Chapter 40

72 3 2
                                    

           Nagtaka sina Toru at mga kaibigan nya na kasama sa trabaho kung bakit nagpatawag ng urgent meeting ang ama na si Ren, kasama si Atty Kyo. Wala pa ang nagpatawag ng meeting kaya nagkwentuhan muna ang boys.

"Toru, nasaan si Allen?" tanong ni Fujima
"Oo nga usually kapag may meeting kasama siya, wala rin si Ate Kiyo at Ms. Lei" comment ni Sendoh

"Sina Ate Kiyo at Ms. Lei may other appointment sila about kay Allen wala ako idea" paliwanag ni Hasegawa
"Baka naman naka leave si Allen, di'ba marami siya leave credits dahil sa good deed niya" comment naman ni Ikegami

"Baka nga"
"Sana all"

              Inayos naman ni Toru ang suot na antipara bago nagsalita "Hindi naka leave ang secretary ko, sinabi ni Dad kay Allen na hindi serious ang meeting at may iba na kailangan siya gawin?". Mas lalo nagtaka ang boys dahil base sa understanding nila hindi ganoon ka seryoso ang meeting na ito "Ano kaya ang iniutos ni Uncle Ren kay Allen" bulong nila sa mga sarili. After 10 minutes na pag uusap at exactly 1:30 pm dumating sina Ren at Kyo dahilan para sumeryoso silang lahat. Nagtungo sa unahan si Ren at katabi nya si Atty Kyo, si Toru naman ay tumakbo agad ang isip, maraming scenario ang naiisip nya kung bakit kasali sa meeting na ito si Atty Kyo, gusto nya maging hopeful na positive ang meeting na ito ngunit sa pakiramdam nya ay kabaliktaran ito.

             "Thank you sa inyo dahil pinaunlakan nyo ang meeting natin ngayon" panimula ni Ren habang inaaddress ang mga kasama ngayon "Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag" nag nod naman ang iba samantala ang the rest naman ay tahimik lang "Tungkol ito sa case na involved ang HPE almost 15 years ago" pagtatapos ni Ren. Nag ingay naman ang boys, lalo na sina Sakuragi, Koshino, Mitsui at Miyagi na vocal sa displeasure nila sa mga taong involved sa kaso, nagpasya si Ren na patahimikin sa pag iingay ang mga kaibigan ng anak "Ehem... As I was saying, tungkol ito sa case na ito, kaya pinagsasabihan ko kayo ngayon pa lang na mag ingay kayo... tayong lahat". "Uncle bakit don't tell me bumalik na si Uno dito sa Japan?" tanong ni Fujima. Nag nod naman si Ren "Oo Kenji-san, may nag tip sa akin noong gabi na dumating si Uno dito sa Kanagawa, kasama nya si Shikou" paliwanag ni Atty Kyo. "Atty... so pwede na natin makasuhan yang si Uno na yan tapos makulong na din sya" hopeful si Ikegami. Sumang ayon naman ang the rest of the boys. Umiling si Kyo "Hindi pa sapat ang evidence natin ngayon pero on process na ito, unfortunately halos lahat ng involved sa case before, the judge the investigators ay wala na dito sa Japan nasa abroad or kaya naman ay pumanaw na".

"Hindi ito coincidence lang... Sa tingin ko Atty, may kinalaman na naman si Uno dito" comment ni Fujima
"Iyan din ang naisip ko dahil sa nangyari... Besides kaya din kayo pinatawag ni Mr. Ren ay dahil ininform ako ng kaibigan ko na pinag iinteresan ni Uno ang property na pagmamayari ng HPE" paliwanag ni Atty Kyo

"Atty... sino po itong informant ninyo, sure po ba na trustworthy siya?" nag aalala si Toru na baka kampon din ni Uno ang tao na yon
"Huwag ka mag alala Toru kaibigan namin ni Hoshi ang tao na ito noong college, private investigator siya" tugon ni Atty Kyo

"Genma po ba ang pangalan nya?" singit ni Hasegawa

             Nag nod naman si Atty Kyo at tinanong si Hasegawa kung paano nya nalaman, "Uhm, father ko po siya... Haha Hello ninong" wika ng binata dahilan para magtawanan sila, binulungan naman ni Rukawa si Toru "Figures... pamilya ni Hasegawa ay mga private detectives / investigators", mahina nag tawanan ang dalawa. "Ay nako ikaw na pala yan Kazushi, yung inaanak ko pasensya na maliit ka pa noong huli kita nakita Haha" paliwanag ni Atty Kyo, nag salute lang si Hasegawa "Trustworthy yung informant ni Atty... Father ko yun eh" pag address nya sa concern ng kaibigan. Napailing na lang si Fujima "Haha pambihira tatahimik tahimik ka lang pero involved ka pala dito as always" wika nya habang nakatingin sa kaibigan nya na si Hasegawa. "Uhm, going back ano po ibig ninyong sabihin dun sa property ng HPE, yun po ba yung may informal settlers?" tanong ni Jin. Nag nod naman si Ren "Oo ayun nga.. Plano ng company na mag tayo ng condo building doon since maganda ang lugar at accessible sa lahat" paliwanag nya. "Ayon sa nakalap namin details kumikilos na sina Uno na i encourage ang mga nakatira doon na huwag umalis at angkinin ang lupa natin" paliwanag ni Ren. Nag twitch naman ang tenga ni Sakuragi, "Sus, eh hindi naman sa kanila yung lupa na iyon eh... pambihira".

"Baka naman alagad din ni Uno mga nakatira don" comment ni Mitsui
"Or baka naman may pera sila natatanggap kaya pahirapan ang pagpapaalis sa kanila"comment naman ni Koshino

"Baka naman may ginto doon?" pagsali ni Fukuda sa usapan

            Tumingin naman ang lahat kay Fukuda na kumakain ng cookies "What?" tanong nya. Tumingin si Toru kay Fukuda, naalala niya ang pagbibiro ng Lolo na may mina ng ginto ang ilalim ng lupa na iyon kaya kahit hindi magtrabaho ay mabubuhay sila "Baka tama si Fukuda" wika ni Toru dahilan para tumingin ang lahat sa kanya "Naalala ko nagbibiro si Lolo sa amin ni Ate Kiyo noon na may mina ng ginto daw sa ilalim ng lupa na yon at kahit hindi kami magtrabaho ay mabubuhay kami" paliwanag ng binata. Na alarma naman si Ren "Toru... tawagan mo si Allen, pinapunta ko siya doon ngayon baka kung ano nangyari sa kanya". Natigilan naman si Toru at nakaramdam ng kaba, "Dad! Bakit ninyo pinapunta si Allen don, delikado ang lugar na iyon" kalmado ang itsura ngunit na betrayed nito ang boses nya, na naramdaman naman ng lahat na nag aalala sya. Idial pa lamang ni Toru ang number ng girlfriend ng dumating si Lei na humangos at may nagbadya na luha sa mga mata..

"Sir! Si Ms. Allen nasa ospital" nag panic na boses ni Lei

               Naibaba ni Toru ang kanang braso na naka angat lang kanina at pakiramdam nya at nawalan sya ng lakas para huminga ngunit nilabanan nya ang urge na ito at nilapitan si Lei "Saan ospital dinala si Allen?" seryosong tanong nya, nasabi pa lang ni Lei ang pangalan ng ospital ay tumakbo na si Toru patungo sa elevator. Nakasunod naman sa kanya ang mga kaibigan, "Lord sana po iligtas ninyo si Allen" bulong na dasal ng binata. Sina Ren at Kyo naman ay nagpasya na sumunod din kasama si Lei nagkasundo ang dalawa na ipapaalam kay Hoshi ang mga nangyari dahil nag aalala rin sila sa kapakanan ng kaibigan.

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon