Ikinumpara ni Allen sa pag kurap ng mata ang byahe nya papunta sa Hokkaido, saglit lang narating na agad nya ito, si Mr. Fluffy Fluff na nakahiga sa kanyang lap ay binuhat nya para iharap sa kanya "Mr. Fluffy, ilagay na kita sa bag mo okie? Nandito na tayo" nag hikab ang pusa "Meow" nag giggle si Allen nirub nya ang nose sa alaga bago nga nilagay ito sa carrier. Nang masigurado nya na wala syang nakaligtaan na gamit - konti lang naman ang dala nya ay hinintay nya ang turn para makababa inassist naman agad ang mga pasahero ng flight attendants narinig pa nya ang bulungan ng mga crew "Salamat kay Jessa, nagawan nya ng paraan" nabalitaan ng dalaga na cancelled ang flights ngayon at sa mga susunod na araw patungong Hokkaido dahil sa thunderstorm. Agad na balot ng lungkot ang naramdaman ni Allen habang naglalagad sya sa loob ng Chitose Airport "Noon kasama ko si Toru..." naalala nya na ganitong petsa rin 2 taon na ang nakaraan ng pumunta sila sa Hokkaido Branch ng Hanagata Prime Enterprise para sa surprised audit and investigation nila, tanda pa nya na si Masa ang sumundo sa kanila "Sino makapagsabi na ang pag gather namin ng evidences ay gagamit para sa tunay kong Ama".
Pinigil ni Allen ang mga luha na nagbadya umagos dahil sa sakit na kanyang naramdaman "Mahal na mahal kita Toru..." huminga muna sya nang malalim at saglit pinikit ang mga mata "Kaya ako umalis para protektahan ka... si Mama.. si Papa... mas mabuti na ang ginawa ko, pero bakit ang sakit... ang sakit sakit" kahit anong pigil, kusang pumatak ang mga luha. Hindi namalayan ni Allen kung gaano na sya katagal lumuluha habang nakatayo lang, katabi nya ang vendo machine, gulat na lang sya nang may narandaman sya na tumama sa kanyang tuhod kaya tinignan nya kung ano iyon, nanlaki ang mga mata nya at napakurap hindi sya namalikmata, isang batang babae na may nakalahad na panyo para sa kanya.
"Neechan, huwag ka na umiyak, ito panyo" nakatingkayad ang bat, pilit iniaabot ang hawak na panyo na tinaggap naman ni Allen "Thank..you..." mas lalo nagulat ang dalaga nang yakapin ng batang babae na kaharap ang kanyang mga binti.
"Bata, sinong kasama mo? Bakit ka mag isa?"
"Ako po si Lily... Kasama ko po si Obaa-chan...""Nasaan ang parents mo, baka hinahanap ka na nila.. Ihatid kita"
"Neechan, kita ka ni Obaa-chan umiyak kaya binigyan kita panyo""Huh?"
Takang tanong ni Allen, sinundan nya ang daliri ni Lily kung saan ito nakaturo. She releases a gasp nang makita kung sino ang nakatingin sa kanila "Ma'am... Yoko?" ngumiti ang matanda bago lumapit sa kanila dumikit agad si Lily sa kanyang lola "Hello Ms. Allen kumusta, ngayon lang ulit kayo nagawi dito sa Hokkaido" nag nod si Allen at nag bow pagbigay galang "Ooh, hindi mo kasama si Mr. Toru?" hinanap ni Yoko ang lalake na kasama noon ni Allen. Bigla naman umiyak ang dalaga nag panic si Lily "Hala ka Obaa-chan, pinaiyak mo si Nee-chan". Nag alala rin si Lily sa tingin nya ay may problema sa pag ibig ang kausap "Tara iha, huwag ka na umiyak.. Doon ka muna sa inn namin" nakangiti nya saad bago hinarap ang apo "Lily, sabihin mo sa Papa mo, umuwi na tayo sila muna bahala sa stall natin" nag salute gesture naman si Lily "Hai" bago kumaripas ng takbo. Hinaplos ni Yoko ang likod ni Allen "Tahan na iha... umuwi na tayo neh".
Wala naman lakas si Allen na tanggihan ang alok ng kausap, tahimik lang sya maya maya bumalik na si Lily at silang tatlo ay nagpunta na sa sakayan at tinahak ang inn na pagmamayari ni Yoko.
.....
Inaabot na ni Allen ang bayad sa taxi driver ngunit inawat sya ni Yoko "Ako na iha..", "Pero..." untag nya ngunit umiling ito bago hinayaan na ang nakatatanda sa kanya "Salamat po Ma'am". Bumaba na sila ng taxi "Lily, sabihan mo ang lolo mo at mama mo, kasama natin si Allen, kilala nila sya" ngumiti naman si Lily bago tumakbo na naman "Huwag ka magmadali baka ka madapa... nako 'tong bata toh talaga".