na tanong ni Allen
"Hindi Ali, kung iniisip mo yung kanina, nabigla lang ako, hindi ko alam na sumasayaw ka ng ganon" paliwanag ni Toru
"Hehe. Kanina ko lang din nalaman na may talent ako sa ganun. Uhm Toru, ano pala yung sinabi mo kay Oli?" tugon ni Allen
"Ah yun ba, malalaman mo rin.. Btw, sinabi ko kay Uncle Hoshi na kasama kita ngayon gabi" wika ni Toru
Nag pout naman si Allen, "Meanie". Nag smirk lang si Toru "Ali, yung costume nyo kanina, binigay mo ba kay Ate Kiyo?" tanong ng binata. "Hindi, dala ko nga hanggang ngayon eh" pag amin ni Allen. Nagtaka naman ang dalaga ng iba ang route na dinaanan nila at imbis na kumanan papunta sa bahay nya "Huh, wrong way ka Toru". Sumagot si Toru "Hindi ako wrong way, alam ni Uncle Hoshi na kasama kita ngayon gabi sinabi ko kanina di'ba? Besides, mag uusap tayo kung bakit ganoon ang suot mo kanina? Right Baby??".
Nag gulp si Allen "Deja vu ba itey?" nagpapanic na thought ng dalaga.