Chapter 69

36 1 0
                                    

"Damihan mo ang sabaw para sa soup, Irene... masarap ang mainit na sabaw ngayong umuulan" wika ni Yoko
"Opo, Ma... iniisip ko rin po si Allen, ayon po siguro ang ama nya, magkamukha sila pansin ko" pag salaysay ni Irene sa napansin nya kanina

"Ah... Sya ba ang ama ni Allen, mabuti naman nagkausap na sila.. Ibig sabihin ba non sinundo na ni Sir ang anak nya" masaya si Yoko sa nalaman at kuryoso rin sya
"Hindi pa po Mama..."

"Bakit naman daw Irene?" nag aalalang tanong ni Yoko

       Pinatong ni Irene sa platito ang sandok na gamit nya bago tinabihan sa lamesa ang ina ng asawa "Sabi po ni Mr. Kobayashi, kailangan pa ni Allen ng pahinga mula sa Kanagawa... kaya po Mama, nagpasalamat po sa atin si Sir sa pag aalaga natin sa anak nya" nag nod naman si Yoko "Lahat ng magulang, gagawin lahat para lang sa mga anak" may understanding sya sa nararamdaman ng ama ni Allen dahil magulang rin sya ngunit may naalala sya "Bakit po Mama?" nag aalalang tanong ni Irene gulat ang kanyang naramdaman ng seryoso syang tinignan sa mata ni Yoko "Hindi ba... Daisuke ang apelyido ni Allen" nag nod naman si Irene dahil ito rin ang alam nya "Pero bakit Kobayashi ang apelyido ng ama ni Allen" dagdag ni Yoko. Natigilan naman si Irene ngayon lang nya narealize ito kung hindi pa sinabi ng mother-in-law nya, nagkatinginan na naman silang dalawa.

"Baka po hindi kasal ang magulang ni Allen" comment ni Irene
"Maaari... Kaya baka apelyido ng mother nya ang gamit ni Allen" dagdag ni Yoko
"Pero sa birth certificate nakalagay ang complete name ni Mr. Kobayashi as a father" sabay na saad ng dalawa

"Kaninong apelyido ang gamit ni Allen?" singit ni Yusuke sa usapan ng asawa at manugang

       "Oh jusko po..." sa sobrang gulat napahawak ang dalawa sa kanilang mga dibdib, tawa naman ng tawa si Yusuke sa reaction nila "Papa! Bakit po kayo nangugulat" pangaral ni Irene na ikinatawa muli ni Yusuke bago umupo sa kabisera, nag salin agad sya sa baso ng tubig mula sa pitsel "Ano ba yung pinag uusapan nyo... Mali pala... ano na naman ang pinag chismisan ninyo" ngumuso si Irene, samantala si Yoko ay nagtakip ng bibig gamit ang mangas ng kimono nya na kabisadong kabisado ni Yusuke ginagawa ng asawa nyang si Yoko kapag nahihiya ito, pagkainom nya ng tubig, nag sniff sya "Hmmm... parang may amoy sunog" comment nya napabalikwas naman sa pag kakaupo si Irene "Ay yung Soup!" aligagang sabi nito bago bumalik sa harap ng kalan. Inulit ni Yusuke ang tanong nya kanina, klinaro ni Yoko ang kanyang lalamunan bago isinalaysay ang nangyaring pagbisita ng ama ni Allen hanggang sa pinagusapan nila ni Irene kani-kanina lamang, tahimik lang nakinig si Yusuke.

       Alas otso imedya na ng gabi ng matapos makapagluto si Irene, inasikaso pa muna nila ang pagkain ng mga guest nila na nag stay sa kanilang inn. Bumukas naman ang pinto, tumambad si Conan ang asawa ni Irene na kauwi lang galing sa kanilang maliit na tindahan sa airport "Tadaima" bati nito "Okaeri" bati naman pabalik ni Irene inalis nya ang suot na apron "Anata, magpahinga ka muna maya maya ay kakain na rin tayo" tinanggap ni Conan ang alok na tubig ng asawa bago pumunta sa kanilang sala nagbigay galang sya sa mga magulang "Mama... nasaan po ang little princess natin?" hinanap agad nya ang anak na si Lily "Ah... pinaakyat muna ni Irene kay Allen para gisingin dahil maghapunan na rin tayo" si Yusuke ang sumagot sa tanong ng anak si Yoko kasi ay abala sa pinapanood na drama sa tv. Maya maya bumukas ulit ang pinto at maliit na yabag ang narinig nila.

"PAPA!!!" masiglang bati ni Lily, ibinaba nya si Mun at dali dali tinalunan ang ama na nakaupo sa couch
"Oofff" na lang ang nasabi ni Conan dahil sa bilis ng pangyayari
"Parang nabaliaan si Papa sa pagtalon mo Lily" dagdag nya
"Aww... Sorry Papa, miss lang po kita, saan masakit kiss ko" nag aalalang tanong ni Lily

"Nagbiro lang si Papa, hindi ako nasaktan ngunit sa susunod huwag mo ako basta talunan, baka mapipi si Papa" pagdadrama ni Conan

       "Okay!" niyakap agad ni Lily ang ama, si Irene naman ay tumatawa mula sa posisyon nya sa kusina alam nya iba ibig sabihin ng asawa sa huli nitong sinabi sa kanilang anak. "Lily... nasabihan mo ba si neechan mo?" tanong ni Yoko na katatapos lang ng sinubaybayan na drama, nag nod naman si Lily "Opo Obaa-chan... kaso antok pa si Neechan, kaya binaba ko na po si Mr. Fluffy Fluff", "Dalhan na lang natin si Allen ng pagkain mamaya, mukha napagod sya ngayon araw" wika ni Yusuke sumang ayon naman sina Irene at Yoko. "Ah si Allen siguro yan" comment ni Conan dahil ang dalaga lang naman ang palaging kumakatok sa pinto nila ng ganitong oras kahit na sinabihan rin nila ito na hindi na kailangan at pumasok na lang agad tatayo na sana si Conan para buksan ang pinto ngunit inawat sya ni Irene "Magpahinga ka lang dyan, ako na" dahil mas malapit sya sa pinto tumayo naman si Lily, binuhat agad si Mun "Sama ako Mama" bago sinundan ang ina.

       Binuksan naman ni Irene ang pintuan na may malapad na ngiti, nanlaki ang mata nya at hindi makapagsalita, si Lily na nagtaka sa biglang pagka estatwa ng ina ay nagpunta sa tabi nito, bahagya tinagilid ang ulo habang yakap yakap si Mun "Ohhh" panimula nya "Hindi po ba kayo yung....." hindi nya natapos ang sasabihin dahil dali dali pinatuloy ng ina ang mga dumating, malakas na sinara ang pinto dahil malakas na kulog at kidlat ang palamuti ng langit.

Windows of the SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon